Sinabi ko agad kay Russel na magkikita kami no'ng landlady. Sinabi ko rin sa kaniya na kaming dalawa lang ng landlady ang mag-uusap. Kapag nahalata niya na lang na gusto ko nang umuwi, roon siya papasok sa eksena.
"Nandito po ako para kay Mama. Nandito po ako para malaman lahat,"
"Kaya mo na bang marinig ang totoo?"
"Kaya ko po pero expect niyo na rin pong masasaktan at masasaktan ako... kasi si Mama na po 'tong pinag-uusapan natin, e." I smiled a bit.
She took a deep breath as she placed her hand on the table. "Masaya ako na napalaki ka nang maayos ni Jim. Huli kitang nakita — elementary ka pa, e. Pero tignan mo ngayon," she looked at me, smiling, "From girl to an amazing woman. I am proud of you, Chelseya."
"Si Clarisse ang nagbigay ng pangalan mo. Ginawa niyang 'Chelseya' para raw parehas kayong letter C nagsisimula. Clarisse siya, ikaw naman Chelseya,"
Akala ko sina father ang nagpangalan sa akin. Si Mama pala.
"Dinadagdagan ko lang ng 'Everleigh' para maganda pakinggan,"
"How about 'Martinez' po? Apelido po ba 'yon ni Papa?" I asked.
"Oo naman." she smiled. "Hindi mo na rin siguro matandaan 'yong mukha ng Papa mo kasi maaga siyang nawala, e. Sa pagkakatanda ko, isang SAF ang Papa mo. Alam mo, ang tikas-tikas ng Papa mo sa tuwing nakasuot siya ng uniporme. Alam mo 'yon? Handang sumabak sa giyera. Tapos 'pag nasa bahay naman, under siya ni Clarisse." she laughed a bit. "Isang sabi lang ni Clarisse roon, susunod agad. In short, mabuti siyang asawa. Iyon nga lang, maaga siyang nawala,"
"Ano pong nangyari kay Papa?"
"Nabaril siya. Na-distino kasi 'yong Papa mo sa malayo. Probinsya 'yon, e. Kaya minsan lang makatawag ang Papa mo sa Mama mo kasi nga mahina ang signal. Idagdag mo pa na nasa bandang bundok sila,"
Pulis pala si Papa. Ngayon ko lang nalaman... Sana may picture ako sa kaniya bago siya mawala.
"May tumawag na lang sa Mama mo na patay na 'yong Papa mo. Araw-araw, gabi-gabi ko naririnig na nagluluksa 'yong Mama mo. Kahit tapos na 'yong libing, iyak pa rin siya nang iyak. Do'n na rin siya nagsimulang mag-iba."
"Ano pong ibig niyong sabihin? Ano pong nag-iba si Mama?"
"Lungkot na lungkot 'yong Mama mo no'ng panahong 'yon. Ayun, nag-droga. Ilang beses ko nang sinabi na tigilan niya na pero hindi nakikinig. Pakiramdam niya kasi kapag gamit niya 'yon, nakakalimot siya ng mga problema. Nakakalimot rin yata siya na may anak siya,"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko habang nagsasalita siya.
Kaya naman pala inilayo niya 'ko kay Mama. Iyon pala 'yong dahilan. All this time, akala ko iniwan ako ni Mama sa simbahan kasi hindi niya na 'ko mahal. Iyon pala hindi.
Inilayo niya 'ko kay Mama para rin sa kaligtasan ko.
Dati, iyak ako nang iyak kung bakit ako iniwan ni Mama. Ngayon, may parte na sa puso ko na nagpapasalamat sa kaniya kasi kung hindi niya 'ko inilayo kay Mama, baka kung ano nang nangyari sa akin.
"Ano po pa lang pangalan niyo?"
"Constancia. Lola mo," sabi niya na mas ikinagulat ko.
•••

BINABASA MO ANG
Somewhere in Vigan
Romancethey found love somewhere in vigan. ••• an epistolary. ynamoreata, 2022