43

33 2 0
                                    


titigil na, sana nga.

hindi pa pala.

ikaw pa rin ang paksa na
nanatiling nakapaloob sa'king piyesa.

ako ang siyang iyong manunula,
ngunit malabong tayo'y magtugma.

sa dami-raming mga salita,
ikaw ang paboritong ikatha.

tama na?

kailan ba mauubusan itong tinta?

'pagkat di matigil sa pagdurugo, sinta.

ain't first, ain't last Where stories live. Discover now