47

30 2 0
                                    


gaano ba kasakit ang matamo ang sugat na hindi nakikita?

Gaano ba kapait ang mga matatamis mong salita
na sa isang paksa ginugol mo't ibinurda?

Pero sa hardin niya iba ang nangangalaga.

gaano ba ka hapdi ang masampal ng sarili mong gawa?

gaano ba kasarap ang patahanin ka ng iyong sinisinta?

na kahit kailan di niya magagawa
dahil na sa imahinasyon mo lang siya.

gaano ba ang kirot ng iyong pagluha sa taong di ka mahalaga?

pero siya at siya pa rin ang iyong nakikita
kahit di na tama.

gaano ba ka tanga ang umasa sa wala?

dahil pilit mong inaabot ang isang lampara
kahit ang sakit sakit na o kahit ikamatay mo pa
na sa una pa lang dapat tumigil ka na.

gaano ba kamahal ang magmahal?

kasi ang hirap pumusta
kung alam mong itataya mo lahat
sa laro na ikaw lang ang sumusugal.

gaano ba kasaklap ang magparaya?

'yong tipong handa mo siyang pakawalan
sumaya lang siya sa piling iba
kahit nadudurog ka na.

ganoon naman talaga ang tunay na pagmamahal 'di ba?

hindi pinipilit kung hindi naman tugma.

parang tamis at pait na inihulma,
na dalawang taong pinatagpo pero di naman itinadhana.

ain't first, ain't last Where stories live. Discover now