54

24 1 0
                                    


sa bawat galaw ng mga salita,
gamit ang mga nagbabadyang tinta
sa papel iuukit ang bawat parirala.
pariralang sa'yong katangia'y kumakawala.

sa dinami-dami ng tao,
ika'y aking nakatagpo.
kapwa tayo'y estranghero,
magkaiba ang ginagalawang mundo.

'di ko inaasahan na ika'y makakasundo,
kahit na purgang-purga na 'ko sa kakasecret mo.
at sa mga ginagatong na tanong sayo,
'di ko alam kung matatawa o maiinis ba ako.

uy, may secret syndrome na ata ako.
dahil sa kaabnoyan mo,
'yan tuloy pati ako nabaliw sayo.
wasmewep wasmeneney

'di ko man alam ang pagkatao mo,
nasisiguro kong isa ka sa pinakamagaling
na manunulat na nakilala ko.

akala mo nagbibiro ako?

well, oo.

just kidding, it's true!

sa bawat pagtipa ng bawat pahina
ako'y natatangay ng hangin sa pagkamangha.
sa bawat limbag ng mga salita
na nakaukit sa'yong mga tula—
anng gumising saking natutulog na diwa.

hanggang sa dalawa mo pang obra,
na nag-iwan sakin ng marka
at nagpabitin ng sobra.

pakinggan mo ang mga kataga
secret may part 2 po ba?

sa larangan ng drawing ika'y magaling,
idol na nga kitang maituturing.

naniniwala akong malayo pa
ang iyong mararating
kaya dapat lang—  PAYTING!

'di bale na nga,
siguro noong nagpasabug ng talento
gising na gising kang ka.

maraming salamat sa kabutihang ipinakita
kahit na minsa'y pinag-uusapa'y walang kwenta.

ako'y lubusang natutuwa
sayong kagiliw-giliw na presensya.

kahit kailan ika'y makakaasa,
asahan mo nandito lang kami para sumuporta
sa'yong mga natatanging obra
na 'di man kasing sikat ng iba,
swak naman sa'ming mata.

hanggang sa muli, kung tayo may magkikita,
ikinagagalak kitang makilala.


— saw this one,
ang korni kaya
i'm including
this hahahaha.
gold old days nga.
it's been 5 years. 

ain't first, ain't last Where stories live. Discover now