51

24 1 0
                                    


nakatanaw sa kalangitan,
boses na walang kilanlan,
ikaw pa ba'y mapapalitan?

kung gayon, kailan?

'pagkat lubusan na akong nasasaktan ng 'di malaman ang  dahilan.

sana una palang nagretiro ka na.

hindi, mali.

dahil sana una palang dapat hindi na ako umasa.

una pa lang dapat inalam ko
muna ang salitang importansya
bago tuluyang ika'y isali sa
kaharian ng aking pantasya;

kung saan mga ilang libo't raan pa yan ika'y nanatiling aking paksa.

alam mo ba kung ano ang aking tinta?

iyon ay pinaghalong dugo't luha.
gawa ng iyong pusong mahilig mambalewala.

tila kailangan ko na ng ambulansya,
masakit pala talaga.

dapat ba akong matawa?
'pagkat ika'y nanatiling mahalaga.

ako na si tanga. eh ano naman?

sa susunod na magkukrus ka,
h'wag sa harap ni padre damaso ha.

madugong labanan pala ito eh.

lakas naman ng loob kong tanging papel
at pluma lang ang tangan.

oh, ito!

pinapabatid sa'yo na ikaw ang paksang ipinaglalaban.

ain't first, ain't last Where stories live. Discover now