46

30 2 0
                                    


dati-rat'y sa isang saknong
kay rami ng tanong
na sa utak ko'y bumubulong
para bang nagkakaroon ng sariling pagpupulong.

ngunit ngayon, ang isang saknong
tila ba kay hirap buuin—
mga letrang sumisigaw ng tulong
parang mga bituin na kay hirap bilangin.

kung tutuusin nananatili lamang
itong isang blankong papel.
isang blankong papel na di mo na kailangang burahin
dahil matagal na itong kinitil.

ano pa bang magagawa ng isang manunula
kung letra'y sakanya na mismo nagsawa?
ano pa ba ang magagawa ng isang makata
kung napagod na itong tumugma?

nagsawa na ba?
o sadyang pagod na ba?
kasi kahit alin sa dalawa
dahilan ay magiging isa.

'yon ay nasaan na ang  paksa?
naglaho na ba't nawala?
pero bakit narito pa rin at umaasa?
umaasang sa kan'ya ay papasa.

ni minsan di niya nagawa
ang basahin ang mga akda
na siya ang bukod-tanging paksa
ng  mga piyesang namunulaklak sa tamis ng mga salita.

tignan mo tuloy nasasaktan kang mag-isa
sa labang ikaw lang ang tumaya.
kailan ka ba titigil sa pagluha?
pagkat pagkatao mo'y unti-unti mo ng binubura.

ain't first, ain't last Where stories live. Discover now