49

35 2 0
                                    

hahayaan kita.

hahayaan kitang kumawala
sa hawlang pakiramdam mo ika'y dukha.
dukha sa pagmamahal na 'di mo natamasa.

o natamasa nga pero sadyang hiram lang.

hiram na atensyon—
'di pinagpaguran at walang kagustuhan.
kunbaga pampalubag oras ka lang.

hindi ko nais na paulit-ulit
mo itong maramdaman.

na hindi ka kabilang
sa kahit na sino man.

lalong-lalo na't marahil
pakiramdam mo'y
wala ka  sa pagpipilian.

prayoridad pa kaya?

di bale na.

mangmang mang pakinggan
at mukhang tanga man isipin
pero sagad sa pula ang 'yong tapang.

'pagkat ang pagiging pulubi
ay hindi sa iyo nararapat
ika'y higit pa sa ganyang kalagayan.

wala kang kulang at lalong hindi ka salat,
ika'y sobra sa 'di inaakala.

kung pakiramdam mong sukong-suko ka na
at tinalikuran ka ng mga taong akala mo sila na
o kahit ng mundo pa yan.

huwag kang mag-alala.

nandito lang ako.

kaya kahit ayaw man kitang nasasaktan,
pasensya na kailangan mo 'yan.

kaya sige lang.

sumugal ka at makipagsapalaran.

kailangan mo munang mawala
at lubhang masugatan.

nang sa susunod,
sa diwa ng 'yong  kaibuturan,
sarili mo na ang 'yong paglaanan
ng  pagmamahal na 'di nila kayang suklian.

ain't first, ain't last Where stories live. Discover now