45

34 2 0
                                    


umaasa ka pa rin
kahit na malabo ka niyang mapansin.

'di ka nga kayang lingunin
dahil sa iba siya may pagtingin.

sabi ko naman sa'yo,
huwag mo nang lokohin ang sarili mo.

iyan tuloy luha mo na nama'y tumutulo.
kailan ka ba matututo?

mahirap bang intindihin
na siya'y iyo ng limutin?

o sadyang mahirap lang tanggapin
dahil siya pa rin kahit ano ang iyong gawin?

ano ba ang gusto mong palabasin?
tama ng minsan ka ng naging alipin.

ngayon sarili mo naman ang iyong piliin.
sarili mo naman ang iyong mahalin.

ain't first, ain't last Where stories live. Discover now