Chapter Twenty-Seven | Red Aster

128 2 0
                                    

Chapter theme: Blind Love - Golden Child

Bago pa sumapit ang alas-sais ng umaga ay lumarga na kami patungo sa sunflower farm ville sa bandang Norte

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Bago pa sumapit ang alas-sais ng umaga ay lumarga na kami patungo sa sunflower farm ville sa bandang Norte. Hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman ko kaya naman mulat na mulat ang mga mata ko sa loob ng dalawang oras naming biyahe. Sarado pa nga 'yong farm ville nang makarating kami roon kaya ilang minuto pa kaming naghintay sa loob ng van na sinasakyan namin.

Kasama ko ang mga kaibigan ko maliban lamang sa kababata kong si Aiyah. Hindi nagtugma ang schedule niya sa schedule ng pagpunta namin dito dahil sa Asia Tour nila. Nakakalungkot man dahil gusto ko sanang kumpleto kami pero nangako naman ito na tatawag siya kapag nagkaroon sila ng free time bago tumugtog.

At exactly eight o’clock, pinapasok na kami sa loob ng farm ville. Siguro dahil Lunes ngayon at masyado pa rin namang maaga kaya kami pa lang ang taong narito. Nasa entrance pa lang kami ay hindi ko na mapigilang mamangha dahil sa makukulay na bulaklak sa paligid at sa bahay kubo na tumambad sa paningin ko.

"Mahal, huwag kang tumakbo. Baka mapagod ka agad," sita sa akin ni Gabriel nang bumitaw ako sa hawak niya ngunit binungisngisan ko lang ito nang lingunin ko siya saglit.

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay kubo na isa palang souvenir shop. Sunod-sunod na singhap ang kumawala sa mga labi ko habang isa-isa kong tinitingnan ang mga tinda sa loob. May mga ibinebenta silang dress, t-shirt, hat, sapatos, bags, tumbler at kung ano-ano pang mga gamit na may disensyo ng flowers. Tamang-tama ang outfit ko sa lugar na ito dahil naka-sunflower printed dress ako at may sunflower design din ang sandals na suot ko. Iyong turban ko lang ang naiiba.

But what really caught my attention inside the souvenir shop was the antique wooden box with a sunflower carved on top. Kasing laki ito ng palad ko at nang buksan ko ito, doon ko napagtanto na music box pala ito. It played the familiar melody of Amazing Grace and inside the lid, the words ‘You are my sunshine’ was carved on it.

"Gusto mo ba 'yan?"

Sunod-sunod akong napatango nang tabihan ako ng asawa ko. Ngumiti siya sa akin bago luminga-linga sa paligid. "May iba ka pa bang gustong bilhin bukod diyan?"

"Gusto ko rin ng couple shirt," turo ko sa kabilang istante kung saan nakahanger ang mga couple shirt nila. My husband took my hand and led me there to choose our sizes.

"Uy, ang ganda ng music box na 'yan. Gusto ko rin!" bulalas ni Danika nang lumapit ito sa amin at napansin ang hawak ko. Iniwan niya ang boyfriend niya na nagtitingin ng mga sapatos.

"Parang nag-iisa na lang yata ‘tong music box," imporma ni Gabriel.

"Ay, sayang naman. Maganda pa naman sana siyang lagayan ng jewelries."

"Pero itanong mo na lang din, baka may stock pa sila."

"It's okay. Iba na lang ang bibilhin ko," Danika smiled and joined his boyfriend.

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon