Chapter Seven | Carnation

325 23 22
                                    

Chapter theme: Time To Let Go - Sarah G feat. Mark Bautista

"Wake up, antukin na kuting!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Wake up, antukin na kuting!"

"Five minutes pa," I mumbled, my voice muffled by the pillow. Pero ang kapatid ko, hindi ako tinigilan. Kung makayugyog sa akin parang wala nang bukas.

"Bumangon ka na, ngayon ang start ng summer class sa simbahan. Huwag mong paghintayin ang mga estudyante mo."

"Five minutes pa nga." I whined. Ibinalot ko pa ang kumot sa buo kong katawan.

"Ayaw mo gumising, ha!"

Biglang inagaw ni Kuya ang kumot ko kaya naitakip ko ang mga kamay sa aking mukha. Bukas na bukas pala ang bintana sa kwarto kaya nasilaw ako sa sinag ng araw.

"Kuyaaaa!" Malakas kong tili nang sumampa siya sa kama at kiniliti ako. "Tama na...oo na! I'll get up na," I repeatedly shouted amid laughter, but my brother continued tickling me. "Kuya, stop! I-I can't breathe…”

Doon lang tumigil si Kuya Mike sa pagkiliti sa akin at naaalarmang sinuri niya ako ng tingin. Gasping for air, I clutched my chest, feeling as if I had just run a marathon. My face heating up from the brief breathlessness.

"Sorry, Kelly! Okay ka lang?" natatarantang tanong ni Kuya Mike. I could only respond with a thumbs up, struggling to form a word.

To my surprise, my brother suddenly lifted me and carried me downstairs to the kitchen. Gently placing me on a chair, he fetched a glass of water and handed it to me. I took a sip to recover.

"What's going on?" Our mom inquired as she entered. She went to my side and fixed my disheveled hair with her fingers.

"Si Kuya Mike, kiniliti ako nang kiniliti. Muntik na akong malagutan ng hininga," pagsusumbong ko na parang bata habang matulis ang nguso.

Pinanlakihan naman ni Mommy ng mata si Kuya na panay ang pagkakamot sa batok. Pinigilan kong matawa nang malakas na hampasin pa ni Mommy ang braso ng kapatid ko.

"Sorry na, Mommy! Aray! Hindi na mauulit," daing ni Kuya.

Hinubad ni Mommy 'yong suot niyang slipper para iyon naman ang ihampas pero nakailag ito. "Talagang hindi na dapat maulit! Paano kung may nangyaring masama sa kapatid mo, ha? Ikaw talaga Mikael, ang tanda-tanda mo na kung umasta ka minsan daig mo pa ang bata."

Kuya Mike just hung his head low. Na-guilty tuloy ako dahil sa exaggerated kong sumbong. Bumaba ako sa lamesa at yumakap sa likuran ni Mommy.

"Huwag mo nang pagalitan si Kuya, Mommy. Ayos lang naman ako. Nag-inarte lang ako kanina," pagtatanggol ko kay Kuya.

Mommy turned to face me and gently stroked my cheek. "I'm just looking out for you. You know that, right?"

"Mommy, stop treating me like a child. Twenty-four na ako."

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon