Chapter Twenty-One | Lavender

366 13 9
                                    


Chapter theme: Bended Knees - Boyz II Men

Parang isang malakas na suntok sa sikmura ni Gabriel ang mga salitang lumabas sa bibig ni Brix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang isang malakas na suntok sa sikmura ni Gabriel ang mga salitang lumabas sa bibig ni Brix. Napakalinaw nito sa pandinig niya ngunit ayaw itong iproseso ng utak niya. Napakahirap nitong paniwalaan kahit pa makailang ulit na siyang sinasampal ng katotohanan mula pa kanina.

"What do you mean she's sick? Nagbibiro ka lang naman, 'di ba?"

Mabagal na iniiling ni Brix ang kanyang ulo kapagkuwa'y diretsong tinitigan sa mata ang kausap. "Sana nga isang malaking biro lang ito pero hindi, eh. Kelly was diagnosed with acute myeloid leukemia, Gab. That's the truth."

Binalot ng lamig ang buong katawan ni Gabriel at nanuot 'yon sa bawat himaymay ng ugat niya. Nakaramdam siya ng panghihina sa mga tuhod niya kaya napasandal na lamang siya sa pader upang maalalayan ang sarili.

Nilingon niya ang E.R kung saan kasalukuyang sinasalinan ng dugo si Kelly. Ayon sa sumuring doktor dito kanina ay hindi normal ang blood count nito. Rinig niya ang malakas na pagtambol ng puso niya dahil sa labis na kaba at takot, lalo na nang mapadako ang malalamlam niyang mata kay Danika.

Nakaupo ang matalik na kaibigan ni Kelly sa pahabang upuan sa tapat ng E.R. Nakayakap dito ang boyfriend niya habang sinusubukan itong patahanin. Kanina pa ito hindi tumitigil sa pag-iyak kahit pa nahihirapan na itong huminga. Maging si Jules ay halata ang pagkabalisa dahil sa hindi maawat na pag-iingay ng paa nito sa sahig.

"Wala namang mangyayaring masama kay Kelly, right?"

Malalim na napabuntonghininga si Brix bago siya tumango, ngunit hindi kumbinsido si Gabriel. Kailangan niya ng kasagutan na makakapagpapanatag ng bagyo sa kalooban niya.

"K-kailan mo pa alam ang tungkol sa sakit niya?"

"Noong college tayo."

"Kaya ba lagi kayong magkasama noon?"

Tumango si Brix at natulala si Gabriel.

"Aksidente ko lang nalaman ang tungkol do'n dahil ang daddy ko ang doktor niya. During that time, Kelly was really stubborn and didn't want anyone to know about her condition. Nakiusap siya sa akin na ilihim 'yon dahil ayaw niyang kaawaan niyo siya. So, every time she had a check-up, sinasamahan ko siya para kahit paano ay meron siyang taong mapaghuhugutan niya ng lakas, bukod sa pamilya niya," mahabang paliwanag ni Brix.

"Walang balak si Kelly na hiwalayan ka, Gab. Maniwala ka. Naghahanap lang siya ng tamang tiyempo upang ipagtapat sa 'yo ang totoong kalagayan niya, pero naunang malaman ng mama mo ang tungkol sa kondisyon niya."

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon