Epilogue

673 21 38
                                    


Chapter Theme: I Don't Wanna Miss A Thing - Aerosmith

Chapter Theme: I Don't Wanna Miss A Thing - Aerosmith

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🌻🌻🌻🌻🌻

Like the sunflower turns to the sun, may the pages of this book be a source of comfort and solace to those who have fought silent battles.

🌻🌻🌻🌻🌻

GABRIEL

Napakabilis ng kabog ng dibdib ko at halo-halong emosyon na ang lumulukob sa akin. Pakiramdam ko nga anumang oras ay lulundag na palabas ang puso ko. Ilang malalalim na buntonghininga na ang napakawalan ko sa bawat paglipas ng segundo at nang hindi ako makuntento ro'n ay nagpalakad-lakad ako.

"Kalma lang pare, para ka namang natatae riyan," sita sa akin ni Jules. Tinapik-tapik niya ang balikat ko ngunit hindi pa rin nito napahupa ang pagiging tensyonado ko.

"Ready na ba ang lahat?" tanong ko.

"Handang-handa na kami! Kanina pa!" sabay-sabay namang tugon ng mga kabanda ni Aiyah nang sulyapan ko sila. May pagsaludo pa sa akin ang mga ito.

Malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ni Kelly dahil walang pag-aalinlangang pumayag sila sa pabor ko. Sila ang napili kong tumugtog para sa church wedding namin ngayon ni Kelly. Ang kaibahan nga lang, ako ang kakanta sa kasal na ito at hindi ang wedding singer.

"Parating na siya," nakangiting anunsyo ni Danika na may nakaguhit na masayang ngiti sa labi. Suot-suot niya ang yellow tulle dress at nakalugay ang mahabang buhok, simple lamang ang ayos.

"Humanda ka na dahil lalo kang mabibighani kay Kelly. Well, maganda naman siya noon pa man, pero iba ang aura niya ngayon. Gano'n siguro talaga kapag ikakasal ka ulit for the second time sa lalaking mahal mo."

"Thank you sa lahat ng mga ginawa mo para sa amin, Niknik. Maaasahan at napakabuti mo talagang kaibigan."

"Wala 'yon. Ano ka ba?" Inayos niya ang tumabinging ribbon ng tuxedo ko. Nginisian pa ako nitong best friend ni Kelly nang mapansin niya ang butil ng pawis sa aking noo. "Kinakabahan ka pa? Pangalawang kasal niyo na 'to, ah."

"Iba pala kasi talaga kapag sa simbahan na kayo ikakasal. Hindi ko ma-explain 'yong nararamdaman ko."

"I'm sure parehas lang kayo ng nararamdaman ni Kelly ngayon. Hindi nga rin 'yon mapakali habang inaayusan ko, tapos panay iyak, hindi pa man nagsisimula. Natagalan tuloy ako na ayusan siya," pambubuking niya kapagkuwa'y lumingon siya sa likod. "O, ayan na ang bride mo."

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ko na si Kelly na nakatayo sa pintuan ng simbahan. Nakaalalay sa kanya sina Mommy at Kuya Mike. Simpleng white gown lamang ang suot niya pero hindi ko mapigilang matulala sa taglay na ganda niya. Nagmukha pa siyang isang diwata dahil sa koronang bulaklak na nasa ulo niya. Lalo tuloy akong nahulog sa kanya.

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon