Chapter Nine | Marigold

336 21 20
                                    


Chapter theme: Like We Used To - A Rocket To The Moon

Nakaupo ako sa telang sumasapin sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa aking mukha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakaupo ako sa telang sumasapin sa damuhan habang nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa aking mukha. Ang presko at ang gaan nito sa pakiramdam, na tila ba tinatangay nito ang lahat ng pangambang nararamdaman ko nitong mga nagdaan na araw.

Napakaganda ring pagmasdan ng malawak at berdeng damuhan na pinapalibutan ng mga malalaking canopy trees. Nakakaaliw ang pagsasayaw ng mga sanga ng puno sa tuwing umiihip ang malakas na hangin. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito kahit lumipas pa ang maraming taon. Mabuti na lang at napanatili nila ang kalinisan nitong Sunken Garden ng Sunny Ville.

It's been a while since I last came here. Naalala ko, dito kami nagpi-picnic noong nabubuhay pa si Daddy. Dito rin daw ako unang beses na nakapaglakad nang tuwid sabi naman ni Mommy. Nang mamatay ang daddy ko, doon ako umiyak nang umiyak sa ilalim ng slide sa lumang playground, sa tapat nitong Sunken Garden.

Ang espesyal na lugar na ito ang madalas kong puntahan noong mga panahong nagagalit ako sa mundo at gusto ko nang sukuan ang sarili ko. Napakarami ko palang mga alaala rito. Saksi ang mga puno sa mga saya, sakit, at lungkot na naranasan ko.

"Teacher Kelly! Come, join us!" I snapped back to the present when I felt someone touch my hand. Natawa na lang ako nang masilayan si Charlotte sa harapan ko at hinihila ako patayo. Gulo-gulo na ang pagkakatali ng pig tail niya at madungis na ang mukha. Nakasuot siya ng red na jogging pants at puting P.E t-shirt na medyo nadumihan na rin.

"Gumulong ka ba sa damuhan?" I asked, removing leaves from her hair one by one.

"We're playing dodge ball po, teacher. Sali ka sa amin, kasali rin si Tito Gab!" magiliw na saad ni Charlotte. Tinuro pa niya si Gabriel na nakikipaghabulan sa ibang mga bata. Kasama nito ang ibang katekista na nakikipaglaro rin sa kanila.

Biglang naging awkward 'yong ngiti ko nang tumingin si Gabriel sa direksyon namin ni Charlotte. Gaya noong una naming pagkikita, isang estranghero lamang ang tingin sa akin nito.

Bakit ba kasi nandito siya? Bakit kailangan na siya pa ang maging guardian ni Charlotte sa araw na 'to? Nasaan ba kasi ang Mommy ng batang 'to? Mas madalas pang si Gabriel ang naghahatid-sundo kay Charlotte at tatlong beses ko pa lang nakita ang mommy nito.

Bakit ba kasi napakaliit ng mundo para sa aming dalawa? Ano bang trip nitong tadhana? Bakit parang favorite niya yata akong pahirapan?

"Come on, Teacher Kelly. Let's play," Charlotte insisted.

"Kayo na lang. Manunuod na lang ako sa inyo," malambing kong tugon. Halos magkandahaba-haba naman ang nguso ni Charlotte dahil sa sinabi ko.

"Charlotte, hayaan mo muna magpahinga si Teacher Kelly. Medyo kulang kasi siya sa tulog kaya wala pa siyang energy to play," malumanay na paliwanag ni Janice. Nakikinig pala siya sa amin.

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon