Chapter Fifteen | Peony

303 14 24
                                    


Chapter theme: All About Us - He Is We ft. Owl City


"Can I ask Kelly on a date?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Can I ask Kelly on a date?"

Napaawang ang mga labi ko habang nakatitig lang kay Brix. Sinusubukan na i-process ng utak ko kung tama ba ang mga salitang naririnig ko mula sa bibig niya o sadyang hindi lang ako nakapaglinis ng tainga ngayong araw.

Maging si Mommy ay ilang minuto ring natigilan sa diretsahang paghingi nito ng permiso, pero hindi nakalampas sa paningin ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi niya. My gaze then turned to my brother. Much like my mom, had a grin that stretched from ear to ear, as if he already anticipated what was about to unfold.

So, gano'n ba ako kamanhid?

It's been a week mula nang araw-araw akong pinadadalhan ni Brix ng chocolates. Madalas din siyang mag-padeliver ng foods dito sa bahay na may kalakip na note pa. Kahapon naman, niregaluhan niya ako ng Ice Bear stuffed toy kahit wala namang okasyon. I'm used to his sweet gestures as a friend, so I didn't realize that there might be a different meaning behind them.

Seryosong nakatitig sa mga mata ko si Brix kaya napayuko ako. My feet kept tapping on the floor, and my hands were busy fidgeting the hem of my shirt. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko kaya pasimpleng humugot ako ng hangin sa baga.

"Tita? Pwede po ba?"

"Hindi dapat ako ang tinatanong mo niyan, Brix. Si Kelly dapat," natatawang saad ni Mommy. Mahina niya pang pinisil ang kamay ko nang abutin niya ito.

Tumikhim naman si Brix upang kuhain ang atensyon ko. Wala nang patumpik-tumpik pang nagtanong siyang muli.

"Can I ask you on a date, Kelly?" pormal na tanong niya. Malumanay pero may bakas ng kaba. "I mean, not just a friendly date."

Nag-angat akong muli ng tingin sa kanila. Nasa akin ang atensyon nilang tatlo habang malalim akong nag-iisip. Well, it's Brix, after all. We've been friends for so long, and he's a genuinely nice guy. Alam kong hindi niya ako pababayaan. A date with him won't hurt, right? 

"O-okay."

"There you go! Nakapuntos na ang manok ko!" hiyaw ni Kuya.

Napapitlag kaming parehas ni Mommy sa lakas ng boses niya. May pagsuntok pa ang kanang kamay niya sa hangin na akala mo naman ay nanalo siya ng jackpot sa lotto. Mabuti na lang magaling na ang kamay niya. Ilang araw din kasi itong may benda at hindi namin alam kung anong nangyari rito. Pag-uwi niya na lang isang gabi, nagdurugo at may sugat na ang kamao niya.

"Makasigaw naman, Mikael. Hindi naman ikaw ang inaya ng date," suway ni Mommy kay Kuya.

Natawa na lang tuloy kami ni Brix.

"So, can I pick you up tomorrow?"

"Saan tayo pupunta?"

"Surprise,” kindat niya.

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon