Chapter Twenty-Nine | Azalea

372 13 4
                                    

Chapter theme: Himala - Rivermaya

Chapter theme: Himala - Rivermaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Totoo ang milagro. Maraming beses ko nang napatunayan 'yon sa mahabang laban ko sa sakit na ito, at nagpapasalamat ako sa Diyos na hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako. Maging ang bata sa sinapupunan ko ay kagaya kong lumalaban, marahil tumatagos sa kanya ang matinding determinasyon ko na mailuwal siya nang ligtas upang masilayan niya ang mundo. Iyong mga doctor kong tumitingin sa akin ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari.

I've been in the hospital for three months and will be here till I give birth. My doctor already warned me that my pregnancy would be difficult to manage, that's why my condition and treatments were being monitored by a multidisciplinary team that includes my hematologist, an obstetrician, neonatologist, anesthesiologist, and pharmacist. Idagdag mo pa sa team nila si Brix na laging puyat din kababantay sa akin kahit hindi niya duty.

Hindi naman ako nalulungkot sa pamamalagi ko sa ospital dahil madalas nakatambay sa kwarto ko ang mga kaibigan ko. Nahihiya na nga ako sa kanilang lahat, sa totoo lang. Baka kasi naaapektuhan na ang mga trabaho at buhay nila nang dahil sa akin. Gaya na lamang ngayon, malapit nang gumabi pero nandito pa rin sila sa kwarto ko.

"Tingnan mo sila, mahal. Para silang mga bata," natatawang bulong ni Gabriel sa tabi ko. Nakaupo kaming dalawa sa malaking kama at nakasandal ang mga likod sa headboard.

Gamit-gamit ko ang pinakamalaking VIP room dito sa ospital nina Brix kaya para akong nagbabakasyon sa isang hotel. May 75-inches TV pa ako rito kaya tuwang-tuwa ang mga kaibigan kong nakasalampak sa sahig. Tutok ang mga mata nina Jules, Brix, Lloyd, Thao at ang mga kabanda ni Aiyah sa TV dahil nagco-concentrate ang mga ito sa pinapanuod. Nasa pangatlong movie na nga yata sila ng Star Wars.

While my girls were seated on a long white sofa, engrossed in their own conversation, as they expressed dissatisfaction with the movie choice. Natalo kasi sila sa larong rock-paper-scissors game kaya aburido ang mga ito. They were hoping to watch a chick flick or rom-com instead.

Ako at ang asawa ko naman ay nakamasid lang sa kanila. Paminsan-minsan ay palihim ko silang nire-record sa video recorder na hawak ko. Mayamaya pa ay biglang tumayo sina Danika at Aiyah. Lumabas sila ng kwarto ko nang hindi man lang nagsasabi kung saan sila pupunta. Sumunod din agad sina Lily at Janice hanggang sa isa-isa na silang nawala.

Napatingin ako kay Gabriel na labis ang pagkakakunot ang noo pero nagkibit-balikat lang ito, at pinatakan niya ng halik ang labi ko kahit may suot-suot akong facemask. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa kanyang balikat at naghintay na lamang sa pagbabalik ng mga kaibigan ko.

Hindi rin nagtagal ay bumukas muli ang pinto ng kwarto kaya umayos ako ng upo. Agad na nanubig ang mga mata ko nang paisa-isang pumasok ulit ang mga kaibigan ko. Nakasunod na sa likod nila sina Mommy, Kuya, ang in-laws ko at maging ang parents ni Brix. Mahinang napahikbi pa ako dahil sa suot-suot nilang makukulay na party hat sa mga ulo nila.

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon