Chapter Two | Yellow Rose

740 31 17
                                    

A/N: Totoong banda po yung Capotes Band. Banda sila ng bestfriend ko. Hehe Names din nila ang ginamit ko sa story na 'to.

Chapter theme: With A Smile - Eraserhead

Chapter theme: With A Smile - Eraserhead

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Alam mo, ang unpredictable mo rin kung minsan. Ano naman ang naisipan mo at gustong-gusto mong pumunta sa bar ngayon? Hindi ka naman mahilig mag-night life, ah!" My best friend Danika stated, releasing out a loud huff. Tumama pa sa mukha ko ang mabangong hininga nito kaya napahagikgik ako.

"Maghahanap ako ng pogi ro'n sa bar. Malay mo, it's about time for me to get into a relationship, kaya gandahan mo ang makeup sa ‘kin, ha?" request ko. "Gawin mo na ring smokey 'yong eyes ko para fierce at agaw pansin, iyong makakaakit ng maraming lalaki."

Dahil sa mga demand ko, nasabunutan niya tuloy ako at pinandilatan. "Are you serious?"

"Joke lang, ito naman! Tutugtog kasi sina Aiyah ngayong gabi, kaya gusto ko silang mapanuod."

"Oh, my God! You mean nandito na sila ulit sa Sunny Ville?"

Tumango ako kaya napatalon-talon ito habang hawak sa kanang kamay 'yong makeup brush niya. Fan kasi itong best friend ko ng Capotes simula nang marinig niyang tumugtog ito sa Battle of The Bands noong college pa kami, kahit pa kalaban ito ng university namin. And from an unknown band back then, they’re now making a name for themselves in the music scene.

Aiyah Almazan, the main vocalist of Capotes was my childhood friend. Kapatid na ang turingan namin dahil sabay kaming lumaki at dito rin siya nakatira sa Sunny Ville. Bukod doon, magkumare rin ang mga nanay namin. Kaya lang bihira na lang kaming magkita simula nang naging busy siya sa pagbabanda niya. Kabi-kabilaan din kasi ang mga gig at recordings nila.

Minsan na lang din siyang umuwi rito dahil may sariling condo ang banda nila sa Makati. Kaya naman sobrang saya ko nang tumawag siya sa akin noong nakaraang linggo para ipaalam na tutugtog sila ngayon sa isang sikat na bar dito sa lungsod namin.

"Sabihin mo naman, baka pwede akong humingi ng autograph mamaya. Alam mo naman, sobrang fan ako ng kababata mo," pangungulit ni Danika.

"Sure, ikaw pa ba?"

"Thanks, Kels! The best ka talaga!" nagliliwanag ang mukhang sambit niya bago ibalik ang atensyon sa pag-aapply ng makeup sa akin.

Habang abala siya sa pagpapaganda sa akin ay tahimik na pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng pabilog na salamin. Danika painted my nails red earlier, which matched the bright red lipstick on my lips. She then skillfully drew a wing on my eyelid, making my eyes appear even more captivating. Napakanta tuloy ako ng Reflection na may kasama pang pagmuwestra ng kamay.

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon