Chapter Twelve | Protea

278 13 15
                                    


Chapter theme: Brave - Sara Bareilles

I didn't realize how quickly each day passed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I didn't realize how quickly each day passed. I've been quite busy again teaching in the summer class, and when it's time to head home, I will go straight to the flower shop to help.

Nakakapagod man ang routine ko pero iba ang saya na naidudulot nito sa akin, lalo na kapag nakikita ko ang ngiti ng mga batang tinuturuan ko. Sobrang genuine kasi ng ngiti ng mga bata kaya nga nakakalungkot kasi ilang linggo na lang din kaming magkakasama ng mga estudyante ko.

Bago ako magtungo sa flower shop ay dumaan muna ako sa mall nang maalala ang birthday ni Charlotte. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nabibiling regalo para sa kanya. While I was busy browsing inside the department store, my cellphone vibrated. I fished it out from my small pouch and answered the call without even looking at the screen.

"Kels, where are you?" It was Danika.

"Nasa mall ako, bakit?"

"Gumagala ka? Hindi ka man lang nagyaya?"

"Saglit lang naman ako rito. And hello, may pasok ka kaya."

"Anong ginagawa mo riyan?"

"Bibili lang ng regalo kay Charlotte."

"Pupunta ka?"

"Oo naman," I answered, as I strolled towards the toys section while talking to my best friend.

"Kahit nando'n si Gabriel at kasama si Stella, pupunta ka pa rin? Kaya mo silang harapin?"

"Hindi naman sila ang dahilan ng pagpunta ko ro'n. It's for Charlotte. Baka magtampo sa akin ang bata kapag hindi ako sumipot at ayokong pasamain ang loob niya. You know how much I adore that kid."

"Okay, okay. But if something happens and it gets awkward, just call me," she instructed. "Pwede bang mag-gate crash ako? Or baka need pa nila ng clown, pwede si Jules."

Natawa na lang ako sa mga naiisip niya.

"Don't worry, Janice will be there, too. Ilang oras lang din naman 'yong birthday party, kaya ko na 'yon. You guys don't need to protect me all the time, brave yata ako, 'no."

"Yeah. I know. You're supergirl," she chuckled.

"Anyway, can you help me decide kung anong bibilhin kong regalo para kay Charlotte? Kanina pa ako nag-iikot pero wala akong mapili."

"Oh, Kels. I'm not good with that. Alright, bye then."

Mabilis niyang tinapos ang tawag kaya napatanga ako sa screen ng phone ko. Si Danika talaga, nagpapatulong 'yong tao, eh! Ibinalik ko na lang 'yong phone ko sa pouch at nagtingin-tingin na ulit ng pwede kong iregalo kay Charlotte.

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon