Chapter Seventeen | Blue Iris

276 16 20
                                    

Chapter theme: Raibow - Southborder

Gabriel rushed to his office upon learning that Stella was causing a scene

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gabriel rushed to his office upon learning that Stella was causing a scene. And upon his arrival, mga kumpol ng mga nakikiusyoso ang nadatnan niya. Dali-dali niyang hinawi ang mga taong nakaharang upang makadaan at agad na isinara niya ang pinto ng kanyang opisina.

Sandaling natigilan pa si Gabriel nang masilayan niya ang ayos ng opisina niya. Para itong dinaanan ng bagyo. Nagkalat sa sahig ang mga basag-basag na piraso ng vase at maging ang mga picture frame na nasa ibabaw ng lamesa niya ay nasa sahig na at basag na ang frame.

"What happened here?"

Mabagal ang hakbang na nilapitan ni Gabriel si Stella. Nakaupo lamang ang dalaga sa sahig, nakatungo at mahinang humihikbi. Nang mag-angat ito ng tingin, halos maitulos si Gabriel sa kinatatayuan dahil sa nababakas niyang galit sa mga mata nito.

"Why, Gab? How could you do this to me? Saan ba ako nagkulang?" Stella's voice trembled with pain.

Tahimik na dinaluhan ni Gabriel ang dalaga upang alalayan itong tumayo, ngunit marahas na iwinakli lamang nito ang kamay niya. Nanatili na lang siyang nakaluhod sa harapan nito at sinusubukang pakalmahin ito.

"Ano bang meron si Kelly na wala ako?"

Tila nalunok ni Gabriel ang kanyang dila at nakaawang ang mga labing pinagkatitigan lamang ang lumuluhang dalaga.

"You think I wouldn't know? Bakit ka nakipagkita kay Kelly? Makikipagbalikan ka ba sa kanya? Mahal mo pa ba siya, ha?"

Tanging pagyuko lang ang naitugon ni Gabriel, na lalong nagpatindi sa pagbugso ng emosyon ni Stella.

"Mahal mo pa ba siya? Sagutin mo 'ko!"

"I’m…I-I’m sorry," bulong niya. Mabagal siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Stella saka buong suyo na nagwika, "Sinubukan kong kalimutan siya. Pinuno ko ng galit ang puso ko para sa kanya pero hindi sapat 'yong galit na 'yon para mabura kung anong tunay na nararamdaman ko sa kanya. I'm sorry, Stella…I-I’m sorry."

Dahil sa narinig ay mas lalong nagwala si Stella. Marahas na sinabunutan niya ang sariling buhok habang umaalpas sa kanyang bibig ang malalakas na sigaw. Nais ni Gabriel na yakapin ang dalaga ngunit panay ang pagpupumiglas nito sa tuwing hahawakan niya.

"H-how...about me? Minahal mo ba ako kahit kaunti lang?"

"I tried—"

"No! You didn't! Hindi mo sinubukan! Because if you truly tried to open your heart to me, hindi mo ako masasaktan nang ganito!” Stella screamed in his face and she started laughing hysterically while crying at the same time. “You…y-you only let me stay by your side because the truth is, you don’t want to be alone. You’re just like me. We’re the same, Gab. Kaya bakit hindi mo ‘ko magawang piliin?"

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon