Chapter Twenty-Four | Bluebell

253 10 7
                                    


Chapter theme: Endlessly - The Cab

"Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako sa harapan ng vanity mirror

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nasaan na ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako sa harapan ng vanity mirror.

"Baka busy lang."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sagot niya. It's already five in the evening, and I haven't seen any trace of Gabriel all day. He hasn't even sent me a text or called to let me know what he's up to, kaya worried na ako. Samantalang noong naka-confine naman ako ay hindi na siya umalis pa sa tabi ko. Kulang na nga lang ay magpatayo na siya ng bahay sa tapat ng ospital no'n. Baka mamaya ay napapagod na pala ito sa pag-aalaga niya sa akin tapos iwan na niya ako kung kailan nakalabas na ako ng ospital.

"Smile ka naman diyan, Kels. Kanina ka pa riyan nakasimangot, eh. Sayang naman 'yang ganda mo kung lukot naman ang mukha mo."

Paano naman ako ngingiti kung pinag-aalala ako ni Gabriel? Kapag hindi siya nagpakita ngayong araw, hindi ko siya kakausapin ng isang linggo.

"Ano bang meron ngayon?"

I didn't understand why I needed to dress up when we were just going out to eat. They even forced me into a stunning knee-length light blue chiffon dress that my mom bought yesterday. I was also wearing a brown wig that reaches my shoulders.

"Ano ba 'yan, Kelly? Ang ganda-gandang babae, ayaw namang ngumiti. Sige ka, maihip ka ng hangin tapos forever ka nang maging si Simang," kantyaw ni Janice nang pumasok ito sa kwarto ko.

Dire-diretso itong naglakad patungo sa paanan ng kama ko at umupo ro'n upang panuorin ako habang inaayusan ni Danika. Hindi na lang ako umimik at pinagmasdan na lang ulit ang sarili kong repleksyon.

A small smile spread across my face as I noticed the color returning to my very pale complexion. Danika's touch of orange eyeshadow brought life to my eyes, while shades of apricot and peach tinted my cheeks and lips. Danika was truly skilled in makeup, pwede na siyang makeup artist.

"Sabihin niyo nga ang totoo. Saan ba tayo pupunta?" usisa ko, salitan ko silang pinasadahan ng mapanuring tingin.

Gaya ko ay bihis na bihis rin itong mga kasama ko. Iyon nga lang ang formal ng kasuotan ko kung ikukumpara sa kanila na naka-smart casual lang.

"Kakain nga lang tayo sa labas. Group dinner," giit ni Janice.

Umangat ang isang kilay ko. "Kakain lang tayo sa labas pero bakit kailangang ganito pa ang ayos ko?"

"Aba, siyempre! Sa isang fine-dining restaurant tayo kakain kaya kailangan ganyan talaga ang ayos mo para mas mukhang presentable," katwiran ni Danika.

"Then why are you not wearing a formal dress?"

Nagkatinginan sina Danika at Janice, sabay pa silang napahagikgik kapagkuwa'y tumayo na si Janice upang lumapit sa akin. "Huwag ka nang magtanong masyado, Kels. Basta, malalaman mo rin mamaya kung para saan 'to."

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon