"He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I didn't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me, my eyes burn when I look at him."
In a city where their love once blossomed, Kelly Romualdez faces the haunting ec...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Anak, kaya mo pa ba? Dalhin ka na kaya namin sa ospital?"
"N-no, Mommy, hindi na kailangan. Kaya ko pa," I muttered firmly while gripping the sink in the kitchen tightly.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagsuka ngayong umaga kahit wala naman akong kinain dahil wala akong gana. May mga nireseta sa akin na gamot ang papa ni Brix pero mukhang wala rin namang epekto ang mga ito upang mapabuti kahit paano ang kalagayan ko. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng buo kong katawan ngunit pilit ko itong ikinukubli sa kanilang lahat.
Natatakot akong magpadala sa ospital. Baka sa sandaling tumuntong ang mga paa ko ro'n ay hindi na ako makalabas pang muli. Mas gusto kong nasa bahay lang ako para mas mahaba ang panahon na nakakasama ko ang mga mahal ko sa buhay.
"Huwag na kaya tayong pumunta sa reunion na 'yon? Dito na lang tayo sa bahay niyo, Kels. Tatawagan ko sina Jules, mag-movie marathon na lang tayo," Danika suggested. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa kaya mabilis itong umiwas ng tingin upang maitago ang pamumula ng mga mata niya sa akin.
Alam kong nagpipigil lang ito na umiyak na naman sa harapan ko. Simula nang malaman niya ang kondisyon ko ay madalas na siyang magpunta rito sa bahay. Minsan pa nga ay dito na siya natutulog sa amin kapag wala siyang pasok sa trabaho kinabukasan. At kapag wala naman siya sa tabi ko ay panay ang tawag niya sa akin kapag may libreng oras siya upang kumustahin lang ang pakiramdam ko.
"Ano ka ba? Sayang naman 'yong dress na binili natin kung hindi naman tayo pupunta," wika ko. Bahagyang siniglahan ko ang boses. "Kaya ko 'to. Ako pa ba? I'm your supergirl, right?"
Mamayang gabi gaganapin 'yong reunion at nakapagtataka dahil nakatanggap ako ng invitation kahit hindi naman nila ako ka-batch. Mas nauna silang naka-graduate kaysa sa akin dahil nga tumigil ako. Magkaganunman ay hindi na ako nag-isip pa ng kung anong negatibong bagay patungkol sa invitation na natanggap ko. Maybe they still considered me as their batchmate. Kahit paano ay nakasama naman nila ako sa loob ng tatlong taon.
Siguro ibinigay na rin sa akin ang chance na ito upang harapin ang bangungot ng nakaraan ko. Gusto kong ipakita sa kanilang lahat na pagkatapos ng mga panghuhusga nila sa akin ay heto pa rin ako, taas noong haharap sa kanila dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama sa kanila.
Hinanda ko na rin naman ang sarili ko. Alam ko naman na sa gabing ito, ako ang magiging sentro ng usapan, at bahala na sila kung hanggang ngayon ay gano'ng klaseng babae pa rin ang tingin nila sa akin. Wala akong dapat ikahiya. Wala akong taong tinatapakan. Sila ang may ginawang kasalanan sa akin. Sila ang dapat humingi ng tawad sa akin dahil sa trauma na ibinigay nila sa akin noong mga panahon na 'yon.
"Tama si Danika, anak. Dito na lang kayo sa bahay. Baka mapagod—"
"Okay nga lang ako, Mommy! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin? Kaya ko ang sarili ko. Katawan ko 'to kaya alam ko ang ginagawa ko. Please naman, hindi naman ako gano'n kahina!"