Chapter theme: Fight Song - Rachel PlattenMuli kong naramdaman ang pagbagal ng oras habang kaharap ko ang papa ni Brix, ang doctor na siyang sumuri sa akin nang sapilitan akong dalhin nina Mommy at Kuya sa ospital. Hawak niya ang resulta ng blood test ko habang malalim na nag-iisip kung paano ba niya ipapaalam sa akin ang findings niya. I kind of have a feeling that something's wrong with me again, but I just didn't want it to be real.
Here I go again, nasa in denial stage na naman.
Nakabibingi ang katahimikan naming apat na para bang wala na itong katapusan. At nang maliit na bumuka ang labi ng papa ni Brix, napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Mommy. Handa naman na ako sa kung anumang sasabihin niya pero iba pa rin kapag sinampal ka na ng reyalidad.
"You've relapse, Kelly," he stated in a very gentle tone, as if he wanted me to remain calm despite the bad news he just delivered.
Nahigit ni Mommy ang paghinga niya, kasabay ng pag-uunahang bumagsak ng mga luha sa mga mata niya. She was crying again because of me. Her eyes had been swollen from constant crying since yesterday, and I didn't know how to ease her pain anymore.
Namamanhid na yata ako sa sakit at si Mommy na ang sumalo ng lahat ng ito. Anong klase ba akong anak at lagi kong pinapaiyak ang taong walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako at magsakripisyo para sa akin?
Sinulyapan ko si Kuya Mike. Katulad ng dati, nagpapanggap na naman siyang matapang sa harap naming dalawa ni Mommy. Nilalabanan niya ang pagtulo ng luha niya sa pamamagitan ng pagtingala sa puting kisame, ngunit naririnig ko naman ang mahinang pagsinghot-singhot niya.
Nang mga sandaling iyon, hindi ako umiyak. Parang naubos na ang luha sa mga mata ko kaya kahit siguro pilitin ko, wala na akong mailuluha.
"Mamamatay na ba ako?"
Iyon ang unang tanong na lumabas sa mga labi ko. Hindi ba doon din naman papunta ito kaya ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa.
"Kelly, don't say that," Brix's father responded emphatically. "You just need to undergo intensive chemotherapy again and another stem cell transplantation to eliminate all leukemia cells from the bone marrow, then—"
"But will it save me?" I cut to the chase. "Or will it just prolong my agony? Will I survive? For how many years or months? Ayoko na. Nakakapagod na ang mahabang gamutan. Para saan pa 'yon kung hindi naman pala ako tuluyang gagaling? Sayang 'yong oras, 'yong panahon, 'yong gastos tapos wala namang mangyayari."
"Kelly! Huwag naman ganyan, anak!" suway ni Mommy. May panlulumo sa himig ng boses niya.
"Totoo naman, Mommy. Tanggapin na lang natin. Siguro blessing na sa akin 'yong apat na taon na na-extend ang buhay ko. Parang free-trial lang tapos heto, end na ng free-trial ko. Baka nga oras ko na talaga."
BINABASA MO ANG
Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]
Romance"He was once my sun. I always yearn for his light. But now, I didn't know. I think he's still a sun. But his light is too much for me, my eyes burn when I look at him." In a city where their love once blossomed, Kelly Romualdez faces the haunting ec...