Chapter Twenty-Two | Primrose

352 12 19
                                    


Chapter theme: Another Try - Josh

Nakaupo ako sa malambot na kama ng ospital habang pinagmamasdan si Gabriel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakaupo ako sa malambot na kama ng ospital habang pinagmamasdan si Gabriel. Tahimik siyang nakaupo sa wooden chair sa gilid ng kama ko at nagco-concentrate sa librong binabasa niya. Natatawa tuloy ako sa kanya sa tuwing kumukunot ang noo niya o kaya naman ay nagsasalubong ang dalawang kilay niya.

Kapag may hawak na libro ang taong ito, hindi mo ito maaabala. Parang gaya lang noong college kami, kung hindi sa coffee shop kami tumatambay no'n, madalas sa isang bookstore kami nagpapalipas ng oras at minsan aabutan na kami ro’n ng pagkagat ng dilim dahil ayaw pa niyang umuwi. Book lover pa rin pala siya hanggang ngayon.

Bumaba ang mga mata ko sa kamay kong hawak-hawak ng malaya niyang kamay. Ang higpit ng kapit niya ro'n na para bang wala na siyang balak pakawalan ito. Pareho lang naman kami ng nararamdaman. Natatakot din akong bumitaw dahil baka sa isang iglap, maglaho siya sa paningin ko at magising akong nag-iisa sa apat na sulok ng kwarto na ito.

At kung isa lamang magandang panaginip ang lahat ng ito, gugustuhin ko na lamang na manatili sa pantasya kong ito at huwag nang gumising pa. I don't want to be separated from him again.

Kahit ngayon lang, pwede ba talaga akong maging makasarili at huwag munang isipin ang iba?

"May dumi ba ako sa mukha?" malambing na tanong ni Gabriel. Marahil naramdaman niya ang hindi maawat na pagtitig ko sa kanya.

Kinakailangan ko pang ikurap ng maraming beses ang mga mata ko upang makasiguro akong hindi ako nililinlang ng panangin ko. Nakababa na ngayon sa kama ang librong hawak niya at may matamis na ngiting pinagmasdan niya ako. Kusang umangat ang kaliwang kamay ko para abutin ang mukha niya. I felt the warmth of his palm as he also took my hand that was gently caressing his cheek.

"You're real, right?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na itong tinanong sa kanya sa loob ng isang linggo na nagkakasama kami. Araw-araw palagi akong humihingi ng kompirmasyon upang mapanatag ang kalooban ko.

Too good to be true, kaya minsan ang hirap paniwalaan. Sa mga nobela at movies ko lang kasi nasasaksihan iyong ganitong klase ng eksena—iyong mag-ex na nagkahiwalay at muling natagpuan ang isa't isa matapos ang mahabang panahon.

Iyon nga lang parang huli na ang lahat para sa aming dalawa. Tila ba ayaw ng tadhana na maging lubusan akong masaya dahil napakahabang panahon ang pinagkait niya sa amin. My eyes started to get blurry again due to the tears threatening to fall, so I looked up as I fought so hard to dismiss the negative thoughts running through my head.

"Totoo ako, Kelly. You are not dreaming. Gusto mo suntukin mo pa ako sa mukha para makasiguro ka?"

Para tuloy akong sira ngayon, bigla na lang bumubuhos ang luha sa mga mata ko at sinasabayan ko iyon ng pagtawa dahil sa biro niya.

"Sayang naman 'yong gwapo mong mukha kung magkakapasa," saad ko saka ngumiti. "Just promise me, Gab. Kahit ang selfish man pakinggan, dito ka lang sa tabi ko."

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon