Chapter Twenty-Five | White Tulips

267 10 9
                                    

Chapter theme: The Sun - Pika

Pagod na pagod si Gabriel galing sa trabaho ngunit nang salubungin siya ni Kelly na tila batang naghihintay ng pasalubong ay agad na nabuhayan ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagod na pagod si Gabriel galing sa trabaho ngunit nang salubungin siya ni Kelly na tila batang naghihintay ng pasalubong ay agad na nabuhayan ito. Lalo na nang maglambitin sa leeg niya ang dalaga at pinupog ng halik ang kanyang pisngi.

"Namiss kita! How's your day?"

"As usual, nakakapagod. Pero ngayong nakita na kita, nilipad na sa hangin ang pagod ko."

"Sus! Nambola pa 'to."

"Totoo naman 'yon, mahal. At kahit kailan hindi kita binola," giit niya saka walang sere-seremonyas na binuhat ang naglalambing na dalaga. Napatili na lamang si Kelly nang umangat siya sa ere kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa leeg ng fiancé niya.

"Ikaw, how's your day?"

"Talagang dito tayo mag-uusap? Habang buhat-buhat mo ako?" natatawang sita ni Kelly.

Gabriel nodded and gazed affectionately at her face. Kelly suddenly got conscious realizing she wasn't wearing her hat turban, so she instinctively covered her head with her hands.

"You're beautiful, mahal ko. The most beautiful girl in my eyes," Gabriel reminded her, eliciting a giggle from Kelly.

"Tara na muna sa dining area, mahal. Kumain na tayo. Ako ang nagluto ng dinner ngayon."

"Talaga? Kaya pala nakasuot ka ng apron ngayon."

"Yes, I asked my mom to teach me! So that when we have our own place after we get married, I can cook delicious meals for you. Mahirap na ‘no, baka ipagpalit mo ‘ko sa iba kapag hindi ako marunong magluto," Kelly stated with a playful tone.

"Mahal, hindi naman gano'n kababaw ang pagmamahal ko sa 'yo. Wala ring kaso sa akin kung ako pa ang araw-araw na magluto sa atin. Mas gusto ko nga 'yon para mapagsilbihan kita."

"Ikaw na nga itong magtatrabaho para sa ating dalawa kaya hayaan mo na sa akin ang mga gawaing bahay kapag mag-asawa na tayo. Buhay prinsesa na nga ako rito sa bahay dahil bine-baby ako nina Mommy at Kuya pati ba naman ikaw?" litanya ng dalaga. Napaangat pa ang isang kilay niya nang parang timang na nakangiti si Gabriel sa kanya. Tila hindi naman ito nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Ano namang nginingiti-ngiti mo riyan?"

"Wala lang. Hindi lang ako makapaghintay na maging asawa na kita. Pwede bang bukas pakasalan na kita?"

"Hindi pa pwede. Marami pa tayong dapat ayusin. Isa pa gusto ko na may basbas tayo ng parents mo bago tayo ikasal bilang respeto na rin sa kanila. Kasi kahit anong mangyari, magulang mo pa rin sila. Kaya sana makapag-usap na ulit kayo ng mommy mo, Gab. I'm sure namimiss ka na no'n. Ilang buwan ka na ring hindi nagpapakita sa kanila, eh."

Sa sinabing iyon ni Kelly ay natahimik si Gabriel kaya agad na pinatakan niya ng halik ang labi ng fiancé. "Pero kung hindi ka pa ready, huwag na muna. Naiintindihan ko naman. Hindi na kita pipilitin."

Behind The Lies [PUBLISHED UNDER KPUB PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon