Chapter 17
Jamy's POV,
Nandito kami ngayon sa bahay nina A.E,kanina pa kami naghihintay sa kanyang bumaba. Napabuntong naman ako,alam kong nasaktan talaga si A.E sa nangyari at alam kong mahal na mahal n'ya talaga ang Isaac na 'yon.
“Hoy Aymei! Bumaba kana d'yan!” sigaw ni A.L dito. Kahit kailan talaga ang laki ng bibig nito eh.
“Nagmamadali ka ba Angel!?” sigaw ni A.E pabalik.
“Malamang hindi bilisan mo lang d'yan para kang pagong eh!”
“Ikaw pagong tadyakan kita riyan eh!”
“Daming satsat bilisan mo d'yan gusto ko nang kumain ng pizza eh!”
“Bwesit ka oo na pagbaba at pagbaba ko riyan tatadyakan ko yang bibig mo!”
“Subukan mo!”
Natawa naman kami sa kanila. Kahit kailan talaga kapag sila 'yong pinagsama mo eh talagang mabibingi ka sa kanila kahit ang lapit-lapit pa nila sa isa't isa eh nagsisigawan parin talaga sila.
Nakababa na nga si A.E at nagsisigawan na naman sila ni A.L,ewan ko ba talaga sa kanila palagi nalang talagang ganito ang eksena kapag magkasama sila eh. Nagpa-alam na rin si A.E sa mga magulang n'ya. Gusto kasi naming pumasyal at para narin hindi na manatili si A.E na nakatago sa kwarto n'ya,hindi kami sanay na wala s'ya.
Susunod na linggo ay pictorial na namin para sa moving up. Excited na rin kami sa selebrasyon namin sa AJAP B.R.“Hoy balita ko kaklase mo na 'yong lalaking nakabangayan mo sa park?haha,” tawa ni A.E rito.
“Oo nga eh at ang nakaka-bwesit pa ron ay magkatabi kami ng upuan at alam mo ba kakapasok palang n'ya sa klase namin eh talagang mas lalong uminit 'yong ulo ko sa kanya at nadamay pa ako nung parusahan kami,” inis na sabi ni A.L.
“Bakit ka naman pinarusahan?”
“Eh 'yon na nga nung maka-upo na s'ya sa tabi ko ay may inabot s'ya sa akin,alam kong cellphone 'yon eh tapos basta binuwesit n'ya ako kaya ayun sinuntok ko 'yong braso n'ya at sinigawan s'ya tapos ang loko sinigawan ba naman ako pabalik kaya ayun nagalit 'yong guro namin,” may bahid na inis sa sabi ni A.L.
“Haha ikaw naman kasi ubod ka kasi ng kasungitan at maldita,” ngiwi ni P.Z.
“Aba pati ba naman ikaw kampi ron sa lokong 'yon?” sigaw ni A.L kay P.Z.
“Tama naman si P.Z ang maldita mo,” singit ko para mainis ito. Inis naman itong lumingon sa akin.
“Aba fake friends edi dun na kayo sa lokong 'yon kampihan n'yo yon totoo naman nakaka-inis s'ya,” natawa nalang kami rito.
—
“Oh Hi Jamy,” natigilan naman kami sa pag-kain nung biglang dumating si Wennah.
“Ah—Hi,” nag-aalinlangang ngumiti ako rito.
“How's Zav? And also your husband?” tanong nito.
“Ahm,okay naman sila,ikaw kamusta ka naman?” tanong ko rin pabalik.
“I'm also fine,but it's kinda bored staying the whole day at my house,so I'm planning,ahm,if it's okay with you can I visit your baby in your house?” gulat naman akong napalingon sa mga kasama ko,tinaasan lang nila ako ng kilay.
“Ah,it's okay with me if hindi pwede naman,I just..I just wanted to see your—your baby,you know I really like babies and I really like Zav,” napalunok naman ako at tumango.“Oo naman,your free to visit him,kahit kailan mo gusto,” ngiti kong sagot. Wala naman sigurong nawawala eh,gusto n'ya lang namang bumisita kay Zav.
“Really? Oh thank you,sige mauna na ako,may kailangan pa kasi akong asikasuhin,and,here's my phone number just send me your address,”ngiting sabi nito at inabot ang contact info nito.
“S-Sige ingat ka,” ngiti ko. Kumaway naman ito ng nakatalikod sa amin.
“Alam mo masama talaga ang kutob ko sa babaeng 'yon eh,” biglang sabi ni A.E.
“Ako rin,” tumango-tango sa si A.L.
“You two! 'Wag nyong ipag-overthink itong mommy natin okay? I agree naman but don't think too much that she's a bad person,” sabi pa ni P.Z napangiti naman ako.
“Ano ba kayo,mabait na tao si Wennah,alam ko yon,'wag kayong masyadong negative,” tawa ko. Nagkibit balikat lang sila at itinuloy ang pagkain.
Bumuntong hininga naman ako. Kahit ako may masamang kutob kay Wennah pero hindi ko na 'yon pinapansin baka ma stress lang ako at baka magkasala lang ako dahil sa masamang iniisip ko tungkol sa kanya.
—
KINABUKASAN ay pumunta nga raw si Wennah sa bahay sabi ni mama,buti nga raw at nandito si Vince at naasikaso n'ya si Wennah dahil busy din si mama sa panindya n'ya at walang trabaho si Vince dahil may lakad daw 'yong amo n'ya.
Hindi ko na pinansin 'yong mga negative na sinasabi nina ate,gusto ko lang maging positive dahil alam kong mahal ako ni Vince at alam kong paninindigan n'ya lahat ng mga pangako n'ya sa akin. Masaya nga rin ako eh at may bumibisita kay Zav at nagpresenta rin daw si Wennah na tumulong kay mama sa paninda nito at sa pagbabantay kay Zav habang wala pang trabaho si Wennah,bored din daw kasi s'ya roon sa bahay nila eh.
“Ah oo nga pala ma, akala ko po ba walang trabaho si Vince,bakit wala s'ya rito?”nagtatakang tanong ko.
“Ah oo nga pala,may tumawag sa kanya kanina hindi ko alam anong pinag-usapan nila basta nagpaalam s'ya sa akin na mayroon daw muna s'yang pupuntahang trabaho,” paliwanag ni mama. Tumango naman ako. Nagpatuloy nalamang ako sa pagluluto nang hapunan habang si mama naman ay binabantayan si Zav na mahimbing ang tulog.
Napangiti naman ako. Siguro pagod s'ya kanina kakalaro sa kanya ni tita Wennah n'ya. Sabi nga ni mama na hindi raw n'ya ito narinig umiyak simula nung nandito ang tita Wennah n'ya,palagi lang daw silang naglalaro tapos nagku-kwento si Wennah sa kanya ng mga fairytale kuno.Matapos kong mag-luto ay kumain na kami,baka mamaya pa uuwi si Vince kaya nauna na kaming kumain ni mama. Inayos ko narin ang kwarto namin at tinabihan si Zav pagkatapos kong mag half bath.
“Good night my little angel,I love you,” hinalikan ko ito sa pisngi at niyakap ito. Ngayon lang kami matutulog ng hindi kasabay si Vince. Pero okay lang naman trabaho naman ang inaasikaso n'ya.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Teen Fiction01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...