Chapter 16
Angel's POV,
Napatitig naman ako sa labas ng bintana habang nagsasalita ang guro sa harapan. Dalawang araw ng hindi pumapasok si A.E simula nung nangyari sa park. Hindi ko man lang s'ya matulungan,pinupuntahan naman namin s'ya pero palagi n'yang sinasabi na okay lang s'ya at masama lang talaga ang pakiramdam n'ya.
“Ms. Winter!” napalingon naman ako sa guro namin. “You're not paying attention!” napayuko naman ako.
“Okay,sabi ko nga you have a new classmate he's from section II, lumipat s'ya rito sa section III dahil kailangan natin ng representative para sa every sections contest in poster making,pinalipat s'ya ni Mrs.Dangal dahil sa isang problema rin but that problem is just a private,and nevermind as I have said he's our representative in poster making,wala namang nag-volunteer sa inyo kaya he's now our representative,” nakangiting sabi ni ma'am. Napa-irap naman ako nung makilala ang lalaking 'yon,'yon 'yong dahilan kung bakit hindi na gumana 'yong cellphone ko.“Okay please introduce yourself mister,” sabi pa ni ma'am.
“I'm Charles Ryan...Felden,Charles Ryan Felden,” pakilala nito. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa labas ng bintana.
“Please go to your seat Mr. Felden,doon ka sa tabi ni Ms. Winter,” nanlaki naman ako sa sinabi ni ma'am.
“Teka lang ma'am—dito po naka-upo si A.E 'di ba?” mapait na ngumiti ako.
“Wala pa naman si Ms. Bree kaya d'yan muna s'ya lalo pa't hindi pa tayo nakakuha nang bagong armchair,” ngumiwi naman ako. Umirap naman ito sa akin,bakla!
“Oh,” napatingin naman ako sa inabot ni Ryan sa akin.
“Ano naman 'yan?” iritang tanong ko.
“Malamang cellphone bulag ka ba?” nanliit naman ang mata ko sa sinabi nito.
“Bwesit ka alam ko! Eh ano ang gagawin ko d'yan?” inis na tanong ko.
“Try mong kainin—
“Peste ka ah!” inis na sigaw ko rito at sinuntok ang braso nito.
“Aray ang sakit nun!” sigaw nito pabalik.
“Ms. Winter and Mr. Felden!” sabay naman kaming napalingon sa guro namin.
—
“Bwesit ka! Kasalanan mo 'to eh!” sigaw ko sa kanya.
“Anong ako? Eh ikaw nga 'yong sisigaw-sigaw tapos manununtok pa! Akala ko ba estudyante ka?”
“Tingin mo ba hindi ako estudyante?”
“Ang estudyante nag-aaral hindi nanununtok baka tatay mo si Manny Pacquiao hindi mo lang sinasa—aray!” napa sigaw naman ito nung batukan ko ito.
“Subuan kaya kita ng libro para matahimik ka?” sigaw ko habang dinuduro nang libro.
Nandito kasi kami sa library ngayon bilang punishment ay pina-linis kami rito,buti nanga lang hindi kami minura nung librarian eh kahit kanina pa kami sigaw nang sigaw.
“Kahit kailan ang sungit mo!” umirap naman ito sa akin. Inirapan ko rin ito pabalik.
“A.L!” napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Si P.Z. “Kanina kapa hinahanap ng mga anak mo eh!” napa-irap naman ako.
“Hayaan mo sila magha—
“There you are,” napa-pikit naman ako nung sumulpot ang tatlong asungot na si Seve, Brix at Brett.
“Mamaya pa ako uuwi,” diretsong sabi ko.
“Eh? Why?” tanong ni Brix.
“Of course because our teacher punished her together with the new boy in our class,” sabi pa ni Seve at tinignan si Ryan na nag-aarange nang mga libro.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Fiksi Remaja01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...