CHAPTER 53
Angel's POV,
Napabuntong hininga naman ako at pinunasan ang luhang namumuo sa mga mata ko at ang luhang nasa pisngi ko.
“Why are you crying— ”
“P!st!ng palaka!” napatalon at napasigaw ako sa gulat dahil may biglang nagsalita sa likuran ko. Inis akong umikot at nandoon ang magka-kapatid. Feeling welcome sa kwarto ko a.
Si Brix ang nagsalita. Nakatayo ito sa likuran ko. Si Von ay nasa kama ko katabi si Seve,nakadapa sila habang nakatuko ang siko nila sa kama at ipinatong nila ang baba nila sa dalawang palad nila. Si Steph naman ay naka-upo sa silya ng study table ko,at si Shaun naman nakasandal sa nakasarang pinto.
“Anong ginagawa ninyo rito?” inis na tanong ko sa kanila.
“We saw you crying while looking at them.” Sabi pa ni Brix. Napatingin naman ako sa tinitignan niya. Naroon parin sina William pero si William ay nakatingin sa amin. Hinila naman ako ni Seve at pina-upo sa bed ko.
“Kanina pa sila nakatingin sa iyo.” sabi pa ni Von. Hindi ako umimik at pinunasan na lamang ang luha sa mga mata ko.
“Yaya stop crying.” naka-pout na sabi ni Brix at pinunasan ang luha ko.
“Don't cry over that bastard,he don't deserve your tears and ang pangit mo kapag umiiyak ka.” sabi pa ni Shaun. Naninibago talaga ako kapag si Shaun na ganyan e pero p!ste parin nanlalait ang bw!sit
“Yeah. Jela,may mas deserving pa sa mga luha mo. God takes him away from you because alam n'ya may mas deserving pa na tao para sa iyo. So don't cry over him.” nakangiting sabi ni Steph. Kahit kailan talaga.
“It hurts us too yaya. When I see you cry it—
“Tumahimik ka diyan! Nilait mo nga siya kanina nung lumilipad pa utak niya.” sigaw ni Von dito.
“What? Hey brother I'm older than you.” paalala ni Brix.
“Who cares? Totoo naman nilait mo siya kanina.”
“Yaya believe me. Sabi niya kanina 'I'm also sad for yaya but ang pangit niyang umiyak'.”
“What a liar!”
“Right Seve? Nilait niya si yaya kanina.”
“Yes,what a fake.”
“F!ck you both!”
“Tumahimik nga kay—
“Ikaw ang tumahimik Steph! War namin ito!”
“The h!ll.”
“How about you Shaun?”
“Shut up.”
Ang iingay nilang lima naiirita ako! Inis akong tumayo kaya natigilan naman sila.
“Pwede ba kung dadagdag lang kayo sa sakit sa ulo umalis na kayo kung ayaw ninyong hahabulin ko kayo ng itak!”
“Yaya chill. We're so sorry. We just want to comfort you lang naman.” sabi pa ni Brix.
“Comfort? Comfort ba tawag ninyo sa pagsisigawan ninyo?”
“Sorry na kase yaya.” paghingi ng tawad ni Brix.
“Ikaw kasi.” irap ni Von dito.
“Shut the f!ck up!” sigaw ni Brix.
“Tumahimik na kayo! Kapag tayo hinabol niyan ng itak tignan natin.” panakot ni Seve. Tumahimik naman sila.
“Yaya,we are always there for you. No matter what happens. You can lean on us.” nakangiting sabi ni Brix. Ngumiti rin silang lima sa akin.
Feeling ko talaga si Brix ang taong kahit gaano pa ka manyak at kahit minsan bastos ay siya ang may soft na puso sa kanilang magkakapatid—
“I hate it when I see you crying yaya,ang pangit mo hehe.” inis akong tumingin kay Brix. Hindi p!ste talaga siya hindi iyan soft Angel nanglalait e! Si Steph lang talaga ang mabait.
Bumuntong hininga na lamang ako at humiga sa kama. Umusog naman sina Seve at Von. Akala ko bibigyan nila ako ng space sa higaan 'yon pala pina-upo lang si Brix.
Kahit kailan ang gentleman nila,sobra.
“Ano 'yong mas masakit? Ang iwasan siya o ang iwasan ka?” biglang tanong ko. Walang umimik sa kanila.
Tinignan ko sila isa isa.
“I guess ang iwasan ka.” si Von.
“Two.” si Brix.
“Three.” si Seve.
“I guess,four.” si Steph.
“Tsk. Five,then.” si Shaun.
“Nagtanong ako. Hindi sinabing magbilang.” walang ganang sabi ko. Huminga ulit ako ng malalim habang paulit-ulit na nagfa-flash ang mukha ni William kanina na masaya habang kasama si Kailla.
At nung nakita niya akong umiyak nandoon ang lungkot sa mga mata niya. Ano kayang iniisip niya? Naawa kaya siya sa akin?
Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan Angel?
Siguro nakita ko rin naman siyang masaya noong magkasama kami,pero.....mas masaya siya kasama si Kailla. Tama nga ang sinabi niya kagabi na mas masaya siya kapag kasama si Kailla.
Pero kahit ganoon paman masaya parin ako para sa kanya. Kahit hindi ako ang naging dahilan nang pagtawa niya. Gusto kong makita siyang masaya kahit na ikakasakit ko iyon. Ganyan ako ka selfless. Minsan selfish ako na maypagka selfless hahaha.
Sana...magtagal sila ni Kailla. Sana...sa bawat pagtingin ko sa kanya na kasama si Kailla o hindi...makikita kong masaya siya at tama ang babaeng pinili niya.
Nagpapasalamat din ako sa mga lalaking bwes!t na kahit sakit sa ulo lang ang ibinibigay nila sa akin ay nandito parin sila para damayan ako. Kahit damay na may konting malaking p!st!ng pang-iinsulto ay maibsan parin ang lungkot ko at sakit sa puso ko. Kahit napalitan ito ng galit sa kanila masaya parin ako dahil nakakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.
Nag-open ako ng data at halos mag hang na ang messenger ko dahil sa sobrang daming chats na nag-pop. Hindi ko nalamang muna pinansin iyon at pumunta sa facebook.
Unang bumungad sa akin ay ang post ni Von. Hindi ko muna ito pinansin pero kada scroll ko ay sunod-sunod ang pangalan nilang magka-kapatid. Napansin ko rin na pariho silang magkapatid na may post at naka tag sa akin 5minutes ago.
Napalingon naman ako sa kanila pero nakatutok lang sila sa cellphones nila. Tinignan ko nalang ang bagong post na nakatag sa akin.
First post ata nila ito pariho ah. Except kay Von,in love e kaya daming shared post. Famous din talaga umaabot ng 1k reacts at hundred comments ang shared post nito.
Napabangon naman ako nung makita ang post ni Von. Picture ko iyon na umiiyak kanina! Napalingon ako rito. Palihim na umusog ito palayo sa akin.
Tinignan ko naman ang kay Brix,nakahiga ako at iyon 'yong nag-tanong ako sa kanila.
Kay Seve ay 'yong gabing niyakap ko si Shaun. Kaya pala may nag flash akala ko pa naman galing iyon sa langit put!ng!na!
Ang kay Steph naman ay iyong nakatingin ako sa mga pictures namin ni William. Buti rin medyo blur katulad nung kay Seve.
Last ay kay Shaun. Nakahiga ako at iyong nag-tanong parin ako sa kanila. Si Brix ang may hawak ng cellphone at lahat sila nakatingin sa camera ako wala.
Inis akong napatingin sa kanila at halos madala na sila nagkakarera palabas ng kwarto ko.
“Taaaaaaannnnnnggggg!!!!nnnnaaaaaa nyyyooooooo!”
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Teen Fiction01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...