Chapter 14
Angel's POV,
“Hoy babae! Look at this!” inis naman akong tumakbo papunta kay Shaun.
“Ano ba yan?” inis na tanong ko.
“Damit hindi mo nakita?” napa-pikit naman ako dahil sa sarkastikong sagot nito.Huminga ako ng malalim at tinignan ito.
“Anong meron d'yan?” mahinahong tanong ko.
“Alam mo ba na nung may fan meeting si Lily ko ay pinapirmahan ko 'to sa kanya! But look what you did! Nilagyan mo ng zonrox!” sigaw nito sa akin.
“Ha?eh hindi ko naman alam eh may mga—
“Shut up! Gawan mo 'to ng paraan!” sigaw nya.
“E-Eh a-anong gagawin ko? H-Hindi ko naman mababalik 'yong—
“Pwede naman sigurong i-trace nalang 'yan using a permanent marker hindi pa naman gaano nabura eh,” putol ni Steph sa akin.
“No! Gusto ko ng original! Pinaghirapan ko 'to!” sigaw ni Shaun.
“Anong gusto mong gawin nya?magpunta sa kay Lily para pa-pirmahan ulit 'yan? Bro Angel knows nothing about that t-shirt,so let me trace Lily's signature,” mahinahong sabi ni Steph.
“Wh— pagsabihan mo 'yang kinakampihan mo na sa susunod mag-tanong muna s'ya bago n'ya pakialaman ang gamit ko!”sigaw ni Shaun at padabog na umalis. Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ako ni Steph. Ang sama talaga ng ugali! S'ya nga 'yong naglagay nang mga damit n'ya rito para labhan eh tapos ako 'yong papagalitan eh may mga mantsa rin naman 'yong puting damit n'ya—hayst ewan ko ba.
“Don't worry hindi pa naman nabura eh,” ngiti ni Steph at kinuha ang t-shirt at pinatuyo.
“Salamat,” naka-ngiting sabi ko.
“No need,sige una na ako may ginagawa pa kasi ako eh,” nakangiting paalam nito. Ngumiti naman ako pabalik. Kahit kailan ang bait talaga ni Steph,pero 'yong Shaun?ewan ko kailan magbabago.
Nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. Linggo ngayon kaya naman naglalaba ako kasama ang labandera nilang si ate Janice,isang grade 11 working student dito sa Vamps Mansion. Bago si Janice rito pero exchange lang s'ya sa dalawang kasambahay mga ilang buwan lang s'ya rito,may mga importanteng gawain daw kasi 'yong dalawang kasambahay. Malapit na rin kasi ang summer kaya kanya-kanya na silang uwi sa mga pamilya nila. Sina-sanay narin ng mag-asawang Vamps na walang katulong ang mga anak nila baka kasi raw lumaking mga tamad.
Siguro limang kasambahay nalang kami natira rito tapos isang driver na nga lang meron sila dahil may kanya-kanya naman silang sasakyan.“Ang sungit talaga ni sir Shaun ano?” sabi pa ni ate Janice na kakarating lang dahil inutusan ni Brix. Kanina pa s'ya inuutusan ni Brix eh,feeling ko type s'ya ni Brix,pano ba naman kasi ang ganda-ganda nitong si ate Janice,ang lalaki ng mga hinaharap tapos pati pwetan ang laki pang miss universe 'yong ganda at mala japanese ang datingan.
Pero may jowa na si ate Janice at si Brix naman ay sa pagkaka-alam ko obsessed talaga roon sa nagbabalik n'yang best friend na naging shota n'ya,noon,ewan ko ngayon.“Sinabi mo pa,” tawa ko.
“Tapos si Deiso ang bait,si Von din ang bait n'ya,” sabi pa nito.
“Ang bait nila sa'yo kasi ang ganda mo ate,” sabi ko pa.
“Ano ka ba 'wag ka ngang mag-ate sa akin,Janice will do,” ngiti nito. “At isa pa maganda ka rin naman ah,” ngiwi nito.
“Hindi kaya ako maganda,tapos tignan mo nga 'yong treatment nila sa akin at sa mga magagandang babae,ibang iba eh,” ngumuso naman ako.
“Hahahaha wala kang self confidence ha,pero totoo maganda ka,ang cute mo pa,ganda ng shape ng katawan tapos may laki naman 'yang pwet mo, tapos I bet malaki rin 'yang boobs mo pero hindi lang halata haha,” ngumuso ulit ako sa sinabi nito.
“Ang flat kaya nito,” sabi ko sabay tingin sa dibdib ko.
“Hindi ano,bumagay lang talaga sa katawan mo,” ngiti nito. Tumawa nalang ako at nagpatuloy na sa ginagawa. Nag-kwentuhan naman kami ni Janice tungkol sa relationship status n'ya.
—
Napamulat naman ako dahil nag-ring ang cellphone ko. Sobrang bigat talaga ng katawan ko eh. Grabi tindi ang dami naming nilabhan kanina eh parang one year na mga maduming damit 'yon.
Si Moyb ang tumawag kaya napangiti naman ako.“Hello Moyb,good evening,”
[Good evening Mogi, how's your night?]
“Hmm ang bigat ng katawan ko eh,pero okay lang naman,”
[You sure?]
“Oo,”
[Well rest ka pa I know it was a tiring day for you]
“Hahaha oo nga nakakapagod,ah,bakit ka pala tumawag?”
[I just want to check you]
“Hmm ikaw talaga,wala ka bang ginagawa ngayon?”
[Ah gagawa ako ng homeworks but mamaya na 'yon kausap pa kita eh]
“Sige lang gawin mo na 'yang homeworks mo Monday na bukas,”
[Tsk ayaw mo lang akong kausap eh]
“Haha g-go ka ba?joke alam ko naman kasi na madami kang gagawin at alam ko rin na bukas no na 'yan i-sa-submit,”
[Hmm sige na nga,magpahinga kana rin okay?]
“Opo,”
[Good night Mogi]
“Good night din Moyb,”
[Sleep tight,enjoy your beauty rest,I love you]
“I love you more,”
[Okay I'll hang up then,love you again]
“Sige love you,”
At pinatay na nga n'ya ang tawag. Huminga naman ako ng malalim at tumayo. May gagawin pa kasi akong essay eh,ang bobo ko pa naman dito.
“Hi Angel,” bati ni Janice na nasa table n'ya nagsusulat. Nasa iisang kwarto kasi kami ni Janice,double deck kasi itong tinutulugan namin.
“Evening,anong ginagawa mo?” tanong ko at umupo sa harap ng table ko na katabi lang din ng sa kanya.
“Nag-to-total kasi ako sa mga groceries na nabili ko kanina para sa luluto-in namin bukas sa school. Tumango naman ako. Si Janice ay nasa TVL or cookery. Ibang school nag-aaral si Janice na medjo malayo talaga rito sa mansyon ng mga Vamps.
“Oo nga pala,ilang years na ba kayo nung Moyb mo?”tanong nito.
“Ah,4 months palang simula nung magka-balikan kami,”
“Really? Pero ilang taon na dapat kayo kung hindi kayo nag-break?”
“3 years and a half ata,”
“Hmm,”tango nito. “By the way anong pangalan nung Moyb mo? I just wanna know lang hahah,”
“William,” sagot ko. Tumango naman ito.
“You know I have a brother,his name is William,pero hindi kami nakatira na magkasama dahil sa fam prob,I'm planning to meet him kase sobrang miss ko na s'ya,simula kasi nung umalis ako sa amin ay wala na akong contacts sa kahit kanino,even my friends kasi ayoko na silang mag-alala lalo na ang nag-iisa kong kapatid,he's so caring,he loves me so much,I know nag-aalala na 'yon sa akin,naisip ko lang baka galit na 'yon sa akin at...wala ana akong babalikan na kahit sino,even my friends,”may bahid na pait,pag-aalala,at lungkot na sabi nito.
“'Wag kang mag-alala Janice,I know they will understand you,at alam ko rin na 'yang brother mo ay tatanggapin ka parin kahit na hindi kana nagpa-ramdam sa kanya,they'll understand you,wala ka naman sigurong ginawang masama 'di ba?” tumango naman ito.
“Thank you,sorry ang daldal ko bago pangalang tayo nagkakilala eh hahaha but you know I'm comfortable with you na already,” nakangiting sabi nito. Niyakap n'ya naman ako at niyakap ko naman s'ya pabalik.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Fiksi Remaja01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...