Chapter 43
Jamy's POV,
Nakangiti akong nakatingin sa mga pictures namin noon sa AJAP at ang saya-saya ko dahil nagiging okay na kami ni Vince at nararamdaman ko na na seryuso na s'ya sa amin ni baby Zav.
Naalala ko nga na grabi ang sama kong tao noong inaway ko si Wennah nung gabing 'yon dahil akala ko s'ya ang kalandian noon ni Vince pero hindi pala,iba pala. Pero malaki parin ang pagpapasalamat ko dahil kahit nasaktan ko si Wennah noon at napagbintangan hindi n'ya parin ako kinamumuhian at buti nalang naintindihan n'ya ako.
Tinignan ko naman ang mag-ama na nasa tabi ko at tulog na tulog na.
Ang sarap talaga sa pakiramdam na kahit gaano pa man kasakit ang mga problemang dumating sa buhay ko at kahit ikakabaliw ko ito,hindi parin ako iniiwan ng diyos at nasusulosyonan ko parin ang mga problema ko o problema namin. Alam ko na marami pa kaming pagdadaanan pero alam ko rin na kapag nand'yan ang diyos at kapag kilala ko s'ya mabilis ko lang masusulosyonan ang problema.
Napahikab naman ako at niyakap ang mag-amang nasa tabi ko.
Hindi ko man pwedeng diktahan ang tadhana pero sisiguraduhin ko na hanggang sa pagtanda ko at paglaki ni Zav,kompleto ang pamilya namin. Ayaw kong matulad si Zav sa akin dahil alam ko kung gaano kasakit maging broken family.
Hinalikan ko ang mga noo nila at pumikit.
——
KINABUKASAN pag-gising ko ay wala na ang mag-ama sa tabi ko. Hindi ko alam pero ang bigat ng katawan ko at parang malungkot talaga ang puso ko ngayon.
Bumangon na lamang ako at nagtungo sa sala. Walang tao roon pati rin sa kusina at sa maliit na sari-sari ni mama.
“Mama? Vince? Zavy? Ate Irish? Ate Ann?” tawag ko sa pangalan nila at kinatok ang mga pinto ng kwarto nina mama,ate Irish at ate Ann. Wala talagang tao.
Napabuntong hininga na lamang ulit ako at umupo sa sofa dahil sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon.
Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng ring mula sa kwarto namin. Hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog na 'yon. Kung hindi rin ako nagkakamali ringtone ni Vince ang narinig ko.
Tinignan ko sa drawer ng kabinet namin at sa mesa,sa mga damit nito at natagpuan ko ito sa loob ng box na nakapatong sa lagayan ng sapatos namin.
Ano naman ang mga ito?
Isa isa kong tinignan ang mga mga litrato na laman ng box at nandoon ang mga litrato namin sa park na palagi naming pinupuntahan kapag may family bonding kami. May mga stolen shots pa sa akin na hawak si Zav at mga litrato namin sa AJAP.
Nag ring ulit ang cellphone ni Vince at number lang ang nakalagay at hindi pamilyar na mga numero 'yon sa akin kaya sinagot ko nalamang ang tawag nito.
“Hello sino 'to?”
[Babe nasan kana? I'm here na sa LICIA HOTEL] nanliit naman ang mata ko sa sinabi nito at kasabay nun ang pagsikip ng dibdib ko. Pamilyar din ang boses n'ya.
“S-Sino ka?!”
[What?! Argh babe come here na gusto ko na mag sunbathing,with you. Sge bye muna love u.]
Nabitawan ko naman ang cellphone ko. Niloloko na naman ako ni Vince? At kung hindi ako nagkakamali si Wennah 'yong nasa kabilang linya! Ang sama talaga nilang dalawa!
Inis akong nagbihis at kinuha ang wallet ko.Pupunta ako sa LICIA HOTEL na yan!
Ang LICIA HOTEL ay ang sikat na Hotel sa isang beach na mayayaman lang ang nakaka-afford dito. Hindi ko alam kung si Wennah ba o si Vince ang nagbayad para sa hotel na 'yon dahil mahal 'yon. Hotel sila so it means mag s-stay sila doon! Ang kakapal talaga ng mukha nila!
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Roman pour Adolescents01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...