Chapter 22
Jamy's POV,
Nagluto ako ng hapunan namin at syempre dahil Valentine's day ngayon naghanda rin ako ng paboritong ulam ni Vince at bumili ako ng cake para sa amin lahat nandito rin si Wennah s'ya na ang sponsored ng iba pang handa namin lalo pa at marami kami rito sa bahay sabi n'ya rin kung papayag daw 'yong boybestfriend nya na pumunta rito dahil inimbitahan nya ito ay dito raw sila matutulog masaya naman si mama dahil nga marami kami at para nya na raw din kasing anak si Wennah.
“Oo nga pala Jamy where's my boy?” tanong ni Wennah habang palinga-linga.
“Ayon oh naglalaro sa mga pinsan n'ya,” tawang turo ko kung saan si Zav,tumawa naman ito at pinuntahan na nga si Zav at binigyan ng hotdog. Natawa nga ako dahil puno ng ketchup 'yong hotdog na binigay nya at pinahiran pa s'ya ni Zav,buti nga hindi s'ya nagalit LV pa naman 'yong damit nya.
“Ah Wennah luto na anong gagawin ko rito?” tanong ko habang itinuturo ang mga binili nya.
“Wait tulungan kita d'yan ito kasing anak mo oh my dress is full of ketchup na hahahah,”tawa nito. Napangiti naman ako dahil mukha ko na rin talaga s'yang kapatid. At ang saya ko lang talaga dahil nandito palagi si Wennah sa tabi ko dinadamayan ako at minsan din binibigyan nya ako ng trabaho para kapag wala akong gagawin sa bahay ay worth it at magka-kapera pa ako.
—
Tuwang tuwa naman kaming lahat na nagkakantahan at nagsasayawan lalo na si Vince na nilalaro si Zav. Hindi ko alam kung nasaan si Wennah kanina pa 'yon nawawala sabi n'ya may bibilhin lang s'ya d'yan sa kanto pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik.
Pumunta na lang muna ako sa kusina para kumuha ng inomin at pagbalik ko ay wala na si Vince.“Nasaan si Vince ma?” tanong ko kay mama.
“Ha? Ah oo lumabas ata,” sagot ni mama na tawa pa ng tawa habang nilalaro si Zav. Tumango nalang ako at pumasok sa kwarto dahil pagod na pagod talaga ako ngayong araw na 'to. Hindi paman ako naka-idlip ay naiihi ako kaya lumabas ako ulit sa kwarto at umihi na sa cr. Paglabas ko ay napanatili ako sa tinatayuan ko dahil sa ungol na narinig ko sa labas ng cr.
Nanlaki ang mata ko nung sumilip ako mula sa cr papunta sa labas nung makita ko si Vince na may hinahalikang babae na isinandal sa puno sa gilid ng cr namin. Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito na naka pulupot pa ang kamay sa mga leeg ni Vince at—'yong sandals n'ya! Pamilyar sa akin 'yon! Kay Wennah! Kay Wennah 'yon! Hinding hindi ako magkakamali! Kay Wennah talaga 'yon! Napahikbi na lamang ako at hindi ma-alis-alis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang bababoy nila! Akala ko mabait ang Wennah na 'yan pero hindi pala! Hindi ko s'ya mapapatawad! Hindi ko aakalaing talagang aagawin n'ya si Vince ulit sa akin...a-akala ko pa naman na mabait s'ya at kaya s'ya nandito para kay Zav at kaya s'ya tumulong sa handaan namin para kay Zav at dahil para na kaming pamilya sa kanya! Pero ang totoo boyfriend ko lang pala ang pakay nya!
Inis akong lumabas sa cr at naabutan ko si Wennah na nakiki-kanta sa kanila. Ngumiti pa ito sa akin. Plastic! Ahas!
“Sumunod ka sa akin,” napalunok naman ito at nagpaalam sa kanila at sumunod sa akin paglabas namin ng bahay ay papasok pa sana si Vince pero agad ko itong hinila. Inis kong binitiwan si Vince at sinampal ito kasunod nun ay sinampal ko si Wennah.
“What the—” inis na lumingon si Wennah sa akin.
“T-Teka—” natigilan naman ulit si Vince nung sampalin ko ulit ito.
“Mga walang hiya kayo! Mga baboy!” pinagsasampal ko sila at umiiyak.
“What's wrong with you Jamy?!” inis na sigaw ni Wennah.
“What's wrong with me?! Talagang tinatanong mo pa 'yan ha?! Ang kapal ng mukha mo! Akala ko ba nandito ka palagi sa bahay namin para sa anak namin ni Vince!? Akala ko ba mabait kang tao!? Pinutol ko 'yong masamang iniisip ko tungkol sa'yo Wennah! Alam mo ba 'yon?! Alam mo ba n-na para kanang kapatid s-sa akin,” pahina nang pahina ang boses ko at sinuntok si Vince sa dibdib. Niyakap nya naman ako at umiiyak na rin s'ya.
“Love don't hurt Wennah...l-let me explain-” inis akong kumalas sa yakap nya at sinampal sampal ito.
“Don't hurt Wennah?! Mas iniintindi mo pa talaga itong si Wennah kesa sa akin eh! Ang sama nyong dalawa! A-Akala mo ba maloloko mo ako Vince! Sa bawat araw na wala ka sa bahay may nagsasabi sa akin na kasama mo si Wennah! Nambabae ka! Pero wala lang sa akin 'yon dahil para sa akin hindi si Wennah 'yon dahil alam kong mabait s'yang tao pero ano ngayon?! Naghahalikan kayo dun sa puno sa tabi ng cr tapos—waaaah! Tangina n'yo ang sama nyong tao! Mga baboy kayo! Baboy!”sigaw ko at sinuntok si Vince bago ko naman sinabunutan si Wennah.
“Ano ba Jamy!” sigaw ni Vince.
“Ikaw babae ka! Hindi kana na hiya! Alam mo ng may girlfriend at anak na yang si Vince nilalandi mo pa! Walang hiya ka! Ito ba ang igaganti mo sa kabutihan ko ha!” sigaw ko. Inawat naman ako ni Vince at hindi ko alam sino pa 'yong umawat basta nandidilim talaga ang paningin ko sa pagmumukha nilang dalawa.
“Jamy! Can you just listen to his expla—”
“At bakit ko papakinggan Wennah ha?! Para lalo akong masaktan!? Na hanggang ngayon ay mahal ka parin ng boyfriend ko!? Ha?! At para ipamukha n'yo sa akin na bulag ako?! Na masyado lang akong nagtiwala sa inyong dalawa?! Ha?!” sigaw ko at kumalas ulit sa yakap ni Vince.
“At ikaw?! Akala mo ba hindi ko nakita ang pictures n'yo ni Wennah sa cellphone n'yo noong kayo pa ha?! At 'yong picture ninyong dalawa noon na nasa dalampasigan at walang halong pait ang mga ngiti n'yo?! Ha?!” humihikbi ako at halos kinakapos na ako sa hinga at paulit-ulit silang pinagsasampal. Kulang pa yan! Gusto ko silang patayin!. “V-Vince...a-alam mo ba...s-sa bawat sandaling nakikita ko ang mga l-litrato n'yo noon ni Wennah...h-hindi ko mapigilang maitanong sa sarili ko....b-bakit? Bakit hindi k-kita m-magawang pangitiin?pangitiin ng katulad sa p-pag-papangiti ni Wennah sa'yo noon? B-Bakit...B-Bakit h-hindi mo ako kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo kay Wennah? Sabihin mo Vince...ano bang kulang sa akin? G-Ginawa ko naman ang lahat para mapasaya ka ah...” napa-upo nalamang ako sa lupa habang umiiyak.
Bakit ganito? Bakit nila nagawa sa akin ito? Wala akong maalalang ginawa ko na hindi nila magugustuhan lahat na nga ng gusto nila binibigay ko dahil ayaw kong may taong lumayo sa akin....t-tapos—ganito ba talaga ang kapalit ng mga magagandang ginagawa ng isang tao?
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Teen Fiction01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...