CHAPTER 23: VALENTINE'S DAY

56 5 0
                                    

Chapter 23

Angel's POV,

“Hoy Yaya! Ang bagal mo naman!” sigaw ni Brix sa akin. Inis naman akong lumapit dito at idiniin sa mukha nya ang malamig na beer na ipinakuha n'ya sa akin.

“Oh ayan na! Ubosin mo 'yan ha? Kainin mo na rin yang lata!” sigaw ko sa kanya at umupo sa tabi ni Steph. Nandito kami ngayon sa salas nag-iinuman sila dahil aside sa wala raw silang mga date(s) eh birthday ngayon ng kaibigan ni Brix na si Jewel,isang grade 12 student pogi rin haha. Ewan ko nga rin sa kanila puro broken. Kanina si Janice halatang galing sa iyak kaya nagpaalam na na magpapahinga na ng maaga tapos itong si Brix gustong gusto talagang mag-lasing. Napansin ko rin these past few days eh parang may something kay P.Z at Von pero konting mala detective conan moves pa at malalaman ko rin ang hinala ko hahahaha.

Plano naming mag date kanina ni Moyb sa cine at saan pa mga ngayong gabi nga dapat iyon eh pero dahil itong mga amo ko eh ang daming utos dahil dito nga raw sila mag-iinuman,syempre wala naman talaga akong choice dahil yaya nila ako kaya dapat susundin ko sila. Pero masaya rin naman ako dahil ibinili ako ni Moyb kanina ng ice cream habang pa-uwi kami sa tanghali at binigyan n'ya pa ako ng chocolates talagang uubusin ko 'yon bukas o mamaya at maghahanda na ako ng toothbrush at toothpaste hahaha gamot na rin dahil paniguradong magwawala itong mga ngipin ko.

“What if mag laro tayo?” suhestyon ni Seve.

“Ano namang lalaro-in natin?” takang tanong ni Joe,kaibigan din nila.

“Hmmm,besides may mga girls naman na pupunta mamaya move tayo roon sa pool at doon tayo magp-plano nang larong gagawin natin,” tinaas baba ni Seve ang kilay n'ya. Mabilis sa alas kwatro namang nagsitayuan at excited na excited ang mga gonggong at lumabas ng bahay. Kahit naman talaga ganoon ang mga amo ko hindi talaga 'yon nagpapasok ng mga babae rito sa loob ng mansyon nila maliban doon sa pool at alam ko rin na wala naman silang mga masamang intensiyon sa mga babaeng pupunta.

Napabuga na lamang ako ng hangin dahil ang kalat-kalat at ang daming mga inumin,pulutan at kung ano-ano pang nandito sa sala na gusto nilang i-transfer doon sa pool. Buti na nga lang may mabait na kaibigan sila at tinulungan ako syempre magpapahuli pa ba si Steph? Of course not! Hahahah

“Okay ka lang ba talaga na dalhin ang mga beers na 'yan doon? Mabigay 'yang bucket alam mo na babae ka baka—”

“Ah hindi na po talaga,at isa pa po bisita kayo rito at katulong ako gawain ko pong maglingkod din sa inyo,” putol ko sa kaibigan ata ni Seve.  Tumango naman s'ya at kinuha na lamang ang ibang bucket at sabay na kaming nagtungo sa pool. Hindi naman sila marami sadyang dahil beer lang at hindi naman talaga ito gaano nakalalasing ay sobrang daming binili nila. May mga babae naring nandito.

“Thank you yaya,” kinuha ni Seve ang dala kong bucket at talagang kinindatan pa ako. May tama narin kasi itong si Seve kaya ayan daig pa anghel sa kabaitang ipinapakita sa akin. Sana lasing nalang s'ya palagi,I mean sila,maliban kay Steph dahil mabait naman talaga s'ya at maliban kay Shaun naman na talagang walang nagbago masungit parin.

At ayon na nga nagsimula na silang maglaro ewan ko ano 'yong ibang laro nila basta ang natatandaan ko lang pinapa-inom nila ng hard drink ang kung sino man ang talo pati babae pinapa-inom nila pero halata namang napaka alcoholic dahil nilalagok talaga ang hard drinks. Gusto nga sana nila akong isali dahil ayaw din ng mga amo ko baka raw pagalitan ako ni obāchan kapag malaman n'ya 'yon at sino nalamang daw ang maglilinis ng mga ginamit nila,kaya naman kumakain na lamang ako ng mga pulutan nila at inaantok na talaga ako pero bawal ko silang pabayaan dito.

Habang nanonood ako sa kanila ay may biglang tumawag sa akin. Tumayo muna ako at tinignan kong kaninong pangalan 'yong nasa screen at— J.F? Grabi gabing-gabi na ata ah.

“Oh hello J.F?” lumayo muna ako ng konti sa pool dahil ang ingay nila.

[C-Couz...hmm...] Nagulat naman ako nung marinig ko itong sumisinghot. Te-Teka nag d-drugs ba itong pinsan ko?

“Oh? Anong nangyari? Nagd-drugs ka ba? Hoy J.F ha! Alam mong masama 'yan at may anak ka—”

[ Ewan ko lang talaga s-sayo couz kahit kailan may sapak ka talaga!]

“Ah ano ba kase?”

[Nandito ako sa labas ng mansyon n'yo]

“Huh? Ano namang ginagawa mo d'yan? Anong oras na oh!”

[Dami mong tanong puntahan mo nalang ako rito mag-e-emote ako]

“Teka lang kukuha muna ako ng chi-chirya at magpapa-alam mo na ako saglit,bakit ba anong nangyari?” tanong ko habang papalapit sa mag-kapatid na Vamps na umuupo na sa tabi at nakikitawa sa mga kaibigan nilang nag-e-enjoy sa pool.

[Nag cheat sa akin si Vince sa akin! Ang bababoy nila ni Wennah!!!] Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya at talagang nag-init ang ulo ko!

“Ano!?” hindi makapaniwalang sigaw ko na ikina-gulat ng magka-kapatid at nakakuha ng atensyon ng iba pero wala na akong pakialam doon.

“Why are you shouting?!” sigaw ni Shaun sa akin.

“Tumahimik ka mainit ulo ko ngayon! ” inis na sabi ko at kumuha ng chi-chirya at nagpaalam sa kanila na lumabas sinabi ko rin na nandyaan si J.F imbis na palabasin nila ako ay inutusan na lamang nila akong pagbuksan ng gate si J.F at papasokin dahil malamig na rin sa labas masama raw sa kanya. Akalain n'yo iyon 'di ba? Nag-aalala sila kay J.F tapos sa akin hindi! Hinahayaan nila akong lamigin.

Nung makalabas ako ay nagulat ako dahil nasa labas din si Ryan may kailangan daw s'ya sa akin kaya naman ipinapasok ko nalamang muna si J.F at hinarap si Ryan,isa pa'to gabing gabi na pumunta pa rito.

“Oh anong kailangan mo?” tinaasan ko ito ng kilay.

“'Wag mo akong pagtaasan ng boses at 'yang kilay mo baka ikiskis kita sa semento,” uminit naman ang ulo ko sa sinabi nito.

“Tang-na mo! At talagang pumunta kalang dito para painitin ang ulo ko!” sigaw ko rito.

“Tumahimik ka! Ikaw pa itong hindi tumulong sa research natin para sa grades nating dalawa ikaw pa itong malakas manigaw! Kapal mo!” nanliit naman ang mata ko sa sinabi nito.

“P-ta! Oh ano nga ba ang kailangan mo ha? Siguraduhin mong worth it pakinggan 'yan!” sigaw ko rito at nanliit din ang mga mata nito at doon na nga sinabi na kailangan ko rawng gawin ang dalawang research namin at kailangan maipasa na namin sa susunod na araw para wala na raw kaming abalahin pa sa mga sumusunod na araw dahil malapit na nga ang moving up namin.

Nakaka-inis nga eh iblock mail ba naman ako! Eh sasabihin n'ya raw na hindi ako tumutulong sa research namin na by pair talagang naiinis akong isipin na s'ya 'yong naging kapares ko! At ang kapal ng mukhang sabihan ako na walang tulong eh ano naman kaya 'yong mga research na ipinagawa n'ya sa akin!

“Talagang Valentine's na Valentine's ito 'yong ibibigay mo sa akin?! Pwede bang kahit ngayon lang maging mabait ka naman?! Nakaka-inis ka eh! Sinisira mo 'yong maganda kong Valentine's night!”

“Dami momg reklamo! Talagang 'yan ang ibibigay ko sa'yo! Dahil ba Valentine's ito kailangan ng excuse? At isa pa alangan namang pagmamahal ibibigay ko sa'yo 'di ba? Mangilabot ka nga,” nangingilabot na sigaw ko. Inis naman akong pumulot ng bato para ibato sa kanya pero mabilis itong tumakbo palayo sa akin at dinilaan pa ako! Bakla!

“In-mong bakla ka! Susunod na araw makikita kita sisikmurahan talaga kita!” sigaw ko rito pero nag 'bleh' lang ito kaya inis akong pumasok ulit sa mansyon.

Nakaka-irita talaga ang lalaking 'yon kahit kailan! Pinapakita nya talagang bakla s'ya eh! Bakla!

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now