CHAPTER 29: PROBINSYA

57 4 0
                                    

Chapter 29

Angel's POV,

Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa balat ko. Kinusot ko ang mga mata ko at nilingon ko ang katabi ko-

"Waaah!" napasigaw ako sa gulat dahil ang lapit ng mukha ni Maria sa akin tapos 'yong mata n'ya hindi talaga as in pikit na pikit para paring nakamulat ang mata n'ya.

"Ingay mo!" singhal ni Zeph sa akin na kakagising lang din.

"Nakakatakot talaga si Maria matulog kahit kailan eh HAHAHAA," tawa ko at tinignan n'ya rin ito at tumawa.

"Oo nga," sang-ayon nito.

"Kala mo naman ang gaganda matulog!" napatingin naman kami kay Maria na kakagising lang din.

"Hahaha lahat naman tayo pangit matulog kaso ikaw nakakatakot nakamulat pa ang mata eh HAHAHA," tawa ni Zeph at natawa naman ako.

"Hoy ang tagal n'yong gumising walisan n'yo nga 'yong labas kayo talaga palagi nalang kayong wattpad wattpad," ayan na naman,ito talaga ang isa sa namiss ko rito sa side ng papa ko ang bibig ni lola. Hindi naman s'ya galit ngayon alam naming biro biro n'ya lang din 'yan pero pag seryuso 'yan aba dapat mabilis ka pa sa alas kwatro kung maglinis ng bahay dahil mabilis din sa alas kwatro ang bibig n'ya.

"Oo nga pala Angel kailan ba kayo mag-a-outing?" tanong ni Maria.

"Sa susunod na bukas hahaha," sagot ko.

"Yes! Ang sarap sa feeling n'yan hehe," sabi pa ni Zeph. Tinaasan namin s'ya ng kilay ni Maria.

"'Wag kami Zeph alam naming isasama mo na naman 'yong mga kaibigan mo lalo na ang jowa mo!" sabi pa ni Maria.

"Tumahimik ka nga! Baka marinig ka pa eh," mahinang sabi ni Zeph kay Maria,humagikhik naman kami.

-

"Ang ganda oh bagay sa'yo," pinatingin ni Maria sa akin ang isang crop top na long sleeve na ikina-ngiwi ko.

"Yaks ang pangit n'yan kung gusto n'yo yan kayo na sumuot," nandidiring sabi ko at naghanap ng magandang oversize t-shirt. Nasa ukay-ukay kasi kami at ang dami talagang magaganda rito.

"Hala ang cute oh tignan mo beb," napalingon naman ako sa katabi kong babae na ang boses ay daig mo pa biik na naipit. Halatang trying hard magkaroon ng cute voice eh.

Naghanap nalang ako sa ibang ukay-ukay na paninda nina Aleng Rosa. Kahit naman ayaw kong umalis doon sa may oversize t-shirts eh talagang naiinis ako sa boses nung babae sarap ilagay sa kulungan ng mga biik eh magkatulad kasi sila ng boses nakaka-irita.

"Oh may napili kana?" tanong ni Maria na patuloy pa sa pagpili. Umiling naman ako.

"Mamaya na muna ako nawala ako sa mood sa pag-u-ukay eh,"

"Asus sige na maghanap kana para makabili na tayo sa utos ni mama dahil malilintikan talaga tayo nito," Sabi pa ni Zeph. Napabuntong hininga naman ako at bumalik na nga roon sa may mga oversize t-shirts at nandoon parin ang ate ng mga biik.

"Beb look oh ang ganda bagay sa'yo," rinig ko ulit na sabi ng ate ng mga biik. Tsk nakaka-irita 'yong boses n'ya! Hindi ba s'ya pinapakinggan ng boyfriend n'ya? Eh kanina ko pa narinig na 'hey look at this beb' 'beb where are you looking?' 'beb why are you gigling? hindi ka naman ganyan noon ah,I think na ku-cute-an ka sa akin noh?don't deny it' heh! Basta nakaka-hmm peste!

"Huy okay ka lang?" nagulat naman ako nung kinurot ako ni Zeph. Tumango naman ako.
"Talaga? Eh mukhang hindi naman eh,"

"Okay lang nga ako,"

"Eh bakit kanina ka pa nagdadabog d'yan? Inaaway ka ba n'yang mga paninda ni Aleng Rosa?" sabat ni Maria.

"Wala lang," ngiwi ko at inabot sa kanila ang isang black na oversize na alam kong hanggang tuhod ko na may markang YOU may partner ata ito na ME pero hindi ako nagdala ng pera at libre lang nila ito kaya isa nalang 'yong kinuha ko,kuripot pa naman sila.

"Hala ang cute akin nalang 'to please," pagpapa-cute na sabi ni Zeph. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Ako ang kumuha n'yan at 'yan lang nga 'yong nagustuhan ko kukunin mo pa! Tignan mo roon may isa pa nito," sabi ko pa at hinablot ang t-shirt.

"Tss tara na nga bayaran na natin yan para dina tayo papagalitan," hinablot ni Zeph sa akin ang t-shirt at pumunta na kay Aleng Rosa para magbayad.

Lumabas ako sa ukay-ukayan ni Aleng Rosa dahil naiinis talaga ako sa boses ng babae kala mo talaga s'ya lang 'yong tao rito eh!

"Hi Gel!" napatingin naman ako sa lalaking biglang sumulpot sa harapan ko. Si Rich.

"U-Uy hello," nag-aalinlangang sabi ko. Nahihiya na kasi ako sa kanila dahil 3years akong nawala rito noh at hindi pa talaga nila ako nakakalimutan.

"Musta kana? Ang ganda-ganda mo na ngayon ah,naks glow up!" puri ni-kung hindi ako nagkakamali Gardo ang pangalan n'ya,kaklase ko sa 2nd year.

"Luh 'di naman ako nag-glow up. Musta na pala kayo?"

"Okay lang naman ito gwapo parin," sagot ni Jhun.

"Ang lakas ng hangin ngayon ah," sabi ko habang inaayos ang buhok ko na kunware nilipad ng hangin.

"Sama mo talaga kahit kailan!" natawa naman ako sa sabi ni Rich.

"Hoy hoy ano yan?" ayan na naman ang oa tita. Napa-iling nalamang ako dahil ganyan talaga si Maria eh,makitang may kasama akong mga lalaki ganyan palaging sinasabi tapos minsan aakusahan kapa na nakikipag private talk sa kanila.

"Tara na," yaya ko sa kanila.

"Bye Gel," kaway nilang tatlo sa akin at kumaway naman ako pabalik.

"Ganda ng legs mo Gel ha," nagulat naman ako nung may biglang sumigaw sa kabilang kalsada. 'Yong mga kaklase ko pala noon sa 2nd year highschool. Ngumiwi lang ako at sa kasamaang palad tumawid ang mga kasama ko dahil bibili kami ng siomai na ititinda ni lola.

"Wow glow up hanep! Ganda mo, " puri ni Mayk. Peke lang akong ngumiti. Ayaw ko sa maraming tao kaya naman pumunta ako sa gilid ng may nagbebenta ng isda dahil wala masyadong bumibili at hindi rin naman ako nakaharang sa daan.

"Kinis pahawak nga," nag-iba naman ang timpla ng mukha ko nung sabihin 'yon ng isang lalaki na tinagurian nilang manyak dito habang naka tingin sa paa ko. Naka t-shirt lang kasi ako hiniram ko sa papa ko dahil wala akong damit sa bahay nila lola at dahil wala nga akong gamit eh napilitan akong magsuot ng maikling pantalon.

Lalapit sana ito sa akin pero biglang may isang lalaking dumaan sa harap nito at dahil nakasiksik ako sa gilid ng may nagbebenta ng isda ay medyo napadikit din sa akin ng konti ang lalaki kaya hindi makalapit 'yong manyakis na 'yon sa akin at umalis na nga lang ito.

"Beb I thought pagkatapos na ng game mo tsaka ka lang bibili ng fish?" napatingin naman ako sa babaeng kakarating lang-'yong ate na naman ng mga biik!

"Beb hey! I'm talking to you," mahinang hinampas nito ang braso ng lalaki na para bang nagtatampo.

"Kailangan 'to ni mommy ngayon," sagot nung lalaki at-pamilyar 'yong boses n'ya.

Hindi ko kasi gawaing tumingin sa mukha ng kung sino unless naiirita ako sa presensya mo or kilala kita. Dahil may katangkaran naman ang lalaki kaya medyo tiningala ko ito-Ryan?

Tinignan din n'ya ako at tinaasan ng kilay. Nanliit naman ang mata ko. Sa dinami-dami ba naman ng pwedeng makita ngayong araw 'di ba bakit s'ya pa?

Umiling nalamang ako at lumapit sa kina Zeph at Maria na ngayon ay nakalinya pa sa bilihan ng siomai.

"Sino 'yon?" tanong ni Maria na tinutukoy si Ryan.

"Ewan ko ba,"

"Weh? Naalala ko 'yan eh! Yan 'yong kasama sa Scorpions na kaaway mo kagabi 'di ba?" napalunok naman ako at tumango.

"Oo nga,pero 'di ko talaga alam anong pangalan n'yan o sino 'yan," Sabi ko pa at hindi na pinansin ang mga sinasabi nila.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now