CHAPTER 39: TEASING RYAN

46 4 0
                                    

Chapter 39

Angel's POV,

"Nagmahal kana ba Brett?" tanong ko rito.

"Von." pagtatama nito.

"Pake ko kung anong pangalan mo." sabi ko. Umirap naman ito.

"Hindi ko pa naranasan 'yan." napa 'ow' naman kami.

"Masyado kasing torpe ang kapatid ko and a cold one doon sa U.S.A pero ngayon..." nakangiting nakakaloko si Brix sa kapatid nito.

"Just shut your f!ck!ng mouth." seryusong sabi ni Von.

"Hey hey nakalimutan mo na ata na he's older than you." sabi pa ni Seve.

"Yes,wait? No he's older than me bro! I'm young!" hindi matanggap na sabi nito.

"If you will love someone anong katangian ang gusto mong meron sa kanya?" tanong ni P.Z at nakatingin sa kay Von. Napalunok naman si Von dahil hindi inalis ni P.Z ang mata nito sa kanya. Mukhang nananadya talaga itong si P.Z eh hahaha sabi n'ya pa nga kanina nung wala si Von ay itetest n'ya ito kung mahiyain ba talaga ito haha.

"Its a secret,lady." sagot ni Von dito at nakipaglaban ng tingin dito. Ngumiti naman si P.Z.

"Interesting." tumatango-tangong sabi ni P.Z.

"Pangatlong tanong." napatingin naman kami kay Buzz. "Gusto mo ba o mahal mo ba si Peachy?" nagulat naman kami sa tanong nito. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba s'ya ng tanong o 'di kayay tinanong n'ya 'yon para malaman n'ya na si Von ang kahati n'ya kay P.Z.

Nag-aalinlangang sumagot si Von. Iiling sana ito kaso biglang nagbitaw ulit ng salita si Buzz. "Kung sasabihin mong Oo ipapaubaya ko sa'yo si Peachy. Pero kung hindi at liligawan mo palang kakalabanin kita." tumaas naman ang kilay ko at napa 'wow' dahil sa seryusong sabi nito.

"N-No I don't like her or l-love her." nag-iwas ng tingin si Von kay Buzz. Ngumiti naman si P.Z at ganon din si Buzz.

"Ah ganon ba? Hmmmm paano kung ligawan ko ulit si Peachy ngayon?alam kong magbabago na ang sagot n'ya." ngiting sabi ni Buzz. Lumunok naman si Von at tumingin kay P.Z. Ngumiti ng nakakaloko si P.Z at nagkibit balikat. Bu!set mukhang iisa lang ang isipan ni Buzz at P.Z ah!

"Okay fine!" sumusukong sabi ni Von. Paulit-ulit itong lumunok. Tumingin naman ito sa akin. Kinindatan ko ito na ikina-ngiwi nito. "I-I-I....I like her!" sigaw nito. Nagtawanan naman kami.

"Sabi ko na nga ba eh!" sabi pa ni Buzz. "Hahahaha sa totoo lang hindi ko talaga gustong ligawan si Peachy. Oo maganda s'ya kaso kanina palang nung nagtatanong ako sa kanya nahalata ko na eh Hahhaha." tawang sabi nito. Napangisi lang kami at umiwas lang ng tingin si Von.

-

Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang kubo. Natuwa ako kanina dahil talagang pina amin nila si Von kay P.Z at alam kong na o-awkward-an si P.Z pero mas makapal talaga ang mukhang nito kesa hiya eh haha.

Naka-upo lang ako sa dalampasigan habang niyayakap ang sarili ko. Nakatingala ako sa kalangitan. Ang aliwalas ng kalangitan. Walang kahit isang bituin o buwan man lang.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Parang kanina lang ang saya ko pa pero ngayon parang kabaliktaran na ang nangyari. Hindi naman ngayon lang ito nangyari. Palagi naman sa tuwing masaya ako may kasunod talaga itong lungkot. Ganito ba talaga ang buhay? Walang permamenteng saya? Malulungkot ka lang ng walang dahilan?

"Are you okay?"
"P!ta!" napasigaw ako sa gulat nung may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Papatayin mo ba ako?" inis na sigaw ko kay Seve.

"Kanina pa kami-
"P!tang!na!" sigaw ko ulit nung may magsalita sa kanan ko. Si Steph.

"Inanyo! Papatayin n'yo ba ako?"inis na tanong ko.

"Hahaha you're so serious yaya. What are you thinking?" tanong ni Seve.

"Wala."

"Then why are you here?" tanong ni Steph.

"Wala tumitingin lang sa mga bituin." sagot ko. Tumango naman sila. Tumayo naman si Steph.

"Kung ano man ang bumabagabal sa'yo don't hesitate to tell us. We're here to listen." nakangiting sabi ni Steph at umalis na.

"Make sure kung magku-kwento ka man sa amin hindi ka iiyak. We will just laugh at you haha." sabi nito at tumayo na rin at umalis. Pero hindi paman ito nakakalayo ay nagsalita ulit ito. "There's no stars or moon in the sky. That's creepy huh,you have imaginary stars." napatingala naman ako at napasapo sa noo ko. Magsisinungaling na nga lang palpak pa!

Tumunog naman ang cellphone ko. Si ate Zy.

"Hello ate?"

[Kamusta kana d'yan?"

"Ah obāchan! Napatawag po kayo? Gabi na ah."

[Hahah wala lang namiss lang kita apo]

"I miss you rin po Obāchan."

[Ba't hindi kapa natutulog?]

"Ah matutulog na rin po ako."

[Sige apo matutulog na rin ako haha may pinunta pa kasi ang ate mo.]

"Saan po s'ya pumunta?"

[ May binili lang]

"Okay po. Matulog ka narin po obāchan."

[Oo baka pagalitan din nila ako haha sige good night apo.]

"Good night po."

Ibinaba narin nito ang linya. Napabuntong hininga naman ako.

"Honey you don't miss me ba?" napatingin naman ako sa likuran ko. Si Ryan at ang psycho queen nito hahaha. Nung una beb ngayon honey na naman? Tsk.

"Pwede ba tumigil kana kakasunod sa akin?! Matalagal na tayong wala!" sigaw ni Ryan dito.

"What? No! Hindi pa tayo tapos babe! I love you baby alam mo 'yan! Baka may mahal ka ng iba?! Tell me! Maganda ba s'ya? Mas maganda ba s'ya sa akin?!" sigaw nito. Natawa naman ako. Beb,babe,honey at baby. Ano pa? Baka ubusin n'ya lang ang call sign ng magjowa eh hahah.

"Pwede ba tumigil ka na?! Yes I love you,pero noon 'yon! Niloko mo na ako nang paulit-ulit! Kaya Anika please! Tama na!" sigaw ni Ryan sa babae na si Anika kuno. "Please lubayan mo na ako!" sigaw ni Ryan at-umiiyak ba s'ya?

"Love." mahinang tawag ni Anika kay Ryan. P!st!ng babae! Baka mamaya n'yan ibang call sight na naman! Ako na ang naiirita sa kanya ha.

"Okay fine,hihintayin kita sa cottage take your time hehe gusto mo bang maligo? I can come with you." baliw nga.

"Anika! Umalis kana nga! Mababaliw ako sa'yo eh!" galit na sigaw ni Anika. Hinalikan naman ito ni Anika sa pisngi.

"Dapat lang sa akin ka lang mababaliw Mahal." ngiti ni Anika at patakbong umalis. Hindi ko mapigilang matawa.

"Anong tinatawa mo d'yan?" sigaw n'ya sa akin. Tumayo naman ako at humarap sa kanya. Pinunsan n'ya naman ang luha n'ya.

"Wala natatawa lang ako sa jowa mo hahah."

"Hindi ko s'ya jowa!" sigaw nito sa akin. Naglakad naman ako papunta sa kanya at nung makalapit ako sa kanya ay tinapik ko ang balikat nito. Masamang nakatingin ito sa akin.

"'Wag kang magalit Beb,babe,honey,love,baby,Mahal." tawang sabi ko at tumakbo.

"Tang!na mo!" sigaw nito at hinabol ako.

"Dapat sa akin ka lang mabaliw beb,babe,honey,love, baby,mahal." asar ko rito. Galit na galit parin itong humahabol sa akin haha.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now