Chapter 37
Angel's POV,
“Since Wennah is not here,I will be her replacement. So we will continue the game we started last day.” panimula ni P.Z. Kumakain na naman kami ng seafoods ngayon habang naka-upo sa picnic mat at nag bonfire. Medyo malamig ang gabi kaya naman nakasuot lang ako ng oversize t-shirt,as usual,at sinuot ang zippered jacket na ibinigay ni Moyb sa akin noong first monthsarry namin.
“Okay,since gusto na rin mag participate ng new friends natin na si Buzz at si Bhlake at sasali na rin si ate Janice,so we will start to ask them before Me,Von and Charles.” sabi pa nito habang umiinom ng wine. “Pero before we start kain muna tayo.”
“ A.L.” inabot sa akin ni A.E ang wine,pero mabilis itong binawi ni Seve sa kamay ko.
“‘Kids shouldn't drink wines or alcoholic beverages.’ That's what mom told us everytime she saw or we saw some minors drinking alcoholic beverages.” ngumisi naman ito. Napalobo naman ako ng pisngi at ayun na nga tinawanan lang ako nina P.Z at A.E,hindi man lang magawang rasonan ako. Friendship over na ba? 'di joke lang.
“Bakit—
“No why's and buts kiddo.” putol ni Brix sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.
“Okay,can we start now?” tanong ni P.Z. Um-oo naman sila.
“So,ask something to Buzz.” utos ni P.Z.
“May jowa kana ba?” tanong ni Isaac.
“Grabi ka pare! Porket katabi mo jowa mo ngayun ganyan kana? Aba mali 'yan!” sabi pa ni Buzz at umiling-iling pa bago nagsalin ulit ng wine.
“Pare ano ka ba!? Tao,hayop? Malamang p!ste haha. Sagutin mo nalang kasi 'yong tanong.” si Conan.
“Tumahimik ka d'yan detective conan. Oo na,wala.” mukhang ayaw ata nitong umamin na walang jowa eh haha.
“Second question,I'll ask. Who's your first love?” tanong ni P.Z dito. Napa-irap naman ito.
“Bakit love love ba? Ano ba 'yan! Si ano hehe.” tinaasan naman namin ito ng kilay.
“Wala,hindi n'yo kilala. Sige na next question na! 'Wag naman sana tungkol sa pag-ibig pag-ibig na 'yan kasi wala ako n'yan eh.” reklamo nito.
“Oh eto pare,ilang bakla ang kinakama mo?” tawang tanong ni Isaac.
“Hey,don't ask a question like that. May bata rito.” sabi pa ni Brix at tumingin sa akin.
“'Wag mong hintayin na tumayo ako rito at sapakin kita.” banta ko rito.
Katabi ko kasi si Steph sa kanan ko,sa kaliwa ko naman ay si A.E,katabi nito si Isaac,tapos si P.Z ,si Von, si Janice,si Brix,Shaun,Buzz,Bhlake,Ryan,Seve at Steph na nga. Paikot kasi kami.
“Hmmm,sa probinsya namin mga hehe 'di ko na sasabihin siguro tatlo hehe.” naibuga ko naman ang iniinum kong juice.
“Okay ka lang A.L?” nag-aalalang tanong ni P.Z. Tumango naman ako.
“I told you. She's innocent you know.” sabi pa ni Seve. Sinamaan ko naman ito nang tingin.
“So second to the last question na. Ask na go!” tila nagmamadaling sabi ni P.Z.
“Kung magkakaroon ka ng pagkakataon na pumili ng isang tao rito na ide-date mo,sino naman ang pipiliin mong idate?” tanong ni Janine. Tinignan n'ya naman kami isa-isa.
“Siguro si...Peachy hehe.” sagot nito. Tumango naman sila.
“Last question,bakit si Peachy ang napili mong idate?” tanong ni Von. Naamoy ko na naman ang ibang ihip ng hangin.
“Kasi maganda,yummy,tapos basta gusto ko s'ya hehe minsan same vibes din kami tapos ang galing n'yang sumayaw siguro magaling din s'yang sumayaw sa—
“Tigil na pare horny kana.” tawa ni Ryan dito.
“Nagtanong eh hahaha alam mo naman honest ako.” itinaas baba pa nito ang kilay n'ya. Umirap lang naman si Von. Hindi naman halata haha.
“So next is Bhlake. So ask him na.” utos ni P.Z.
“Eto exciting haha joke,sige ako una magtatanong. Describe Angel in one word.” tanong ni Buzz sa kanya na ikinataas ng kilay ko.
“H-Ha?ah-ah Cute? Y-Yeah,that's it Cute.” nag-aalinlangang sagot nito.
“Yepey hahaha.” asar nina Buzz at Conan dito.
“Ito,bakit hindi ikaw ang nag-tanong kay Angel nung tanong ni Charles nung isang gabi sa kanya? Bakit mo inutos lang 'yon kay Charles?” tanong ni Conan.
“K-Ka-Kase nahihiya ako.” mahinang sabi nito pero rinig parin namin.
“Really? Inutos n'ya lang 'yon kay Charles?” gulat na tanong ni P.Z.
“Oo shy type kasi 'tong boss namin eh hahaha.” sagot ni Buzz.
“Gusto mo ba si A.L?” diretsong tanong ni A.E. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
“A-Ah? Ha? Ah ko-konti.” sagot ni Bhlake na ikina-gulat ko. Seryuso? Walang halong biro? O biro lang? Haba naman ata ng bangs ko kung totoo. Ang pogi ni Bhlake ah, balita ko nga bad boy at popular daw s'ya sa school nila.
“Let me ask you. Why do like her? She's looks like a gross shokoy you know.” galit naman akong tumingin kay Shaun.
“H-Hindi naman s-siya s-shokoy sa paningin ko...b-basta ang ganda n'ya at ang bait.” sagot ni Bhlake rito.
“What? Do you think yaya is mabait? Dude,look at her face,she looks like always ready to fight. Seryuso ka ba talaga na gusto mo s'ya?” Naks! Gusto kong matawa sa mga tanong nila ha. Grabi ang pangit ko na ba talaga? Kakapal ng mga mukha nila ah.
“Oo.” maikling sagot ni Bhlake rito.
“Okay,no more questions left! It's time to ask ate Janice.” sabi ni P.Z. “So sino ang mauunang magtanong?”
“Ako. Mahal ka ba ng taong mahal mo?” tanong ni A.E.
“I-I guess? Hahaha.” sagot nito.
“If that person you love right now will leave you,what would you feel?” tanong ni Brix.
“Really? Haha all of us will be sad obviously.” sagot nito.
“Hindi ka pa ba iniwan ng taong mahal mo?” tanong ko.
“You know the answer. But,the person I loved already leave me,hindi dahil may iba na s'ya ganyan,he leave me,here,kasi kailangan n'yang mag-aral sa ibang bansa.” sagot nito.
“Wala ka bang nagustuhan na iba ngayon kahit malayo na ang taong mahal mo? Loyal ka pa rin ba sa kanya?” tanong ni P.Z.
“Honestly, I don't want to like someone, except him. But he's the one who forced me to forget him and open my heart to another man. But sa ngayon,mukhang s'ya pa rin talaga.” sagot ni Janice.
Hindi ko talaga akalain na may ganyan palang lalaki eh. Mahal na mahal s'ya nung taong mahal n'ya. Mahal nila ang isa't isa pero ang nakakapagtaka lang ay kung bakit s'ya ipinagtutulakan nung lalaking mahal n'ya na dapat humanap s'ya ng lalaking magpapasaya sa kanya. Siguro may iba na 'yong lalaki at ayaw n'ya lang sabihin kay Janice?
“If that guy you loved will truly leave you,then you will do what he said? You will love another guy for him?” tanong ni Shaun. Napa-isip naman si Janice.
“I guess,may part pa rin na magmamahal ako ng iba dahil gusto n'ya. Pero hindi ko naman siguro matatawag na pagmamahal 'yon eh kung sinusunod ko lang ang sinabi nya sa akin. Hindi naman siguro mahirap makahanap ng taong mamahalin ko. Pero gusto ko na kung magmamahal man ako ay higit pa sa kanya,'yong tipong handang tanggapin na may minahal ako na hindi ko makakalimutan at hinding hindi ko kakalimutan. Dahil ayokong magmahal ng taong hindi ako totoong mahal at hindi marunong umintindi.” mahabang sagot ni Janice. Napangiti naman ako.
She will do everything to make her man happy. Katulad ko rin. Gagawin ko lahat para sa taong mahal ko. Mahirap man ito o madali. Pero kung para sa taong mahal ko walang mahirap.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Teen Fiction01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...