Chapter 24
Aymei's POV,
Natawa naman ako dahil sa sinabi ni A.L. Kahit kailan talaga advice lang naman ang kailangan ni J.F or karamay eh pero ewan ko ba rito kay A.L tinatawanan lang si J.F.
Nandito kasi ako ngayon sa mansyon ng mga Vamps nandito rin si P.Z. Tinawagan din kasi kami ni J.F kanina kaso nga akala ko may lakad sina mama at walang magbabantay sa kapatid ko si P.Z naman ay galit sa mama n'ya kaya ayun umalis sa bahay nila pero hindi naglayas nagpatulong lang kay A.L na magpaalam kaya ayan buti nga at pinayagan.
“Alam mo J.F...” natawa kami dahil parang hindi na kaya ni P.Z na magsalita dahil natamaan na talaga ng alak. “...'yang mga l-lalaki...h-hindi 'yan nakukuntento sa...?” guess nanaman hahaha napasapo nalang ako sa noo ko.
“Isa,”sagot ni J.F na tinamaan narin ng alak.
“Tama! At alam mo? Kahit naman ilang veses kah pa...nam-naming sabihan..n-na huwag mong saktan 'yang boyfriend mo....l-lalo na kung 'yang ginawa n'ya ay hindi naman nakakapatay! Like hindi maghuhugas ng pinggan tapos sasaktan mo....ng physical-an....h-hindi k-ka parin nakikinig.” ramdam ko naman na tumalim ang tingin ni J.F kay P.Z at alam kong naramdaman din 'yon ni A.L.
“No offense!” sigaw ni A.L at tumawa naman si J.F. “Alam ko na hindi ko alam ang nararamdaman mo ngayon,kung gaano ba 'yan ka sakit o ano, pero alam ko masakit talaga 'yan couz dahil may baby na kayo, pero alam mo? Mas mabuti pang bumalik kana roon dahil kanina pa tumatawag 'yang mama mo! At mas mabuti pang pag-usapan ninyo 'yan ng Vince na 'yon, ayusin n'yo ang problemang 'yan, kausapin mo s'yang mabuti okay? Alam ko na ayaw mong hindi kayo buong pamilya,but please, pag-usapan n'yo 'yan,hindi sulosyon ang pag-iinom mo riyan ng mga alak na 'yan para mawala ang sakit sa puso mo,oo nga,nagpakalasing ka para malimutan mo ang sakit pero ang tanong kahit katiting ba nawala ang sakit? 'di ba hindi?” tanong ni A.L at tumango naman si J.F.
“Alangan naman kasing mawala 'yan eh bukang bibig mo s'ya,” irap ni A.L na ikinatawa naming tatlo.
“Hayst ewan ko sa'yo couz,” umiling nalamang si J.F.
“Tss,basta isipin mo si Zav J.F,kung gustong umalis ni Vince sa tabi n'yo at sumama sa Wennah na 'yon hayaan mo, hayaan mo s'yang pagsisihan ang mga maling ginagawa n'ya. Sabi nga ni A.L na alam namin na ayaw mong magiba ang pamilya mo at ayaw mong matutulad sa'yo si Zav pero J.F hindi natin alam ang mangyayari sa mga sumusunod na araw at kung ano man ang mangyayari sa atin sa mga sumusunod pa kaya palagi mong isipin na lahat ng mga nangyayari sa buhay natin ay may purpose alam kong kaya mong harapin ang mga pagsubok sa buhay mo,” nakangiting sabi ko.
“Yes A.E's correct,you're strong mommy! So keep fighting! Don't lose hope everything has a purpose at sabi nga nila walang problema na hindi masusulosyonan 'di ba?” masiglang sabi ni P.Z at mukhang tumalab 'yong ibinigay na soup ni Von sa kanya although kaming tatlo naman ang binigay nila pero si P.Z 'yong naka-ubos ng sa akin at sa kanya eh siguro hangover nalang s'ya agad hahahaha.
“Yes,your friends are right Jamy.” singit ni Brix.
“If that man leaves you,your friends will not,you have your friends you know. You have your family,don't waste your time on that jerk,if he really wants to leave let him go.” sabi pa ni Seve.
“Tama sila,hayaan mo s'ya couz kesa naman pipigilan mo s'ya sa pag-alis. Oo nga,napa stay mo s'ya pero pilit.” irap ni A.L. “At isa pa ano ang mas masakit? Ang papalayain mo s'ya o ang pilitin s'yang manatili sa buhay n'yo at oo nga nanatili s'ya kaso napipilitan lang?” tinaasan s'ya ulit ni J.F ng kilay.
Napa-isip naman ako. Noon ganyan din ako kay Isaac. Hindi ko s'ya pinalaya kahit gustong-gusto na n'yang umalis sa buhay ko at anong napala ko? Huli ko nang namalayan 'yon,na lahat ng mga pinapakita n'ya sa akin ay pilit lang,pinipilit n'ya ang sarili n'yang bigyan ako ng importansya pinipilit n'ya ang sarili n'yang bigyan ako ng atensyon na dapat hindi para sa akin. Atensyon na dapat sa iba n'ya ibibigay,sa totoong pinapahalagahan n'ya at sa taong karapatdapat ng mga 'yan.
Pero bakit? Kung kailan mo namalayan na nagpapaka-tanga ka lang sa isang tao at kung kailan mo idini-distansya ang sarili mo sa taong 'yon o kung kailan mo pinuputol ang kung ano mang mayroon sa inyo ay bigla-bigla naman silang lalapit sa'yo 'yong tipong sila na naman ang nagpapansin sa'yo?
Ayaw ko namang isipin na nagpapansin si Isaac sa akin pero ganoon talaga ang tingin ko eh,oo hindi naman ako maganda katulad ng mga tipo n'ya at hindi naman siguro ako worth it para magpapansin s'ya sa akin pero ewan ko ba 'yon talaga ang nasa isip ko eh at sa mga ginagawa n'ya sa mga nakaraang araw at kanina hindi ko alam kung papaniwalaan ko rin ba ang mga binibitiwan n'yang salita kanina.
FLASHBACK
“Aymei please listen to me.” hinawakan ni Isaac ang braso ko. Ilang araw n'ya na akong sinusundan kahit saan ako pupunta nakasunod s'ya para s'yang aso!
“Ano ba Isaac?!” inis na inalis ko ang kamay n'ya sa braso ko.
“Aymei I know I was wrong a-and please believe me,I love you Aymei,I really do.” umiiyak na sabi nito. Umiwas ako nang tingin sa kanya at pinipigilan ang sariling maiyak.
“I-Isaac...please pwede ba! Tigilan mo na ako?!”
“Aymei no! I love you babe I love you,”
“'Wag ka ngang magbibitaw ng mga salitang alam mo namang hindi totoo! Isaac alam mo ba kung gaano ka sakit para sa akin ang malaman na isa lang pala akong tanga at uto-uto?! Alam mo ba n-na mahal na mahal kita? Kaso ano? Sa ating dalawa ako lang pala ang may gana sa relasyon natin at ikaw wala? Sana pala noon palang hinayaan nalang kitang umalis dahil sa huli ako lang 'yong lugi rito eh! Ako lang ang masasaktan!”
“B-Babe...y-yes alam kong mali ang ginawa ko,akala ko hindi kita mahal,a-akala ko hindi kita kailangan...i-i know h-hindi mo p-pa ako kayang patawarin at paniwalaang muli...b-but babe...I promise...I will prove myself again and my love for you,babe,please huwag kang maghanap ng iba hayaan mo akong iprove ulit ang sarili ko sa'yo ang pagmamahal ko sa'yo. Babe,I will court you again. Happy Valentine's day Aymei,babe,I love you,”
Pumatak na nga ang luha sa mga mata ko pero bago paman pumatak 'yon ay tinalikuran ko na s'ya.
Gustohin ko mang maniwala pero huwag muna ngayon,hahayaan ko s'yang iprove na mahal n'ya pa ako,hahayaan ko s'yang ligawan ako ulit pero hindi ibig sabihin nun magiging marupok na naman ako ulit at magpapaka-tanga.
Naalala ko naman ang sinabi ni A.L sa akin noon.
“Hindi lahat ng promise ay matutupad. At sabi nga noon sa anime series na napanood ko na Hunter Hunter, The promise is the one you should never trust, hindi lahat ng pangako ay natutupad,matutupad o tutuparin. If someone promised you,pakinggan mo lang sila at huwag mong basta-basta na lamang paniwalaan huwag kang umasa dahil sa huli ikaw lang naman ang masasaktan.”
END OF FLASHBACK
Napangiti naman ako nung maalala ang sinabi ni A.L noon,siguro nga hindi ko dapat basta-bastang paniniwalaan ang pangako ng kung sino. Kahit sa pangako ni Isaac. Papaniwalaan ko lamang s'ya kapag hindi n'ya lang sa salita sinasabing mahal n'ya talaga ako at nagsisisi s'ya sa ginawa n'ya kundi pati narin sa mga actions n'ya.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Novela Juvenil01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...