Chapter 45
Peachy's POV,
I'm in my lola's house,mama ni papa, dahil pinapunta nila kami rito nina mama. I'm so happy to see them again. Almost half a year narin kasi kaming hindi nagkikita nina lola.
“Ang ganda mo talaga Peachy,mana sa lola.” tawang sabi ni lola.
“Oo naman,la. Pag maganda ang lola edi maganda rin ang apo.”
“Asus haha oo nga pala,kaya ko rin kayo pinapunta rito dahil may pag-uusapan tayong importante.” tumaas naman ang kilay ko sa sabi ni lola.
“Anong importanteng pag-uusapan ba 'yan ma?” tanong ni mama kay lola.
“Ganito kasi,sasama ako kay Tina sa U.S kasi alam n'yo na may sakit ako at doon daw nila ako ipapagamot.” tumango naman kami sa sabi nito. Tita Tina was my father's younger sister.
“Tapos po?”
“Napag-usapan na kasi namin ng papa mo ito. Gusto n'yang isama raw kita sa U.S.A at doon magtapos ng senior Highschool at college kung papayag ka naman.” nagulat naman ako sa sinabi ni lola. As in? For real? Isasama nila ako sa U.S.A at doon mag-aral?
“Po? Talaga po?”
“Oo,pero kung papayag ka at mama mo.” nilingon n'ya naman si mama. Nagkibit-balikat lang ito. Kapag nagdesisyon si papa malamang papayag na agad 'yang si mama.
“Oo naman papayag ako pero ewan ko kay Peachy kung gusto n'ya ba.” sabi pa ni mama. Naghihintay naman sila sa oo ko.
Hindi ko alam pero masaya naman ako kung sasama ako kay lola dahil syempre mataas ang pangarap nina mama at papa sa akin pero malungkot din dahil wala akong kaibigan doon at paano kung hanggang college nga ako ron?
Napabuntong hininga naman ako at hindi muna sila sinagot. Bukas pupunta na kami sa kina A.L at naka-usap ko nga si Von kanina at ang sabi n'ya bumabalik na raw sa dati si A.L. I can see his happiness nung sinabi n'ya 'yon sa akin. Even though ilang buwan palang sila nagkakilala nung yaya nila I know that they really love her.
Umuwi raw muna sila kahapon kasama n'ya si Brix at Seve dahil nandyan daw ang mommy nila at kawawa naman daw si Janice kung doon lang palagi at stressed din ito sa trabaho kaya isasama raw nila ito pabalik sa kina A.L syempre kasama na rin kami bukas ni A.E para doon mag babaksayon lalalo pa at may plano sina papa na doon ako ipapaaral sa U.S.A.
—
KINABUKASAN ay maagang pumunta si A.E rito sa bahay at ewan ko ba anong nakain nito dahil sobrang aga,eh siguro sa aming apat na magka-kaibigan s'ya 'yong pangalawa ni A.L na late comers.
Kakabangon ko palang nandito na s'ya as in ang aga n'ya mga alas singko emedya palang nandito na s'ya. Ganyan ba talaga s'ya ka excited na makapunta roon sa kina A.L? Hahaha.
Sabi nila mga 6-8 hours daw ang byahe papunta sa kina A.L at mas mabuti raw na maaga kami dahil kapag gabi raw hindi raw masisigurado at baka raw may mga kung ano pa sa daan.
Nag-text na rin sa akin si Von mga 7:30 ng umaga na pupunta na raw sila rito kaya nag-ready na kami ni A.E. Sayang nga wala si J.F eh. Balita ko engaged na nga sila ni Vince,sayang hindi kami nakapunta nun dahil wala kaming pera papunta doon kahit isama lang kami nila Wennah hindi rin kami nakasama dahil nung time na 'yon ay busy ako dahil kasal ng ate ko at si A.E naman ay nagbabantay noon sa kapatid niyang mag lagnat at mabuti na nga lang hindi nagtampo si J.F sa amin eh napaka matampuhin pa naman nun.
Ilang minuto ang lumipas at pumunta na nga sina Von dito sa bahay at nagpaalam na ako kina mama. Strict talaga ang parents ko pero feeling ko kaya nila ako pinayagan dahil nga doon na ako mag-aaral sa U.S.A.
Oo final na kagabi pumayag na ako dahil ayaw ko rin naman na mahirapan sina mama rito dahil nagtitinda lang si mama tapos si papa driver lang at ayaw ko naman sanang doon sa kay tita kasi nakakahiya kaso wala namang anak or asawa si tita ngayon,tay single lang muna raw s'ya.
Favorite pamangkin n'ya ako kaya gusto n'yang doon ako para na rin daw matuto ako kung paano umiikot ang mundo sa business at tuturuan n'ya ako kung paano raw mag handle ng business dahil malay ko raw baka ako ang ipapa-handle n'ya sa company n'ya rito sa Philippines in the future dahil madalang nalamang kasi s'yang nakakapunta rito sa pilipinas para icheck ang company n'ya.
Although nandito naman ang cousin n'ya na ginawa muna n'yang CEO sa company n'ya dahil nga wala na s'yang ibang mapagkakatiwalaan sa business n'ya.
At the age of 24 may own company na si tita Tina dahil sa pagpupursige n'ya at nasa 20s na rin 'yong cousin n'ya noong ginawa n'ya itong CEO dahil masipag din na babae 'yong cousin n'ya.
Makalipas ang higit walong oras sa byahe ay nakarating narin kami sa kina A.L. Ang ganda ng lupa rito at peaceful. Private area ito kaya hindi maikaka-ilang medyo tahimik talaga ang lugar na ito.
Ang cute nga eh kasi para kang nasa isang lugar na para bang galing ka sa sobrang stressed or may anxiety ka tapos nandito ka para magpahinga at unang tapak mo palang dama mo na ang pagbabago sa kalamnan mo na para bang unti-unting nawawala agad ang stressed mo.
“Hi A.L! We missed you so much.” halos mangiyak-ngiyak kong sabi. Yes,I missed her so much talaga. She changed. Noon ganyan din s'ya sa amin na sobrang sabik na sabik na makita kami but now she just gave us a smile.
But mabuti na rin at ngumingiti na talaga s'ya na para bang hindi napipilitan. Medyo tumaba rin s'ya at mas lalong naging kutis bampira dahil kapag wala raw silang ginagawa nasa loob lang daw s'ya ng kwarto n'ya minsan nga raw sabi ni Von kinukulit nila pero wala raw effect hinahayaan lang daw n'ya silang magsiksik sa kwarto n'ya habang s'ya ay nagbabasa lang ng libro or nagce-cellphone minsan. Hindi ko na s'ya nakitang online simula nung nag-break nga sila ni William.
“Ang oa mo ilang weeks pa nga lang hindi nagkita.” ngiwi ni A.E at humarap kay A.L. “Pero oo,miss kana namin tang!na mo ha hindi kana nag-o-online man lang!” tila nag-tatampong sabi ni A.E.
“Ilang araw ma-iintindihan mo rin ako.” ngiting sabi ni A.L at niyaya na kaming pumasok sa loob ng bahay nila at gumawa pa ng masarap na meryenda para sa amin plus naghanda rin ito ng mga lulutuin para mamaya sa dinner.
Habang kumakain kami ay ang daldal nitong si A.E na nakakapanibago sa akin. Hello! She's the most shy girl sa aming apat but now? Kabaliktaran na. Ang kapal ng mukha. Pero kami lang naman ang nandito apat sa kusina nila dahil sa sala kumain ang magka-kapatid.
“At alam mo ba doon na mag-aaral sa U.S.A si P.Z!” sabi nito na ikina-gulat ni A.L. Daldal talaga!
“Ha? Really?” napatingin naman kami kay Von na kakapasok palang sa kusina. Nag-aalinlangang tumango naman ako. Tumango lang din ito at kumuha ng juice sa mesa na tinimpla ni lola kanina at hindi na umimik pa at bumalik na sa sala.
Ewan ko feeling ko nagta-tampo si Von sa akin. Yes,I'm not her girlfriend pa naman at hindi ko pa rin s'ya boyfriend but we share our rants to each other—i mean me,wala naman ata s'yang problema dahil wala naman s'yang nasabi sa akin na ganyan.
But we updated each other na rin like what the couples do. Feeling ko nga in a relationship na kami dahil sa mga kilos at ginagawa namin.
Napabuntong hininga naman ako.
I guess I need to suyo him later dahil alam ko kapag ganoon s'ya nagtatampo 'yon. I promise him na sasabihin ko lahat sa kanya ang mga nangyayari sa life ko—hindi as in lahat,but,we promised each other na wala kaming ililihim sa isa't isa.
Parang couple 'di ba? Siguro I need to suyo him later talaga dahil hindi ko sinabi agad sa kanya. Plano kong sabihin sana pero naunahan pa ako nitong Aymei Bree na'to.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Roman pour Adolescents01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...