Chapter 31
Angel's POV,
Nandito na nga kami sa AJAP B.R at dahil nga kilala kami ng may-ari na auntie ni P.Z ay wala na kaming entrance fee at may special na kubo pa kami for safety daw kasi baka anong mangyari sa amin at lalo na kay P.Z. Hanep! Kubo kasi 'yong inereserba sa amin kasi nga 1 week kami rito mag-s-stay. May cottage naman pero para lang talaga sa one day lang dito at itong kubo ay para sa mga mag-o-overnight para raw safety.
Tatlong cottage ang nakalaan para sa amin. 20 kasi kaming magka-klase pero hindi talaga nakasama ang iba pa naming kaklase at syempre marami ring sumama na mga kaanak at kaibigan ganon. May iba ring sumama na nagbayad ng entrance fee at kubo. Affordable naman daw at syempre patak-patak sila.
“Yaya!” inis naman akong lumingon sa pinang-gagalingan ng boses. Si Brix!
“Oh?” tinaasan ko ito ng kilay.
“Are you mad na naman? Wala bang I miss you jan?” naka-ngusong sabi nito.
“I miss you mo mukha mo sapakin kita eh!” sigaw ko rito.
“You're so rude.” biglang sulpot ni Brett sa tabi ni Brix.
“Rude.” panggagaya ko sa sabi nito at natawa naman sila. Nagtaka naman ako dahil silang dalawa lang ang nakita ko.
“Sinong hinahanap mo?” tinaasan ako ni Brett ng kilay.
“Nasan si Seve? Si Steph? Si Shaun?”
“Omg! You miss me yaya? Aw that makes me soft.” napa-ikot naman ako dahil sa nagsasalita sa likuran ko. Si Seve.
“Tumahimik ka d'yan Draiv upakan kita eh.”
“You're calling me by my first name again!” parang batang sabi nito.
“Tsk pake mo? Hinahayaan nga kitang tinatawag akong yaya eh!”
“Because that was your position in our life,right?” At ayan na nga s'ya the legendary Shaun!
“Nye nye,” irap ko sa kanila.
“Hi Yaya,” napa-pikit naman ako nung makita kong papalapit si Steph sa amin. At—nakasuot lang ito ng t-shirt na fit na fit sa kanya at shorts na pang beach at—ang hot n'ya!
“H-Hi Steph.” nakangiting sabi ko nung makalapit s'ya sa amin.
“You look cute in that oversize shirt.” puri nito. Feeling ko umiinit talaga 'yong pisngi ko!
“Hi A.L—omg you're so red!” sabi pa ni P.Z na kakarating lang. Hindi kasi kami sabay-sabay na pumunta rito dahil syempre galing pa kaming probinsya.
“Ha? T-Talaga?” hinawakan ko pa 'yong pisngi ko. Talagang—ah!
“Are you blushing?” takang tanong nito. Mabilis na umiling ako.
“Hindi ah! A-Ano ang init oh hindi mo dama?”
“Ah yeah you have a point.” tumango-tango pa ito at inilapit ang bibig sa tainga ko at bumulong “I saw you looking at Steph and yes he's damn hot! I know that feeling don't lie to me.” tinaasan ko naman ito ng kilay at ngumisi lang ito.
“Ah oo nga pala akala ko sabay kayo nina A.E at J.F na pumunta rito?”
“Nandito ang family ko but they stay on the kubo away from here and gustohin ko mang sumabay sa kanila pero sabi ni mama na dapat daw na sumabay na ako sa kanila dahil kasama ni J.F ang mama n'ya tapos si Vince,ate Irish,ate Ann and also Zav at anak ni ate Irish. And as far as I know kasama raw nila si Wennah but she will just stay here for two days dahil busy s'ya sa company nila.” mahabang paliwanag n'ya.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Roman pour Adolescents01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...