CHAPTER 46:FLOOD MESSAGES

47 3 0
                                    

Chapter 46

Aymei's POV,

Nandito na nga kami sa kina A.L at ang ganda talaga sobra ng lugar na ito. Sobrang refreshing talaga nakakatanggal ng stress kung stress kaman.

Tapos na rin kaming mag meryenda at natutulog 'yong tatlong alaga ni A.L dahil sa sobrang pagod at pupuntahan na nga namin din ang parang boarding house lang din daw para sa bisita at doon din kami matutulog syempre, habang sina Shaun at Steph naman ay sumama raw sa lolo ni A.L para pauwiin 'yong mga baka nila.

Kahit pagod kami ni P.Z at Janice hindi kami natulog dahil ewan ko kung pagod ba talaga ako or kanina lang 'yon. Sumama kami sa lola ni A.L na nagpapakain ng mga baboy,rabbit,kabayo,kambing,mga manok,at nga alagang aso nila na nakatali ang dalawa at ang dalawa ay wala,dahil ito raw ang kasa-kasama ng lolo ni A.L kapag nagta-trabaho ito.

Pero dahil nandoon naman daw ang dalawang magkapatid ay hindi na raw pinasama itong mga working dog. May sinama pero isa lang.

Private area ito kaya halatang halos mga may kaya ang nakakapasok dito,o pinapasok. Palm oils ang makikita mo sa main border at 'yon daw ang main talaga na binebenta ng mga amo ng lola at lolo ni A.L.

Mahigit 30 minutes naman ang byahe bago marating ang tinitirhan nina A.L na kung saan mga 1km ang layo mula rito kina A.L ang mansion daw ng mga may ari rito na wala naman dawng nakatira pero may guwardiya naman daw doon sabi ng lola ni A.L.

Para kaming mga tourist pero siguro tourist talaga kami dahil kahit kaibigan kami ni A.L ito naman talaga ang sadya namin eh ang makapag relax. Sobrang toxic kasi at masyadong hindi fresh ang hangin sa lungsod.

Ang bahay nina A.L ay nasa gilid nung gate at ito namang mga bahay ng mga hayop nila ay siguro tatlong metro ang layo sa gilid nung bahay nila na sabi ni A.L nandoon daw ang kwarto n'ya. May tatlong bintana roon sa gilid ng bahay nila papunta sa bakuran.

Ang isa na makikita una kapag umikot ka sa bahay nila sa gilid ay bintana na sa kwarto raw 'yon ng mga matatanda at ang pangalawang bintana na kasunod noon ay sa kwarto ni A.L at ang pangatlo ay ate Zy daw nito na nasa lungsod ngayon. Yari sa kahoy lang din ang bahay nina A.L na parang pang mayaman na mga secret millionaire pala tapos two-storey ito. Sobrang lawak talaga ng lupain nitong amo nila.

Pagkatapos namin sa mga hayop ay mga ilang step lang din mula sa mga bahay ng hayop ay may isang daan sa kanan na papunta raw sa mga taniman nila ng prutas at gulay at may kubo raw doon na pahingahan ng mga trabahador doon at isang maliit na kubo kung saan doon daw sila nagluluto dahil medyo malayo raw ang lalakarin nila mula sa bahay nila kung doon sila magluluto para sa mga trabahador.

May daan din sa kaliwa na straight sa bahay nina A.L na daan papunta sa mansyon at madadaanan lamang 'tong pinuntahan namin dahil dito sa pinuntahan namin na straight lang sa bahay ng mga hayop ay limang bahay na medyo kasing laki ng bahay sa isang village. Pero hindi two-storey.

Ang tatlo raw dito ay bahay daw na kompleto lahat gamit ma tv,aircon,at tatlong kwarto,may isang kwarto na may banyo na at may kitchen narin daw at iba pa,para na talagang bahay mo. Ang dalawa ay para sa mga katulad namin na doon lang sa kina A.L kakain or normal house lang.

May dalawang kwarto na may isang bed lang na pwede dalawa o tatlo ang humiga rito. Isa lang din ang bathrooms dito at may maliit na kitchen na may isang lababo at sa itaas nito ay cabinet na may stocks ng snacks at sa fridge naman ay may mga inumin tulad ng gatas,beer,at soft drinks lang.

Sa isang bahay ay doon nag-s-stay ang magkapatid na Vamps at dahil wala pa silang balak na umuwi roon sa lungsod ay nagbayad sila ng 6k para sa normal house na tinutuluyan nila ngayon dahil hindi raw sila sigurado kung kailan uuwi pang 3 months pay na raw nila 'yan. Wala rin daw naman silang masyadong kinakain sa bahay siguro drinks lang at kuryente libre na talaga 'yon pati ang wifi .

Dahil tatlong linggo lang naman kami rito nina Janice at P.Z ay  sabi nung lola ni A.L na maliit lang daw ang mababayaran namin.

Nagpahinga na nga kaming tatlo at kami ni P.Z sa isang kwarto at si Janice sa isa pang kwarto. Ang ganda ng kwarto halatang inaalagaan nila ito at nililinisan. Isang kulay lang. May side table na kulay pink at ang kisame kulay pink din pati ang bed. Nakaka-inis nga e,hindi kasi ako fond sa pink feeling ko mukha akong bata na mahilig pa sa barbie.

Napatingin naman ako sa phone ko. Ilang message na ang natanggap ko kay Isaac at pag on ko ng mobile data ay lahat din ng tunog sa messenger ko ay galing sa flood messages ni Isaac.Simula nung umalis kami kanina naka-patay na itong phone ko eh at naka airplane mode. In-open ko ito kanina para kumuha ng mga litrato pero naka airplane mode pa rin. Hindi ko alam pero hindi ko man lang ni-reply-an ito o sineen man lang.

Siguro ito ang sinabi ni A.L na maiintindihan ko rin kung bakit hindi s'ya nag-o-online. Kakahiga ko pa nga lang oh feeling ko nasa isa akong malambot na kama na nakakawala ng stress at ng kung ano-ano pang sakit sa katawan ko. Healing bed kumbaga.

Ilang saglit lang ay tumunog na naman ang messenger ko at kay Isaac ulit galing ang chats na iyon. Kaya in-open ko nalang baka kasi magalit ito.

AYI>.<

Ayi san na kyo???

Mis na kta agad ayi

nakarating nba kyo ayi???

Ayi sagot ka nmn s text ko 'di kc kta mkntkt

Hi ayi galing kmi ni mama sa palengke kkuwi k lng

Ayi bka my iba kna agd ha?:<

Ayi hnd pa rn ba kyo nkrting?

Ayi hope na nag breakfast kna

I love you ayiiii

Miss u ayii

Ayiiiiiiiiii

Mgttmpo n tlga ako syo ayi

(Sent photo )

Ayi look new na nmn ang motor k

Ayi gudafternun kain kana

Ano ulam nyo ayi?

Sleep mna ako ayi love u,ingt kyo kng dpa kyo nkrting

Ayi gsng nko d kpa rn ngrrply

Ayi bka my gwpo jn ha

Ayiiiii onlayn kna bka pwd kna mg reply:))))))

Natawa naman ako sa mga messages nito. Oo ang gwapong tao nitong loko tapos honor student pa na SSG Pres tapos ganito ang typings,apaka jejemon! Minsan gusto ko na talaga maiyak dahil sa typings nitong loko e.

Kung hindi kulang kulang letters e typo na talang di mo maiintindihan! Kung 'di ko lang mahal 'to matagal ko na 'tong hiniwalayan dahil sa pagka jejemon n'ya. S'ya nga rin nag change ng call sign namin eh para raw unique call sign namin tulad nung kina A.L na Moyb at Mogi na unique. Jejemon talaga. AYI means 'akin ka lang' daw sa tiktok n'ya raw nakita 'yan. Edi hindi rin unique galing na sa tiktok eh,malamang marami na gumamit n'yan. Hayst kung 'di ko lang talaga mahal.

♡♡♡.

06-28-22

(^^) Congratulations pala sa mga nag-graduate/moving up ngayon! Good luck sa next journey n'yo—i mean natin^^ Don't give up on your dreams!

Thanks to God also dahil kahit hindi ako nakasali sa moving up namin at kahit sa lahat-lahat ng grade 10 student mukhang ako lang daw ang wala e honor parin ako. And I made my parents smile,but somehow I feel sad and nervous because I know they'll expect something from me na naman next school year. But I will do my best again and again!

Congratulations din sa mga friends ko na ginamit ko ring characters dito sa story ko. Jamy,Peachy,and Aymei,not their real name pero sila ang mga characters ko na 'yan haha. Congrats to them also,we really did our best on our junior journey and we will do our best again in senior until we achieved our goals in life.

Again, congratulations to all graduates/completers! Good luck all on our next journey!( ◜‿◝ )♡

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now