CHAPTER 40: CHEAT

49 4 0
                                    

Chapter 40

Angel's POV,

"Hahaha alam mo ba? Syempre hindi mo alam hahaha." napa irap nalang ako kay Buzz. Para talagang bubuyog ang ingay!

"You know?" tanong ni P.Z dito.

"Ano?" si Buzz.

"You don't know." irap ni P.Z at kumain na ulit.

"HAHAHAAHA kinamais 'yan eh!" tinaasan naman namin ito ng kilay.

"Kinamais? Ano 'yon?" tanong ni A.E.

"Bisaya word 'yon,kinamais in english is CORNY HAHAAHA." napasapo nalamang kami sa aming noo dahil sa mga pinagsasabi nito eh. Oo marunong naman ako magbisaya kasi bisaya ako pero ewan ko ngayon ko lang na encounter ang word na 'yan.

"Alam mo pare itulog mo nalang 'yan kaka-sh!bu mo 'yan eh." sabi pa ni Conan. Inirapan lang naman ito ni Buzz.

"Oo nga pala ang tahimik mo naman Mr. Bhlake? Napupu ka ba? Hahaha." baling ni Buzz kay Bhlake.

"Kung 'yang mata mo apoy tapos itong si Angel yelo kanina pa 'yan natunaw kakatingin mo." sabi pa ni Conan na ikina-gulat ko. Nilingon ko naman si Bhlake ngunit nag iwas agad ito nang tingin.

"Bakit? He likes my A.L ba?" tanong ni P.Z.

"Tinanong mo pa,oo,matagal na pinag-usapan na natin 'yan eh-aray!" sigaw ni Buzz na napahawak pa sa tagiliran n'ya nung sikuhin s'ya ni Bhlake.

"What really?" gulat na tanong ni Brix na kakarating lang kasama ang dalawang kapatid nito na sina Von at Seve. Parang hindi naman tinanong nung kapatid n'ya.

"Oo,'wag mo na ilihim pare tsk tsk. At oo,alam mo ba ayaw ni Angel na may nagtatago ng secrets sa kanya." si Buzz.

"A-Alam naman niya eh!" sigaw ni Bhlake.

"Pero hindi mo kinlarify pare." sabi pa ni Buzz.

"Oo nga,why don't you tell us kung bakit nagustuhan mo s'ya?" sabi pa ni Von.

"H-Ha...A-Ah..." natawa naman sila rito.

"Shy type talaga ang pare namin eh." sabi pa ni Conan at nagtawanan naman sila.

"Sige ako nalang pare 'wag kang magalit sa akin hehehe. Ito na nga,second year highschool palang kami ay sobrang crush na n'ya si Angel,bad boy s'ya nung mga panahon na 'yon at syempre bad boy ako nun kaya kasama n'ya ako...at ayun na nga dahil mukhang bad girl din noon ang grupo nina Angel at 'yang mga friends n'ya tapos may isa pa si Jamy.

At ayon na nga,oo gangster maraming alagad 'yan,isa sa alagad ni Bhlake nun ay nirambol ang mga kaibigan ni Angel at sabi nung taksil na alagad si Bhlake raw ang nag-utos kaya ayun binugbog din ni Angel si Bhlake hahah at doon nahihiya na si Bhlake mag approach sa crush n'ya na si Angel.

At isa pa ay dahil nakabantay si William noon kay Angel pero ngayon hindi na nakabantay si William kay Angel hehe kaya nga todo practice na naman si Bhlake ngayon pano mangligaw kay Angel dahil nalaman n'yang may ibang girlfriend na si William."

"Hahaha wala ba silang beer dito?" tanong ni P.Z.

"Oo nga,o 'di kaya'y beer?" tanong ni A.E.

"Wait tignan ko lang doon kung meron ba." sabi ni Von at umalis.

Kumain lang ako habang nagku-kwento si Buzz wala talaga akong intensiyon na pakinggan ito pero nasa iisang mesa lang kami eh at ang lakas ng boses n'ya. Pero doon lang ako napalingon sa kanya nung marinig ko ang huling sinabi n'ya.

'dahil nalaman n'yang may ibang girlfriend na si William.'

"A-Ah haha masyado kana atang maraming malalaman pare kahit issue issue nung mga-

"Anong sabi mo?" wala sa sariling tanong ko kay Buzz at binaliwala na nagsasalita pa si Isaac.

"Ah sige na kain na tayo-

"Buzz." seryusong tawag ko rito at pinutol ang gustong sabihin ni Steph.

"Ha? A-Ah wala 'yon A-Angel-

"Gusto kong ulitin mo 'yong sinabi mo kanina!" sigaw ko rito. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba na nandito basta ang alam ko lang ay nawawalan na ako ng control sa sarili ko dahil sa sakit,galit,awa at ano ano pa ang nararamdaman ko ngayon.

"A.L." mahinang tawag nina P.Z at A.E.

"Buzz." tawag ko ulit dito.

"A-Ano...ga-ganito ka-kasi 'yon A-Angel.." lumunok ito.

"Buzz." tawag nila rito.

"A-A-A..p-pasensya na hindi ko kasi kayang magalit s-sa akin si Angel at d-deserve n'ya rin sigurong malaman ang totoo 'di ba?-

"Buzz!" sigaw ko rito. Napatayo naman ito.

"Angel oo,nakikita ko si William sa Arcade may kasamang babae...p-pamilyar ito sa akin ngunit 'di ko alam kung anong pangalan nito basta...ang alam ko lang minsan nakikita ko kayong magkasama ni William pero nagugulat ako kasi nga pagkatapos n'yong mag-date siguro ni William...a-ay may kasama na naman itong babae,oo chismoso ako sinusundan ko si-sila at ayun na nga mas matagal pa silang nagsa-sama at minsan nasusundan ko sila..." nag-iwas ito nang tingin ngunit hindi ko parin inalis ang tingin ko sa kanya.

"Angel 'wag mo nang pakinggan si Buzz." tumayo naman si Bhlake na nangingilid ang luha sa mga mata nito.

"Ituloy mo Buzz." mahinang sabi ko na may pagmamaka-awa sa mga mata.

"A-Angel...h-hindi man tayo super close pero kasi...ayaw kong makitang u-umiyak k-ka ng d-d-

"Ituloy mo."

"N-Na-Nakikita ko silang pumapasok sa condo at alam kong sa babae 'yon at minsan sinasama ito ni William sa bahay nila a-at nandoon ang pamilya nila." napa-iwas naman ako ng tingin sa kay Buzz.

"A.L." mahinang tawag ni P.Z at A.E at lumapit sa akin.

"Angel I'm s-sorry." si Buzz.

"Ikaw kasi Buzz ang dami mong alam!" si Conan.

"Don't trust him Angel. B-Baka nagkakamali lang s'ya right?" sabi pa ni Steph.

"Yes yaya,don't trust to him until you see it. Malay mo 'di ba gawa gawa n'ya lang p-para sagutin mo si Bhlake?" si Brix.

,"Y-Yes Angel,g-ganyan ako ka mahal ng kaibigan ko eh hahaha alam mo naman ang magka-kaibigan.

Tumingin lang ako sa labas kung saan makikita ko ang mga taong naliligo sa dagat at masayang nagtatawanan.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag umiyak. Pinipigilan kong huwag ma-iyak at buti naman naki cooperate ang luha ko. Ang sikip ng dibdib ko. Sobrang sikip.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now