Chapter 35
Angel's POV,
Dalawang araw ang lumipas matapos nung balikan ako ng mga lalaking dati na ring nambugbog sa akin. At talagang dinamay pa nila si P.Z noong balikan nila ako.
Dinala raw sila sa DSWD at na banned narin sila rito sa AJAP B.R,humingi na rin ng tawad sa akin o sa amin ang mga magulang nila. Nainis talaga ako dahil hindi man lang sila sumipot noong humingi ng tawad ang mga magulang nila. Ako ang naawa sa mga magulang nila eh.
"Alam mo? Kung nandoon lang ako pinuruhan ko na 'yon!" inis na sabi ni Zeph.
"Bakit ba kasi umabot kayo roon? Sabi mo sa SFH lang kayo?!" tanong ni Maria sa akin.
"Sabing napadpad kami roon dahil sinundan nila kami eh." ngiwi ko.
"We're so sorry yaya." paghingi ng tawad ni Seve. Kinwento kasi ni P.Z lahat nang nangyari nung gabing 'yon pati narin ang mga sinabi nung mga lalaki.
"Aba dapat lang na humingi kayo ng tawad!" galit na sabi ni Maria.
"Forgive us yaya,we can't help that time na nakilala namin sila." sabi pa ni Brix.
"Bakit hindi n'yo sinabi na may plano pala kayong puruhan 'yong mga 'yon?!" inis na tanong ni P.Z.
"We know that if we will tell you about our plan ay sasama kayo." sagot ni Von.
"Ano namang meron kung sasama kami?" tanong ni A.E.
"Lalaki sila at babae kayo. Kahit na marunong pa kayong mambugbog eh iba parin ang lakas ng mga lalaki at ang utak nila." sagot ni Ryan. At oo,galit ako kay Ryan o naiinis ako sa kanya pero...naawa ako sa kanya. Siya kasi ang anak sa labas na sinabi nung mga lalaking 'yon. Kay Von ko nalaman.
"Tsk." irap ni P.Z.
Umiling nalang ako at kumain na. Nag boodle fight kasi kami ngayon at nag bonfire. Ang kasama lang namin ay ang magkapatid na Vamps,si P.Z,A.E,J.F,Vince,Wennah,Vlademir,Maria,Zeph,Isaac,Ryan,at tatlong kaibigan ni Ryan galing sa ibang section at paaralan. Pero aalis din si Maria at Zeph dahil bukas na ng gabi ang huling gabi namin dito kaya todo gawa na sila ng magagandang memories kuno sa AJAP B.R. Ang ibang kaklase rin namin ay may kanya-kanya naring kasama sa bonfiring nila.
"Laro nalang kaya tayo ng truth or dare?" suhestyon ni J.F at nagtaas baba pa ng kilay.
"Iba naman." sabi ni P.Z.
"Ah,can I suggest?" tanong ni Wennah. Tumango naman kami.
"How about asking five question galing sa iba't ibang kasama sa game." sabi nito. Kumunot naman ang noo namin.
" Ganito kasi 'yan, example it's my turn na,then Jamy will asked me a question,then after I answer that question another one will asked a question na naman it depends on her/him. It's either personalan na tanong or nonsense basta 5 questions lang ang limit." paliwanag nito. Tumango naman kami.
"So we can ask that someone kahit ano? For example nagse-s!x na ba kayo ng jowa mo ganyan?" tanong ni P.Z.
"Grabi ka sa lahat ng pwedeng itanong yan pa talaga." sabi pa ni J.F na ikinatawa namin.
"Yes Peachy,so ano game? Ito na ang tamang oras para itanong mo ang gusto mong itanong sa taong 'yan." sabi pa ni Wennah.
"Game!" sigaw nila.
Nagtataka parin talaga ako kung anong ibig sabihin nung huling katagang sinabi nung lalaki nung gabing 'yon.
'Tandaan mo maraming bituin ang nakapalibot sa buwan'
Tumingala naman ako at nakita ko ulit ang liwanag ng buwan at nakapalibot din dito ang maraming kumikinang na bituin na mas lalong nagpaganda sa kalangitan.
YOU ARE READING
THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)
Novela Juvenil01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyaha...