CHAPTER 36:STRANGER

48 5 0
                                    

Chapter 36

Angel's POV,

"Look at this Yaya!" walang ganang lumingon ako kay Seve.

"Ano naman 'yan?"

"Isn't it cute? This souvenirs are good para iregalo mo sa family mo pag-uwi mo roon sa province." sabi nito at ipinakita ang maliliit na souvenirs na may beach hat tapos may surf board din na may nakalagay na AJAP.

"Wala akong pera."

"Edi don't." inirapan naman ako nito. Napa-irap nalang din ako.

"Yaya yaya!" Napalobo naman ako ng pisngi. Nakaka-bu!set talaga itong mga loko! Inis akong lumingon kay Brix.

"Omg! Ang hot n'ya."
"Omg PS men ang dating."
"Ang pogi halatang hindi mapapa sa'kin!"
"Ch!ke me dadeh."

Napa-ubo naman ako sa sinabi nung babae na hanggang balikat ko lang. Oo minor din naman ako pero feeling ko nasa 13 palang ang batang ito eh!

"Wow feeling hindi minor ah."
"Beng 10 ka palang landi mo na."
"Tsk bakit kayo lang ba ang may rights na pumila sa mga mala PS men? Haler."

Inilugay pa nung bata ang buhok n'ya. Grabi na talaga mga bata ngayon! I mean bata rin ako pero mas bata s'ya noh. At anong nakaka-attract d'yan sa kanya? 'Yang four packs n'ya? Tsk panget nga n'yan.

"Yaya can you tell me the truth? Do love me na ba?" napa-ubo ulit ako dahil sa sinabi nito.

"Kadiri! Hindi ka ba talaga tinatablan ng hiya? Ha? Kadiri ka kala mo naman may s!x appeal."

"Yaya if ever wala akong s!x appeal...I can do-

"Don't talk to a kid like that,idiot." nakangising putol ni Von dito.

"Ow,my bad I'm sorry lil'angel." kumindat naman ito. Kadiri talaga!

"Oh ano ba kasing kailangan mo?" inis na tanong ko rito.

"Look at this shells ang cute 'di ba?" ipinakita n'ya naman sa akin ang shells na nakuha n'ya. Ang cute nga. Tinango-an ko lang ito.

"Lets find more shells Yaya!" excited na aya nito. Umiling naman ako.

"Pagod na ako maglakad ikaw nalang."

"You can ride on me naman. I mean on my back but if you want-

"P!kyu!" sigaw ko at iniwan ito. Tawa lang naman ito nang tawa.

"Hey ugly look at this." huminga naman ako ng malalim at tinignan ang itinuro ni Shaun-isang shokoy?

"Ano namang meron d'yan?"

"Ang popular mo pala." kibit balikat nito. Tumaas naman ang isang kilay ko.

"Ha?"

"Oh,my bad I thought it's you,shokoy nga pala 'yan. Damn how could I?uh nevermind." napapikit naman ako at sinundan sila.

Kanina pa nila ako sinama rito sa mga souvenirs na binenta rito sa beach at akalain mo 'yon sobrang init tapos hindi man lang nila ako magawang ipabalik sa kubo o bilhan man lang ng iinumin. Kainis.

Nakatayo lang ako sa ilalim ng niyog dahil hindi ko na talaga nakaya ang init. Naisipan ko namang tawagan si Moyb.

[Oh Ange- I mean Mogi,napatawag ka?]

"Wala namiss lang kita haha."

[Talaga? Hahah,oo nga pala kamusta na vacation n'yo d'yan? May bago kana bang nakilala?]

"Marami naman katulad nung mga tourist dito at may mga kaibigan ang mga kaklase ko na sinama nila rito."

[Mabuti naman haha nakita ko 'yong post ni Brix kahapon sa instagram account n'ya,halatang maganda ang tanawin diyan.]

"Oo nga eh,ayaw mo ba talagang pumunta? "

[Hmm,nope,busy parin talaga ako Mogi eh,hayaan mo susunod dadalhin kita d'yan]

"Talaga? Baka biro na naman 'yan eh."

[No,I'm serious haha,kailan pa ba ako nagbiro sa'yo? If I said I will bring you there asahan mong mangyayari 'yan]

"Haha oo na,kailan ba?"

[I don't know,basta dadalhin kita d'yan...ng tayo lang of course]

"Sige 'wag mo akong paasahin."

[Of course,I won't.]

"Sige baka busy ka pa ibababa ko na."

[I'm not busy for now kakatapos ko lang sa gawain ko,pero you can end the call and enjoy your day. Matutulog muna ako saglit.]

"Okay sige,bye. I love you."

[Yeah,bye. Enjoy your day Mogi maraming pogi riyan haha]

"Mas pogi ka."

[I'm not. Sige bye na enjoy]

Ngumiti lang ako at ibinaba ang linya.

"Mas pogi pa rin ako dun."
"Ay bakla!" napatalon naman ako sa gulat nung may magsalita sa likod ko. Si Steph.

"Haha sorry did I scare you?" at tinanong n'ya pa talaga! Pasalamat s'ya pogi s'ya eh.

"Medyo."

"Hmm,you really love that guy huh." sabi nito at iniwan na ako. Of course I love him. I love you too, joke. Kung naririnig lang ni Moyb ang utak ko matagal na akong iniwan nun haha.

"Yaya yaya!" napabusangot nanaman ako dahil sa nagsisigaw na si Brix.

"Ano na naman?"

"Why don't we collect sand nalang? You know, it's fun to collect sand in the beach. At para naman may maganda kang collection dito. You don't want to buy souvenirs kasi wala kang pera,so come here join us." nye nye nye. Wala na akong ibang masabi grabi ang daldal na ni Brix ngayon eh.

"Janice come here I got yaya na." tawag n'ya kay Janice na kasama si Shaun na naka-upo sa kubo namin.

"Great let's go!" sigaw ni Seve at tumakbo papalapit sa amin.

Sumama narin si A.E,P.Z,Ryan at kaibigan nitong si Buzz,Conan at Bhlake. Wala si J.F dahil family bonding na naman nila. At si Wennah naman ay umuwi na raw kanina pa kasama si Vlad dahil nga busy daw silang dalawa. Si Isaac ay sumama narin,ano ba namang nagbago? Tsk buntot na talaga s'ya ni A.E.

"Come here yaya,this jar is for you." inabot ni Brix sa akin ang isang jar na 10inch ang haba.

"Give me that one." turo ni P.Z sa hawak ni Von na maliit na jar at agad naman itong binigay ni Von sa kanya.

"Pano kung mag build tayo ng sand castle?" suhestyon ni Janice.

"That's great idea!" sabi pa ni Steph at gumawa na nga sila ng sand castle. Gumawa naman ako ng sarili kong sand castle pati na rin sina A.E at Isaac.

Ilang minuto rin bago nila natapos ang sand castle nila na siguro mga taga bewang ko lang. Ang cute nga eh. Kumuha naman sila ng mga litrato.

"Yaya." napatingin naman ako kay Seve at-

"Kinunan mo ako?"

"Yep,for keeps hehe." sabi nito at kumuha ng litrato sa kanila. Umiling nalang ako. Naninibago parin talaga ako sa magka-kapatid na 'to eh. I mean sa kina Brix,Von at Seve lang naman. Walang pinagbago kay Steph,as usual mabait parin. Kay Shaun,wala eh,grumpy na nagpapa-init ng ulo ko.

Tinignan ko naman ulit sila na nagtatawanan at busy sa pagkuha ng litrato. Hindi ko alam ano talagang kinain nila eh at ang saya saya nila ngayon. Baka siguro dahil 'yon sa shrimps na kinain nila haha.

"Kasing ganda siguro ng dagat ang ngiti mo." napatingin naman ako sa lalaking naka-upo sa gilid ng sand castle ko. Tinaasan ko lang ito ng kilay.

"You should make a great memories here with your friends,with full of smiles and laughter. Minsan lang kayo magkakasama remember that,hindi sa lahat ng panahon kasama mo sila. And at the end of the day,you will look back and say how I wish I was like this that time. I miss those good old days,while looking at those pictures they've captured." ngumiti ito sa akin bago umalis.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now