Unmasking IV

2.6K 72 11
                                    

Natapos ang buong linggo na busy ang mga tao sa Saledo University para sa pagpe-prepare para sa gaganaping college ball. Nagtulong-tulong ang mga departments sa mga gawain.

"May date ka na ba para sa ball?" napatingin ako kay Dolly na lumapit sa akin dala ang isang kahon ng mga decorations na ilalagay sa mga tables para sa ball. Dito na-asign ang aming department.

"Di naman required." I shortly answered.

Well wala naman akong balak na mag-sayaw sa ball. Yun naman kasi ang silbi ng date di ba? Para may kasayaw ka? But nope. Hindi ako pupunta sa ball para sumayaw. I'll come for the food. At pag may kasama akong date ay baka di ko siya ma-entertain dahil baka ma-focus ako sa pagkain. Kawawa naman siya.

"Hindi nga required, but atleast..." tumaas ang kilay ko sa kaniya. Napailing na lang ako.

"Kung si Casper Sindel ang ka-date ko, why not?" umirap siya sa akin.

"Girl! Ang dami-daming nagkakandarapa sa ganda mo. Why not make pansin your suitors just for one day? Wala namang masama kung ie-entertain mo minsan ang mga manliligaw mo di ba?" she said and after that ay iniwan niya na ako para dalhin ang kahon na dala niya sa president ng department namin.

Napatingin ako sa paligid. Some boys from our department are looking at me. Napailing na lang ako. Sometimes creepy na rin ang mga admirers ko. Hindi naman sa nagmamayabang at nagmamaganda, but Dolly's right. maraming nagtatangkang manligaw sa akin. But I don't entertain them. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, sometimes ganoon ang kaso, pero the fact na I'm also waiting for that the one. I tried dating din naman, pero hindi nagki-click eh. Siguro it's not the right time. So for now, hahayaan ko na lang muna ang mga admirers ko sa mga buhay nila. If they want to give me gifts, edi thank you, pero hindi ko sila bibigyan ng motibo para umasa sa wala.

















Nautusan akong kunin ang isa pang kahon ng decoration sa may stock room kaya naman ay agad akong pumunta doon. Medyo malayo ang stock room from the event theater kung saan gagawin yung ball.

My gosh! Pinapagod nila ako.

Pagpasok ko sa stock room ay dilim ang sumalubong sa akin. Agad kong kinapa ang switch para naman lumiwanag. Pagkabukas ng ilaw ay ang siyang pagsarado ng pinto. Nagulat ako nang makita ko ang isang lalaking medyo may kapayatan. Matangkad siya ng kaunti sa akin at magulo rin ang buhok.

Napaipod ako sa aking kinakatayuan nang bigla siyang maglakad papalapit sa akin. He's creeping me out dahil sa nakakamanyak niyang ngiti. I don't know him. Hindi ko siya ka-department at kaklase sa mga subjects ko.

Napalunok ako nang wala na akong maipudan. Pakshet.

Nangilibot ako nang bigla niyang hawakan ang hita ko. Agad kong tinampal ang kaniyang kamay na siyang ikinangisi niya lalo.

"What the hell are you doing?! Stay away from me!" lumapit pa siya lalo sa akin dahilan para sumigaw ako.

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at natigil ako sa pagsigaw. Mabilis sinakop ng isa niyang kamay ang dalawa kong mga kamay.

Nanginig ang mga tuhod ko at mariing napapikit nang idinikit niya ang tuktok ng ilong niya sa ilong ko.

"Matagal na kitang gusto Lisha. Sobrang tagal na." kahit nanginginig ay pinuwersa ko pa ring sipain ang tuhod niya nang tangka niyang hawakan muli ang hita ko.

Agad akong tumakbo palapit sa pinto at sumigaw ng tulong pero agad niya akong nahila sa buhok. Napa-aray ako sa sakit. He pinned me down at tinakpan muli ang bibig ko gamit ang kaliwang kamay niya.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon