Unmasking XLI

1.7K 55 11
                                    

- S O M E O N E –


"Project Jamais vu? What the hell is that for?" bunghalit ni Calix nang muli silang magtipon para pag-usapan ang mga nakuhang impormasyon.

Lalong lumalim ang mga iniisip ni Deo at walang kibo itong nakikinig sa pinag-uusapan ng grupo.

"Here are some of the copies of Hygeia's researches about Euphoria's Tear." Inilatag ni Jace sa harapan ng mga kasama niya ang ilang mga papel na naglalaman ng mga sinasabi niyang impormasyon. Natuon ang pansin ng lahat sa mga papel na ito.

"According to those researches na nakuha niya kasama si Vera, Euphoria's Tear is actually a powerful liquid. It can alter a human body's mechanism creating a human wardoll." Paliwanag ng doctor sa kanilang lahat. Tahimik lamang nilang pinakinggan ang bawat salitang lumabas sa bibig nito.

"Based from the famiglia's history record, Project Jamais vu is actually founded by Harriette Kosmo and...



 Theodore Carson?" 


Nagulat ang Saints sa huling pangalang binanggit ni Jace.

Halata ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Maging ang doctor na si Jace ay nagulat din sa kaniyang nabasa.

Si Calix ang unang bumasag sa tension na namuo sa grupo.

"Do you know anything about this, Deo?" Seryosong tumitig lang ang binata sa kanila.

Wala rin siyang alam...






- L I S H A –


Pinanood ko ang pag-alis ng sinasakyan ni Alec mula sa may gate namin. Nang makita kong nawala na ito ay agad akong naglakad patungo sa bahay. Naalerto ako nang mapansin kong bukas ang pinto.

Teka! Maaga pa para umuwi si Mama ah?

Tahimik kong sinilip ang loob ng bahay naming mula sa labas. Tahimik...

Hala! OMG! Lord huhuhuhuhuhu! Sana po hindi kami nanakawan huhuhuhuhuhuhuhu!

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ingat na ingat ako para hindi gumawa ng ingay. Kinapa ko ang lalagyan ng paying sa tabi ng pintuan namin. Mabuti nang handa!

Pinigilan ko ang sarili kong mapatili nang ma kumalampag sa may kusina. Nagmadali akong nagtungo doon at itinago ang aking sarili sa may likod ng dingding.

Hala may tao!

Pinanood ko siyang maghalungkat ng mga tirang pagkain sa mga kaldero.

Teka, ba't parang pamilyar yung likod niya?

"Papa?"

Agad siyang lumingon sa akin at nang makumpirma kong siya nga iyon ay agad akong tumakbo at yumakap sa kaniya.

"Princess." Pabiro niyang tawag sa akin na siyang ikinatawa ko rin.

Naramadaman ko ang paghalik niya sa aking buhok. Napangiti ng malaki at hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Na-miss kita Papa!" I pouted when we realeased ourselves from each other.

Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon