Unmasking XVII

1.8K 72 5
                                    

Napalunok ako sa mga bagay na nasa harapan ko. Everybody's starting to get hype up pero ako hindi. Nanlalamig ang mga kamay ko at tila babaliktad ata ang sikmura ko.

"Lisha, halika na. The game will start in a few moments. You have to get ready na." pinilit kong hindi mahila ni Effie pero malakas siya kahit wala sa kaniyang itsura kaya nagawa niya pa rin akong madala palapit sa lugar kung nasaan si Deo.

Nakakunot na noo nito ang unang sumalubong sa akin.

"What took you so long? The game is almost starting, witch! Buhay mo ang nakataya dito kaya bilisan mo ang pagkilos." Pagsusungit nito sa akin habang sinusuot ang helmet sa kaniyang ulo.

I look at Effie with hesitation. Iminuwestra lang niya sa akin na sumakay na ako.

No! Huhuhu! Ayokong pang mamatay!

Pigil ang aking paghinga na umangkas sa motor na sinasakyan ni Deo. We're joining this game called "Death Race". Each famiglia and gangs must have their representative. And even yung mga illegal gamblers na tulad ni Elias Ibarra ay required na sumali sa laro. If tumanggi ka, si kamatayan mismo ang magpapatulog sa'yo ngayong gabi. At ang kung sino mang manalo sa larong ito, ako lang naman ang premyo.

Yes. I'm actually the prize! And that's bullshit! Bwisit yung Layla na 'yun! Kainis!

Bakit ba naging ganito ang buhay ko!

"Hold me tight." Nagulat ako nang kuhain ni Deo ang mga kamay ko at ipinulupot ito sa kaniyang bewang.

"Listen to me, kid. Whatever happens, don't let go." Malamig ang boses niya pero may ramdam ko ang sincerity sa mga salita niya.

I felt relieved because of his words kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Don't worry. We'll win this shit." Napangiti ako sa sinabi niya at lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kaniya.


"Attention!" napalingon ang lahat kay Layla na ngayon ay naka-ripped shorts at sports bra na lang. She's still wearing her mask though. Narinig ko ang ilang sipol ng mga manyak na gangster sa aking gilid. Gross!


"Settle everyone." She smirked and raise her gun.


"Like what I've promised, the one who will win this race will definitely have the life of the last precious lady of Tartarus, whether she agreed to it or not." Itinutok niya sa akin ang baril na hawak niya kaya napahigpit ang hawak ko kay Deo at kumubli sa kaniyang likuran.


"At para mas lalo kayong ganahan, I'll add another spice." Tahimik ang lahat habang nagsasalita siya. Parang mga asong ulol na naghihintay na magbigay ng karne ang amo nila.


"Whoever win this race will have the opportunity to see my face and will have an access to know the next step of Cerberus." I heard some gasps from the crowd. I can feel the tension.

Maging si Deo ay tila nadisturbo sa sinabi ni Layla. Napansin ko ang mariin na paghawak nito sa manibela ng motorbike na sinasakyan naming dalawa.



Hindi ko namalayan ang mabilis na putok ng baril na gumulat sa lahat. Ito ang naging mitsa na umpisa na ng laban. I found myself screaming my lungs out dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Deo.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon