"I told you to stay away from that detective. Napakatigas ng ulo mo!" malamig ang kaniyang tono at hindi man lamang siya lumingon sa akin. Sa halip ay nakatuon lamang ang kaniyang buong atensiyon sa kalsada.
"I am! It's just that, he's cornering me." This time ay lumingon na siya saglit.
"What do you mean? What's your business with him?" napansin kong nasa kalye na kami patungong Casa de Tartarus. Magubat ang daan na ito at isang mahabang kalye na ang dulo ay malaking white gate.
"He knows that I know something about the arson case sa university. And I think he's connecting it to you." Nasa harapan na kami ng malaking white gate at automatic itong nagbukas. Sumalubong sa aking paningin ang batallion ng mga kalalakihan na seryosong nagmomonitor ng paligid. Repears.
Ipinarada ni Deo ang sasakyan sa gilid ng engrandeng marble fountain.
He looked at me. Wala akong nababasang kahit ano sa mukha niya. Blangko.
"Tell me everything about it."
Pagkauwi ko sa bahay ay sumalubong sa akin si Mama. Sa tabi niya ay si Kuya Lindon na hawak ang cellphone. For sure naglalaro yun ng Mobile Legends.
"May boyfriend ka na pala?" napapikit ako nang marinig ko iyon na sabihin ni Mama.
"Hindi ba iyon yung kasama mo sa karinderya noong nakaraan? Sabi mo ka-tropa mo lang iyon? Bakit boyfriend na ang pakilala sa akin?" napasimangot ako at mabilis na niyakap si Mama na parang batang naglalambing.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya. Masamang tingin ang binigay ko sa kaniya.
"Ehh, Ma!" siniksik ko ang aking sarili kay Mama. Naramdaman ko ang paghimas niya sa buhok ko.
"Boyfriend mo ba talaga ang lalaking iyon?"
"Ma naman!" I pouted.
"Huwag mo akong daanin sa paganyan-ganyan mong bata ka ha. Kailangang malaman 'to ng papa mo. Nako ka." Nagmamadaling umalis si Mama papuntang kwarto niya. Naiwan kami ni Kuya dito sa salas.
"Sino ba yang boyfriend mo? San mo nakilala? Taga saan? Siya ba yung naghatid sa'yo noong nakaraan?" napairap ako sa sunod-sunod na tanong sa akin ni Kuya.
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot. Alangan namang sabihin kong hindi ko talaga boyfriend si Deo. We just pretend to be lovers to protect me from the underground society na muntik na akong patayin ng ilang beses.
Napabuntong hininga ako ng malalim. My mind is still balancing on which thing I'll solve first. Kung itong boyfriend issue ba o yung sinabi sa akin ni Deo kanina na gagawin ko bukas, ang kausapin si Detective Dustin.
Binabaliw niyo ako!
Napahinga ako ng malalim nang makita ko ang likod ni Detective Dustin. Kakatapos lang ng klase ko at dumiretso agad ako ng food court. Deo told me yesterday to tell him what I know. Ito lang daw ang paraan para tigilan ako ng detective na iyon. He told me to tell him na hindi student ng university ang may kagagawan ng sunog, which is true. Si Azul na daw ang bahala sa ibang details.