- S O M E O N E –
"What the hell is happening?" iyon ang unang nadinig nina Orien, Jace, at Calix nang makababa sila sa mga sinasakyan nila. Nagmula ang maotoridad na tanong na ito lalaking kalalabas lang rin ng sinsakyan niyang kotse, walang iba kundi si Deo.
"We'll explain later, but right now Lisha needs us." mabilis na sagot sa kaniya ni Orien na agad rin inutusan ang kanilang mga tauhan na i-secure ang lugar.
Mabilis silang nakapasok sa lugar na iyon at ikinagulat nila na wala ni isang kalaban ang sumalubong sa kanila. Mas ikinagulat ng grupo ang natagpuan nilang mga katawan ng mga lalaki na nakabulagta sa lupa.
Nagtataka man ay agad din nilang pinuntahan ang loob ng isang abandonadong bahay kung nasaan ang eksaktong lokasyon ni Lisha.
"What happened here?" nagtatakang tanong ni Jace sa kaniyang mga kasama nang makita na maging sa loob ay panay mga lalaking nakabulagta sa sahig ang sumalubong sa kanila.
"Lisha!" umalingawngaw sa buong lugar ang sigaw ni Effie kaya agad na naalerto ang mga kasama niya. She found Lisha na katulad ng iba ay nakabulagta na rin sa sahig.
She supported Lisha's body na tila nanghihina at walang malay. Napansin ng grupo ang dalawang katawan na kalapit ni Lisha.
"Fuck." Murang lumabas sa bibig ni Calix.
Napailing na lang si Orien maging ang iba pa sa nakita. Those were Elias Ibarra and Matrix's body... corpse. May nakatarak sa katawan ni Elias Ibarra na tubo samantalang ilang tama ng bala ang makikita sa katawan ni Matrix. Mariing sinuri ni Orien ang mga ito. Napapikit na lang ito nang makita ang pagkasira ng maskara ni Matrix dahil sa isang bala na tumama sa parteng noo nito.
"Calix." Napalingon ang lahat kay Deo na ngayon ay hawak-hawak ng ang kalahating piraso ng maskara ni Thanatos. Seryoso itong tumingin sa grupo niya.
"I saw some CCTVs around this place. Get all the records and also all the files you can find." Tumango sa kaniya si Calix at kasama ang ilang mga tauhan namin ay agad nilang nilibot ang buong lugar.
"Effie, I need you to investigate this place as well. Libutin mo ang buong lugar na ito and make sure the authorities won't find out about this. And you also know what to do with these corpses." Sunod na utos ni Deo na agad namang sinunod ni Effie.
"You two, bring Lisha to the car." Huling utos niya sa kina Jace at Orien at naunang magtungo sa sasakyan.
Agad na binuhat ni Orien ang dalaga gamit ang kaniyang bisig at sumunod sa kanilang leader. Sa kaniyang gilid ay si Jace na tumawag sa mga kasama niya sa Elysium para ihanda ang mga kailangan.
Ilang sandali pa ay nakabalik na silang lahat sa casa. Abala si Calix sa pag-set up ng mga cds na nakuha niya sa lugar. Effie assisted him kasabay ng mga pag-check nito sa mga documents na nakuha nila. Sa kabilang banda ng Elysium ay naroon si Jace na mariing sinusuri ang kalagayan ng dalaga na hanggang ngayon ay mahimbing ang pagtulog. Tahimik namang sinundan ni Orien si Deo na agad nagtungo sa glass box kung nasaan ang maskara.
"Report." Malamig nitong utos sa kanang kamay.
Malalim na hininga ang unang nagawa ni Orien bago simulan ang kwento.
- L I S H A –
Nagising ako sa pamilyar na kwarto ng mag-isa. Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot ito saglit nang sinubukan kong bumangon mula sa aking pagkakahiga. I tried to remember what happened earlier and the last thing I remembered was I'm running...