Unmasking XXXVII

1.5K 54 4
                                    


"Anong ginagawa mo?" I asked her when I noticed that she's doing something on her chains.

Nakapag-adjust na sa dilim ang mga mata ko at madali na para sa akin ang makita siya mula sa sulok.

"Gumagawa ako ng paraan para itakas ka dito, prinsesa." Sarcastic ang tono niya at medyo nailang ako dahil sa pananagalog na paraan niya ng pagsasalita.

Ilang saglit pa ang nagdaan at narinig ko ang kalampag ng mga kadenang natanggal mula sa katawan niya.

"Ang sarap sa pakiramdam na makalayang muli." Parang bata siyang nagtatalon bago lumapit sa akin.

Sinuri ko ang kaniyang mukha habang sinusubukan niyang alisin ang mga kadena sa katawan ko.

Her face shows an innocent little kid but her eyes screams the opposite.

"Kalayaan." Mapaglaro niyang sambit kasabay ng pagkakatanggal ng mga kadena sa katawan ko.

Mabilis siyang kumilos at nagobserba sa labas ng parang seldang silid kung nasaan kami.

"Nasaan ba tayo?" maingat kong tanong sa kaniya.

"Sa lugar kung saan kahit tao, pwedeng ibenta." Napatigil ako sa kaniyang sinagot.

"A-Ano?" lumingon siya sa akin at hinila ako sa gilid na parte ng silid para magtago sa dilim.

"Makinig kang mabuti prinsesa." Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. I saw how her green eyes sparkle nang matamaan ito ng kaunting liwanag.

"Kailangan nating makalabas sa lugar na ito bago sumapit ang nakatakdang oras para kuhain ka nila." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin? Wala akong maintindihan." Reklamo ko.

"Ibinenta ka ng isang babae kay Gael, isa sa nagmamayari ng pinakamalaking subastahan dito sa Annwn. At ngayong gabi, nakatakda kang ihain sa subasta na isasagawa nila." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking nalaman.

"S-Subasta?" I stuttered.

Tumango siya sa akin at muling naging alerto sa paligid.

"Malaki ang magiging halaga mo dahil ikaw ang bago at huling babae ng Tartarus." Napalunok ako sa mga salitang binitawan niya.

Natahimik kaming dalawa nang maramdaman namin ang ilang mga yabag na papalapit. Agad akong isiniksik ni Meliora sa pinakang gilid. Bumukas ang pinto ng selda kung nasaan kami. Pumasok ang tatlong kalalakihan at nagulat sila nang makitang wala kami sa kadena.

"Nasaan ang mga babae?" bago pa makasegunda ang mga kasama niya ay mabilis na kumilos si Meliora at agad nitong napatumba ang isa sa pamamagitan ng malakas na batok nito sa likod ng lalaki.

Nagulat ang dalawa pang kasama niya pero mabilis din ang mga itong nakabawi at sabay na sumugod kay Meliora. Yumuko siya sa ambang suntok ng isa at pinatid ito para matumba. Sumunod na umamba ang isa kaya napokus ang buong atensiyon niya rito.

Nakita ko ang pagtayo ng lalaking pinatid ni Meliora at may hawak na itong patalim. Mabilis ang naging pagkilos ko and I found myself grabbing the man and twisting his arms from behind.

Napalingon sa akin si Meliora nang mapatumba na niya ang lalaki at tila nagtaka siya nang makitang pinipilipit ko ang kamay ng isa. Agad niya akong tinulungan at pinatulog ang lalaking hawak ko.

"Hindi ko inakalang may kakayahan kang gawin iyon." may pagtatakang sambit niya sa akin.

Ako rin bes! Hindi ko alam na kaya ko palang gawin 'yun.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon