Unmasking XXI

1.7K 61 7
                                    


Nagising ako sa malakas na pagbagsak ng pwet ko sa malamig na semento. Shet! Yung body goals ko!

I tried to move my hands, pero nakatali iyon pareho. Wala rin akong makita dahil sa piring sa aking mata. Ramdam ko rin ang busal sa bibig ko. Kinawag-kawag ko ang mga paa ko pero naramdaman ko ang lubid ma nakatali dito.

Wow! I'm hopeless.

"Hmmp!" I tried to scream. Narinig ko ang malagong na pagtawa ng isang lalaki na sa tingin ko ay malapit lamang sa akin.

"Go and scream the hell out of you, princess. Nobody can hear you, even that beast of Tartarus." I heard him saying at saka siya muling tumawa. Narinig ko ang bawat lakad niya hanggang sa pagsara ng pinto.

Pinakiramdaman ko ang paligid. I tried to scream again.


Nothing happened.


Naiiyak na ako. Ayoko ng ganito. Hindi ko gusto ang buhay na ganito.



Katahimikan ang bumalot sa buong lugar kung nasaan man ako.

Kailangan kong mapindot yung button sa binigay nilang kwintas. Kailangan kong maka-alis dito.

Sinubukan kong gumapang kahit na mahirap. Kinapa-kapa ko ang lahat ng nahahawakan ng kamay ko.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang muling pagbukas ng pinto at mga yabag na papalapit sa akin.

Itinayo ako ng isa sa kanila at saka ako pinaupo sa upuan. Naramdaman ko ang pagtanggal sa busal sa bibig ko kasunod ng piring sa aking mata. I adjusted my eyes from the bright light. Pagkatapos ay bumungad sa akin ang mukha ng apat na lalaking mukhang mga ewan.

I'm not being judgemental pero mga mukha silang adik at mga goons. Makakapal ang mga bigote at balbas nila, which is eewie. Mga mukhang alagad ni Alakdan na ang gusto ay patayin si Cardo.


My God! Hindi ako si Alyana!



"Oh." Pabalang na inilapag nung isa sa kanila ang tray na may lamang pagkain—more like kaning baboy.

Yuck.

"Kain!" masamang tingin ang ibinalik ko sa lalaking sumigaw sa akin. Ang sakit sa tenga ng boses niya. At talsik ang laway, putek!


Paano ako makakakain kung nakatali mga kamay ko? Di ako baboy! Mga bobo!


"Ilabas niyo na ako dito! Ano bang kailangan niyo sa akin?! Wala akong pera!" I screamed the hell out of me at sinigurado kong tumatalsik din ang laway ko para gumanti sa lintek na lalaking tinalsikan ako ng laway.

"Aba't matigas ang isang ito ah!" mabilis ang kaniyang naging kilos at naramdaman ko ang pagsakal niya sa akin. Dinuraan ko siya sa mukha kaya agad siyang napabitaw. Nagtawanan naman ang dalawa niyang kasama at masamang tingin ang pinukol niya sa akin.

"Ilabas niyo ako dito!" muli akong sumigaw. Sinubukan kong tumalon para makalayo sa kanila kahit na nakatali ang mga paa ko.

Naalarma sila sa ginawa ko at mabilis akong hinapit ng isa at binigyan ng suntok sa sikmura. Nanginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay masusuka ako. Ilang beses akong napaubo at saka bumagsak sa sahig.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon