"Ano yung nabalitaan ko sa Mama mo na may kasama ka daw lalaki kanina at kayong dalawa lang?" mariin akong napapikit nang marinig ko ang bungad sa akin ni Papa nang sagutin ko ang tawag niya.
Nasa kwarto na ako ngayon at kakatapos lang naming kumain ng hapunan. Kakatapos lang akong gisahin nina Mama at Kuya at dumagdag pa tong si Papa.
"Pa, wag kang ngang natutulad kay Mama. Masyado kayong praning eh." sagot ko sa kaniya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang isa kong kamay.
"Eh sino ba kasi yung kasama mo? Hindi daw kilala ng Mama mo ang itsura ah. Hindi pa daw niya nakikita." narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.
"Ikaw Lisha Kaye ha, mabalitaan ko lang na sumasama ka sa kung sino-sinong lalaki talagang malilintikan ka sa akin." mahina akong natawa sa naging banta sa akin ni Papa.
"Hay naku Papa. Wag po kayong mag-alala. Hindi naman po ako nasama sa kung sino-sino eh." nagkataon lang po kasi na demonyo ang taong iyon at wala akong magagawa kung hindi sumama na lang. Mahal ko pa ang buhay ko no.
"Boyfriend mo ba?" nanigas ako sa aking kinatatayuan sa naging tanong ni Papa. Napasimangot ako bigla.
"Naku Papa! Hinding-hindi mangyayari yun!", ayaw kong matali sa impyerno!
Narinig ko ang pagtawa ni Papa sa kabilang linya. Napangiti naman ako.
"Mabuti naman. Ang maige pa ay matulog ka na. May pasok ka pa bukas, at baka ma-late ka na naman. Bye my princess, I love you. Mag-ingat ka palagi ha." pagpapa-alam niya sa akin.
"Opo Pa, kayo rin po. I love you." and with that ay pinutol ko na ang tawag at saka nahiga sa aking kama.
Sa aking paghiga ay naramdaman ko ang sakit ng aking katawan. Walang-hiyang devil na 'yon! Napagod ako sa pinaggaga-gawa namin ngayong araw! Plus the fact na habulin pala siya ng mga goons!
After kong malaman na anak siya ni Tito Theodore ay nagkaroon siya ng biglaang meeting sa mga investors ng kompanya nila. Hindi na muli kami nakapag-usap dahil sobrang busy ng demonyong iyon sa opisina niya dahil napasa sa kaniya lahat ng mga naiwang trabaho ni Tito Theo. Ipinahatid na lang niya ako sa kaniyang driver.
Lord, sana po bukas anghel naman po ang makasama ko. Promise po talaga gigising ako ng maaga at di ako male-late sa first class ko. Huhu!
Kinabukasan ay tanghali na naman akong nagising. Ang masama pa nito ay sa maling side ako nagising kaya naman nakasimangot ako sa buong morning period namin.
"Hay naku, Lisha. Talo mo pa ang mga taong pinagsakluban ng langit. Smile! The weather is good. Humuhuni ang mga ibon sa paligid at namumukadkad ang mga bulaklak." nakasimangot ko lang pinakinggan ang pagiging positibo ni Dolly at saka minurder ang nasa harapan kong chocolate mousse cake.
"Hayaan mo yang si Lisha, Dolly. Kaya di 'yan nagkaka-boyfriend eh." binigyan ko ng masamang tingin si Mitch.
Porket strong kayo ni Albert eh! Pwe! Walang poreber.
"Uh girls..." sabay-sabay kaming napatingin kay Jaimie na lampas ang tingin sa amin. Bale nasa round table kami at si Jaimie ang nasa harapan ko habang si Dolly at si Mitch ay nasa tigkabilang gilid ko.