Unmasking XXX

1.7K 52 2
                                    


"I obliged you to protect my Lisha...even if it cost your lives-puahahahahahahahahahha!" napailing na lang ako nang bumunghalit sa tawa si Calix. Kanina pa niya inuulit-ulit 'yung mga sinabi ni Deo. At paulit-ulit niya iyong tatawanan.

"I never thought Deo will say those kinds of things." Effie added.

"May ico-corny pa ba sa sinabi ni Boss? Myghaad! Shet! Di ko na kaya-puahahahahahahha!" napatakip na lang ako ng mukha nang maalala ko ulit ang nangyari kanina.


After he said those ay namuo na naman ang katahimikan sa buong Atria. Nagulat ako nang biglang nagbow ang bawat isang tao sa loob sa aking harapan. Muli akong lumingon kay Deo nang may pagtataka.

"It's their way of taking orders seriously. It only means that they are willing to risk their lives just for you." Napahawak ako sa aking bibig at napasinghap.


"You're now one of the mafia's precious gem, Lisha."



"Aleast! Ang dreamy kaya 'nun!" napalingon ako kay Effie na parang kinikilig sa kaniyang iniisip.

"I can do better, pumpkin ko." napangiwi ako nang yakapin ni Calix si Effie.

"Public display of kalandian." Napatawa ako sa binulong sa akin ni Alec.

"Itigil niyo nga yan. Makakati!" Jace added.

Natigil kaming lahat nang pumasok si Inang sa silid kung saan kami naroroon. Napatayo sa kanilang mga kinauupuan ang mga Saints kasama na sina Alec at Aesop at saka sila sabay-sabay na nag-bow ditto.

Ngumiti si Inang sa kanila. Kasabay naman noon ang pag-pasok ni Deo sa silid. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong napaiwas sa kaniya.


Naalala ko na naman ang ka-cornihan niya kanina! Shet!


"Ang lalaki niyo na. Huli ko kayong nakita, mga batang paslit pa lang kayo. Mga uhuging mga bata." Narinig ko ang mahinang tawa ni Alec sa gilid ko.

Napalingon sa kaniya si Inang na tila may pagtataka. Natahimik naman siya. Nahuli naman ng mata ko ang paglapit sa akin ni Deo kasabay ng pagupo niya sa tabi ko.

"Sino naman itong bagong mukha na ito?" napokus ang lahat sa tanong ni Inang.

Ngumiti si Alec sa kaniya at nagpakilala.

"Ako po si Alec. Inatasan po akong maging personal reaper ni Lisha." nagulat ako sa sinabi niya. Personal reaper ko pala siya?! Akala ko driver at tagasundo ko lang.

"Alec? Pamilyar sa akin ang mukha mo hijo." Nakita ko ang pagseryoso ng mukha ni Alec sa huling sinabi ni Inang.

"Maybe you saw him sa underground. We always send him to spy there." Sangat sa kanila ni Deo.

Tumango-tango si Inang at muling inilibot ang tingin niya sa amin.

"Aesop." Napalingon ako sa lalaking naka-clown mask na tinutukoy ni Inang. Mahinang pagtango lang ang ibinigay nito sa matanda.

"Katulad pa rin ng dati." Nagtaka ako sa biglang pagtawa ni Inang kay Aesop.

Nilingon ko si Alec para magtanong pero nakita ko siya matiim na pinapanood ang galaw ng matanda.

The Mask Of Thanatos (VERY Slow Updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon