"Saglit po!" mabilis kong hinabol ang matanda na nagulat din nang makita ako. Hindi ko alam kung matanda ba siya o ano pero ang bilis niyang tumakbo.
Parang hindi inaatake ng rayuma!
Ilang mga tao rin ang nabunggo ko dahil sa habulan namin nung matandang iyon nang makita ko siyang pumasok sa isang eskinita. Lumiko ako doon at nakita ko kung paano niya itumba ang mga ilang piraso ng kagamitan sa may eskinita para harangan ang aking daan.
"Kaninis!" bulanghit ko nang muntik na akong mitumba dahil sa basuhan na nabunggo ko. Nakita ko ang pagngisi sa akin nung matanda at dinilaan pa ako.
Aba't talagang!
Nang makaalis ako sa mga harang niya ay patuloy ko pa rin siyang hinabol. Kung saan-saan na kami nakarating dahil sa paghahabulan namin. Napagtanto kong dumidilim na ang paligid at umuunti na ang tao at kabahayan sa lugar kung saan kami napadpad. Napatigil ako nang di ko na makita kung saan nagsuot ang matandang iyon. Marahas akong napakamot sa aking ulo.
Kainis!
Naglakad-lakad ako saglit at inalam kung nasaan ako. Muli akong nagulat nang malaman kong bumalik lang ako sa pwesto ko kung nasaan ako kanina. Naka-ilang ulit na ako nagpabalik-balik sa pwestong ito. Sinubukan kong humagilap ng mapagtatanungan pero wala akong makitang taong dumadaan sa parting ito.
Hala patay!
Nasaan na ba ako? Kinapa ko ang bulsa ko para tingnan ang cellphone ko. Muli akong napakamot ng marahas sa aking ulo nang di ko mabuksan ang cellphone. Pakshet, dedbat. Huhuhuhu!
Napa-upo ako sa isang bato malapit sa isang malaking puno. Napagod ako sa kakatakbo. Nagugutom na rin ako. Huhuhuhuhuhu! Lagot talaga sa akin ang matandang iyon pag-nakita ko siya. Gutom na ako! May exam pa ako bukas! Waaaaaaaaaaaaaaah!
Kinamot ko ang aking binti nang maramdaman kong nangangati ito. Lintek! Pinapapak na ako ng mga lamok! Naiiyak na rin ako. Hindi ko alam kung paano ako makaka-uwi. Niyapos ko ang aking sarili nang maramdaman ko ang lamig ng hangin. Magpapasko na.
Napatingin ako sa kung sinumang tao na naglahad sa akin ng monay. Nagulat ako nang makita ang mukha nung matanda. Ibinigay niya sa akin ang monay. Inamoy-amoy ko pa ito. Baka may lason eh. Nang ma-sure kong okay naman ang monay at saka umuungol na rin naman ang tiyan ko ay agad kong kinagatan ito.
"Sumunod ka sa akin." Utos niya sa akin. Ilang sentimetro na ang layo niya sa akin. Nagdadalawang-isip ako kung susundan ko ba siya o hindi. Pero kalaunan ay sinundan ko pa rin siya.
Tahimik lang kaming naglalakad. Pumasok kami sa kagubatan at medyo natakot pa ako dahil baka may masamang balak pala ang matandang 'to. Pero Nawala din naman agad ang takot ko nang may makita akong maliit na bahay sa may gitna ng gubat. May dalawang bata ang naglalaro sa labas.
Nang makita nila kami ay dali-dali silang tumakbo papalapit sa amin.
"Inang!" parehas silang yumapos kay tanda. Nagtaka ang kanilang mga mukha nang makita ako.
"Sino po siya, Inang?" tanong nung batang lalaki. Ngumiti sa kaniya yung matanda.
"Bisita natin siya." Sagot nito.
Pumasok kami sa loob ng maliit na bahay. Lahat ng gamit ay gawa sa kawayan. Para siyang maliit na kubo. Sa lamesa nila ay may apat na monay.
"Inang," tawag pansin ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin pati ang dalawang bata.
"Kailangan ko na pong umuwi." Tumango naman ang matanda sa akin.
"Edi, umuwi ka." Sambit niya at sinimulan niyang maghayin ng pagkain sa lamesa. Tila nabaliwala ako sa kanilang paningin. Ni hind inga ako binigyan ng pinggan ni tanda! Bisita pala ha!